Divine Lee on possibility of Baron Geisler coming face to face with her boyfriend Victor Basa: "Sana sa magandang oras sila magkikita, kung magkikita man sila.”

Aminado si Divine Lee na hindi niya alam ang puwedeng mangyari kung magkataong magkaharap ang boyfriend niyang si Victor Basa at si Baron Geisler. Sabi niya: “Alam mo kasi, siyempre... lalaki sa lalaki yan... mahirap talagang sabihin, di ba? Alam mo, si Vic naman napaka-pasensiyosong tao, but hindi mo masabi siyempre, pag bad mood kung magkita sila, kaya di natin ma-predict kung anong mangyari.”


January 14 ang kaarawan ni Divine Lee pero wala daw siyang ginawang selebrasyon.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, January 15, sa trade launch ng TV5 sa Resorts World, “Wala, nasa bahay lang kami ni Victor [Basa].

“Alam mo naman, pagka-birthday, hindi talaga ako nagsi-celebrate ng birthday, e.

“Every year yun... o kaya tumatakas ako,” pabiro nitong bungad.

Bakit kaya mas pinipili niyang walang selebrasyon tuwing kaarawan niya?

Aniya, “E, kasi ang hirap... yung sa akin, parang mas gusto ko na iba yung ipinagdiriwang ko kaysa sarili ko, e...

“Kasi hindi lang ako sanay, kasi hindi lang talaga ako nagsi-celebrate.

“Ayun... parating nagtatago. Kagabi sa bahay lang kami... nagluto si Victor... may mga ibang friends na dumalaw... ganun lang, pero nothing big.”

Dagdag pa ng Ang Latest host, “Marami namang nag-text... ganyan... nagtatanong kung saan yung ganap.

“Pero ayoko kasi, e... parang ang pangit namang pakinggan, pero ayoko lang na yung parang sini-celebrate ka nila... di ba, parang nakakahiya?”

BIRTHDAY WISH. Ano naman kaya ang wish niya noong karawan niya?

Lahad nito, “Wish ko, siyempre, kasi bago sa akin lahat. Sana maging mahusay ako dito sa ginagawa ko.

"And you know what... sana yung mga kaibigan ko dito, talagang tulungan nila na maging mahusay.

“Love ko na kasi yung craft, pero siyempre mas matagal na sila, like si Nanay Cristy Fermin, saka yung mga mas nauna sa akin...

"Sana, kahit na ginagabayan na nila ako ngayon, sana tuluy-tuloy pa rin dahil sobrang naa-appreciate ko.”

Natatawa pa niyang dagdag, “Alam mo namang out of nowhere lang naman ako at bigla akong napadpad dito, di ba?”

Anong gusto niyang mangyari o ma-achieve sa 2013?

Sagot niya, “For 2013, if anything na hindi career related, I think... health, kasi kailangan ko muna talagang alagaan yung katawan ko, di ba?

"Dahil parang noong 2012 ang dami ko nang sakit na naramdaman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INCIDENT WITH BARON GEISLER. Matatandaang naging malaking isyu noong nakaraang December 17, 2012, sa ginanap na MVP Ball sa may Meralco Multi-Purpose Hall, ang diumano’y "pambabastos" sa kanya ni Baron Geisler. Bigla daw siyang hinalikan nito sa labi.

Pero, na-settle na daw ito at nagkaayos na sila.

Pahayag niya, “Okay naman, nagtext naman siya ng ‘Sorry.’”

“Alam mo, hindi naman ako... Sobrang positive kong tao, di ba?

“Yung sa amin naman, rather than sermonan ko siya, wish ko na lang na hindi na niya gawin yung mga ganun, di ba?”

“Sinabi ko naman diretso na ‘Sana, Baron, hindi lahat ng tao nakakapag-pasensiya, sana huwag mo nang ulitin kasi nakakasakit ka na.’"

Kumusta naman kaya ang naramdaman ni Victor sa naturang insidente?

Tugon niya, “E, di galit... Siyempre, nung nakita niyang nagpatawad na ako, kailangan niya na ring magpatawad siyempre.

“Pero hindi pa sila nagkikita, at sana sa magandang oras sila magkikita, kung magkikita man sila.”

Bakit kaya niya nasabi na ‘Sana, kapag magkikita sila ay sa magandang oras?’

Paliwanag ni Divine, “Alam mo kasi, siyempre, lalaki sa lalaki yan. Mahirap talagang sabihin, di ba?

"Alam mo, si Vic naman, napaka-pasensiyosong tao, but hindi mo masabi siyempre... pag bad mood, di ba... kung magkita sila, kaya di natin ma-predict kung anong mangyari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN