Geoff Eigenmann on wedding plans with Carla Abellana: "If ever there’s a proposal that happens, gusto ko within like siguro three months or six months, mangyari na yung wedding."

Bagamat inamin niyang pinag-isipan din niyang magtrabaho sa ibang network dati, pinili pa rin ni Geoff na mag-renew ng exclusive contract niya with GMA-7


Ayon kay Geoff Eigenmann, may mga pagbabago raw kay Heart Evangelista pagkatapos ng halos apat na taon na hindi sila naging magkapareha sa isang proyekto.

“Madami, madami...

“Siyempre, first of all is maturity.

“Madaming mga nangyari sa buhay niya during those four years that changed her in a lot of ways.

“Now, pag nasa set kami, she’s definitely more professional... mas nakikita ko that way, but in that case, parang hindi siya nagbago kasi very professional, she still doesn’t really complain.

“Kapag may trabaho, binibigay niya lahat without any hesitations at all.

“And the way she views things right now, different na talaga.

“Kitang-kita, e,” kuwento ni Geoff sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Magkasama sila ni Heart sa Forever na bagong early primetime drama series ng GMA.

“Siyempre mas malalim siya ngayon, that’s a plus in this business,” pagpapatuloy niya tungkol sa co-star.

“For me, I think na the more experience you have in life, the more you can give on TV...

“The more you can connect with different kinds of people, e. So hindi pa rin nawawala yung magic niya that way, e.”

A ’HEART’ IN LOVE. Natutuwa rin si Geoff sa magandang lovelife ngayon ni Heart sa kasintahan nito ngayon na si Senator Chiz Escudero.

“Oo! Yes I know, napag-uusapan namin... kasi kami naman ever since, kahit ano puwede naming pag-usapan.

“Everything that’s laid down the table, we’re open to talk about, no matter siguro how secret it is.

“Basta masaya siya, I can see that she’s happy and everyone around her, she’s happy.

“Oo, of course you just can’t help but be happy for her.

“Kitang-kita sa kanya,” diin ng binata.

WEDDING BELLS SOON? Kitang-kita na masaya rin ang lovelife ni Geoff.

Any wedding bells this year?

“Wala pa naman as of now. Things like that siguro, we’ll just let them fall into place," eksplika ni Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko masasabi na hindi pa namin napag-uusapan o napagbibiruan.

“May mga ganun and siyempre a lot of our fans ask, so the question has been brought up before.

“And it’s something na we’re open about... na hindi kami napipikon pag tinatanong kami.

“We laugh about it and it’s something that we joke about, so I think that’s a good thing... just to take things lightly.”

May idea naman daw siya sa dream wedding ni Carla…

“Hindi naman in detail but I know certain things as to how she would like her special day to be,” saad niya.

Tulad ng?

“Ahh ... surprise na lang! Ayoko, siyempre ayoko... dream niya yun, e,” mabilis niyang sagot.

Nagtugma ba ang gusto nila?

“Yeah! Madami, madami..." bulalas niya.

“With me hearing her ideas, it’s something that I’d say yes to.

“Hindi namin kailangan na pag-usapan na. If that day comes, alam ko na at least kung ano yung gusto niya.

“Hindi kailangang i-rush tsaka gusto ko kasi, if ever there’s a proposal that happens gusto ko within like siguro three months or six months, mangyari na yung wedding

“Ayoko nung propose now and then two years later pa yung kasal.

“Gusto ko preparations talaga, then tuluy-tuloy na.

“And siyempre, as of now I still live with my mom kasi mahirap umalis, so gusto ko may sarili na rin muna akong bahay.

“Dapat yung naka-move out na ako and sabay-sabay lahat ng responsibilities ko of being a family man, basically.”

Naghahanap pa rin daw si Geoff ng mabibiling bahay.

“Still looking for the right one. Ang hirap kasi biglaang iwanan ang mom ko, e... in a way, kahit hindi kami masyadong nagkikita, ang hirap pa rin, e.

“We’re the only two people in the house now so pagka umalis ako wala na siyang kasama talaga, so ang hirap din,” amin ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman si Geoff na kahit ang ama niyang si Michael de Mesa ay nasa GMA ngayon.

“Yes, kasama siya sa Indio,” kumpirma niya.

HE SAYS, SHE SAYS. Hindi ba nag-wish si Geoff na sila ni Carla ang magkasama sa Forever?

“Well siyempre, always wishing for that, kasi siyempre love of my life, e," sagot niya.

“So, as much as possible, kung puwede pati trabaho kasama ko rin siya para hindi na mag-worry kung what’s happening and all that.

“But for me, ever since naman, I always like being partnered with others kasi you learn a lot that way.

“Personally, with work and with life... so okay lang naman, it really happens, puwede naman yung ganun.

Hindi seloso si Geoff, kahit may daring and intimate scenes si Carla sa mga proyekto ng dalaga…

“No no, never! Kasi sa amin on our part, Rosalinda pa lang parang na-lay down na iyon...

“... na this is our work... this is the nature of our work, so no need to get jealous in any way kasi alam kung ano yung nangyayari.

“And sa akin mas okay na yung nakikita mo on camera than things behind it.

“And tsaka puro salita-salita lang, at least iyon nakikita mo, alam mo ang eksena and all that,” diin niya.

Walang pagbabawal o limitations kay Carla?

“Hindi naman limitations, siyempre as much as possible ayoko, di ba?

“Pero if a movie or a scene calls for it, kung kailangan talagang gawin.

“This is what basically puts food on our tables so kailangan... it’s the nature of our work, ganun talaga.

“We just have to suck it up and go with the flow,” sabi niya.

Kahit daw si Geoff ang magkakaroon ng daring scenes ay ayos lang kay Carla…

“It was never a problem with us.”

CHALLENGING ROLE. Dual role ang gagampanan ni Geoff sa Forever bilang si Ramon at Patrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It is a challenge kasi you’re definitely gonna have to think outside the box, kung hindi yung first instinct ang lagi mong gagawin... so maraming options.

“Mahirap siya because it’s set during the 50’s, yung first part so kailangang mas conservative.

“The way the lines were delivered is different kasi ibang magsalita ang mga tao nun and basically the way of thinking is totally different... so yeah, challenge din siya.

“But siyempre challenge accepted,” ang natatawang sinabi pa ni Geoff.

Pabirong tinanong namin si Geoff kung dual rin ang talent fee kapag dual role.

“Ah hindi naman... sana nga ganun,” at muling tumawa ang binata.

“Pero no, same lang.”

COMFORTABLE WITH HEART. Gaano katagal silang hindi nagkasama ni Heart?

Legacy magkasama kami pero with Legacy marami kami, but dito sa Forever, with this one dalawa lang talaga, focused on the story of the couple talaga, e.

“So matagal... before Legacy, siguro mga three-four years din kaming hindi nagsama,” balik-tanaw niya.

Walang awkwardness sa intimate scenes nila ni Heart? Hindi ba nakasagabal na pareho silang may kani-kanyang karelasyon?

“Wala, wala. As in hindi siya naging hindrance at all.

“Kami kasi, I think we’ve always been comfortable with each other.

“Kahit nung workshops pa lang namin dati when we were first paired up and until now so everything’s still the same in our work relationship basically.

“So wala, no hesitation or awkwardness at all,” pag-amin niya.

LOYAL WITH GMA-7. Matagal pa ang itatakbo ng career ni Geoff sa GMA.

“Tagal pa... I just recently signed again, e. Kaka-renew ko lang.

“Normal exclusive contract of GMA which they give their artists,” lahad niya.

So walang pagkakataon na magtrabaho siya sa ibang istasyon?

“Well, not as of now. It’s an option before I signed, pero as of now, wala naman,” pangwakas niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN