The question for January 21: With Maricel Soriano shouting at Gerald Anderson in front of the crew, will the actor reappear on the set of Bukas Na Lang Kita Mamahalin?

Nakatakdang makita sina Maricel Soriano at Gerald Anderson sa upcoming soap ng ABS-CBN, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Ito ang comeback project ni Maricel sa Kapamilya network, habang ito naman ang unang pagkakataong makakatrabaho ni Gerald ang Diamond Star.


Mayroon bang matinding hindi pagkakaunawaan sina Maricel Soriano at Gerald Anderson?

Noong Biyernes, January 18, umabot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang sinigawan umano ni Maricel, ang tinaguriang Diamond Star, si Gerald, ang sinasabing bagong prinsipe sa bakuran ng ABS-CBN.


Nangyari raw ito sa set ng teleserye nilang Bukas Na Lang Kita Mamahalin, sa pagitan ng Enero 13 at 14, sa taping na ginagawa sa Commonwealth Avenue area.

Na-pack up ang taping na iyon, ayon sa Twitter posts ng masugid na fans ni Gerald, nang madaling-araw ng Enero 14.

Matapos ang halos dalawang araw na pag-iimbestiga, nakakuha ang PEP ng dalawang sources na nakapagbigay ng kumpirmasyon sa insidente at ng ilang detalye ng pagpapatunay nito.

Ayon sa unang source—isang nagtatrabaho sa ABS-CBN, na siyang prodyuser ng teleserye nina Maricel at Gerald—nakarinig nga siya ng ganoong kuwento mula sa mismong production crew ng soap.

Ang pinag-ugatan: Hindi raw makuha ni Gerald ang dapat niyang gawin sa eksena.

Panimulang kuwento nitong unang PEP source, "Kasi, sa isang eksena daw, ang tagal makuha ni Gerald iyong tamang acting.

"Nakailang takes na e di daw talaga tama ang arte ni Gerald, kaya medyo nainis na si Marya.”

Marya ang tawag kay Maricel sa showbiz.

Ang pagkainis ng aktres, ayon sa PEP source, ay umabot sa pagsisigaw nito kay Gerald sa harap ng ibang tao.

Sabi ng PEP source, “Bigla na lang daw sumigaw si Maricel, na parang sinabi nitong, ’Ikaw ang cause of delay ng taping!’"

Inamin ng source na ang mga nakausap niyang nakasaksi nito ay hindi lamang sigurado kung iyon lang ang ikinagalit ni Maricel o kung mayroon pang ibang dahilan ang pagtalak nito.

“Hindi ko alam if hindi ba maganda ang pagkaka-arte ni Gerald sa eksena o hindi nagustuhan ni Maricel ang acting nito,” saad ng source.

Naringgan din daw si Maricel ng, “Ano ’to Direk? Hindi naman niya nakuha ang tamang pag-arte!’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa raw ni Maricel, "Ayan, mag-sorry ka sa lahat ng crew dahil ikaw ang cause of delay dito!”

Si Jerome Pobocan ang direktor ng soap, kung saan kasama rin sina Dina Bonnevie, Cristine Reyes, at Tonton Gutierrez.

Ang sumunod na pangyayari, ayon sa mga nakasaksi: Nag-walk out si Maricel. Sinundan naman siya kaagad ni Gerald.

Hindi malinaw kung ano ang sinabi ng young actor sa veteran actress nang magpang-abot sila, pero ang hinuha ng mga nakasaksi ay baka nag-sorry ito.

Pero, ayon sa PEP source, sa puntong iyon ay "sigaw" pa rin ang inabot ni Gerald mula kay Marya.

Pagkatapos ay nakita na lang ng mga naroon na napaiyak si Gerald sa isang tabi.

TELESERYE BLUES. May mga balita ngayong kumakalat na maaaring hindi na matuloy ang serye.

Tungkol dito, isa pang PEP source mula pa rin sa Kapamilya network ang nagsabing ayaw na nga raw bumalik ni Gerald sa set.

Malaking isyu ito para sa ABS-CBN kapag nagkataon.

Una, malaki na ang nagastos ng network sa preparasyon ng teleserye—mula sa pagkonsepto nito, sa pagsulat, pagbuo ng technical at production teams, pagkuha ng mga artista, at iba pang elemento ng isang prime-time TV project.

Pangalawa, talent ng Star Magic si Gerald, habang kapipirma lamang ni Maricel ng kontrata sa ABS-CBN. Ibig sabihin, Kapamilya silang dalawa.

Pangatlo, totoong award-winning actress si Maricel at ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin ay comeback project nito, ngunit totoo ring ang inaasahan ng network na magdadala ng star power at mataas na ratings sa serye ay ang young actor at heartthrob na si Gerald.

Ang tingin ng ilang showbiz oldtimers na nakausap ng PEP ay aayusin ng network ang kusot na ito. Kakausapin magkahiwalay sina Gerald at Maricel at pagkatapos ay pagbabatiin.

Sasabihan si Gerald na bata pa siya, magparaya siya, at marami pa siyang matututunan sa project. Sasabihan si Maricel na magpakita ng kabaitan at charm sa aktor, fan niya si Gerald, gamitin ang pagka-Kristiyano niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ibang salita, ayon sa oldtimers: Tuloy ang project!

Ginawang malaking PR event ng ABS-CBN ang pagbabalik ni Maricel mula sa TV5. Mga top executives mismo ng Kapamilya network ang naroon sa contract-signing nito.

Matatandaang pumirma si Maricel sa TV5 ng kontrata noong February 2010, matapos ng maraming taong pamamalagi sa ABS-CBN.

At nito ring nakaraang dalawang taon, sumailalim si Maricel sa matinding depression.

Sa panayam ni Korina Sanchez noong Nobyembre 2012, inamin ng aktres, “Alam mo, ang tawag ko dun ay ‘time-out.’ Time-out lang yun, di ba? Kailangan natin, lahat tayo, kailangan natin ng ganun, e.”

Noong buwan ding iyon inanunsiyo ang pagkakaroon uli niya ng soap sa Channel 2.

Sa isang artikulong nailatlahala dito sa PEP, tinanong si Maricel tungkol kay Gerald, na noon ay nakatakda pa lang maging co-star nito.

Ang sagot ni Marya sa press: "Alam ko na magaling yung training na ginawa sa kanila. Inaalagaan sila dahil hands-on ang tatay ko sa kanila, kaya tingnan mo, lahat sila magagaling.”

Si Johnny Manahan ang tinutukoy niyang "tatay."

(CLICK HERE to read story.)

Samantala, sa hiwalay na interview ng reporter na si Rachelle Siazon, sinabi ni Gerald na "excited" siyang makatrabaho ang Diamond Star.

“I feel blessed na kasama ako sa comeback project niya sa ABS-CBN. Excited ako kasi si Ms. Maricel ’yan. Alam ko, madami ako matutunan sa kanya. So I’m really excited. Kung excited siya, doble yung sa akin.”

GETTING MORE DETAILS. Nagpadala na ng dalawang text messages ang PEP sa Star Magic, na siyang humahawak sa career ni Gerald; kay Shirley Kuan, na manager ni Maricel; at sa corporate communications ng ABS-CBN, sa pamamagitan ni Kane Choa.

Ayon sa Star Magic at ABS-CBN, hindi pa sila handang magbigay ng statement. Si Shirley Kuan naman ay wala pang sagot matapos ng maraming oras.

Sa kolum ni Lolit Solis ngayon araw sa Pilipino Star Ngayon, sinabi ng talent manager na wala raw alam ang alaga niyang si Tonton Gutierrez sa anumang problema sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP sa anumang pahayag ng mga taong sangkot sa isyu.

Samantala, ayon muli sa Twitter posts ng masugid na fans ni Gerald, bukas ay taping day muli ng aktor para sa teleserye. Inaabangan ang kanyang pagsipot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN