Lovi Poe on rumored transfer to TV5: "Basta ako, I’m happy naman now.... iyon lang ang masasabi ko. I’m very happy naman now.”

Lovi insists that Rocco Nacino is nothing more than a special friend


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi Poe last Friday, January 18, sa 17th floor ng GMA TV Complex.

Nalalapit na ang pagtatapos ng Yesterday’s Bride.


Sa katunayan, according to Lovi, five taping days na lang sila sa naturang drama series na napapanood sa afternoon prime block ng GMA.

Kasama niya dito si Rocco Nacino.

“Oo nga e, nalulungkot na ako,” umpisang pahayag ni Lovi.

Mami-miss raw niya ang lahat ng kasamahan niya sa show.

Kay Rocco, ano ang pinakamami-miss niya?

“Yung kakulitan niya,” sabay-tawa ni Lovi.

“Makulit siya, super at tsaka mahilig siyang mang-asar.

“We’re good friends ever since naman e, simula nung nagkatrabaho kami at mas naging close kami ngayon. Close talaga kami ni Rocco.”

Ayon kay Rocco ay espesyal si Lovi para sa binata; si Rocco ba ay espesyal din para kay Lovi?

“Of course, special din naman siya sa akin,” sagot ni Lovi.

Gaano ka-espesyal?

“Secret ko na yun,” at tumawang muli ang aktres.

Hindi siya nagagalit kapag nadadamay siya sa hiwalayan nina Rocco at Sheena Halili.

“Ah, hindi naman ako naaano. I think especially may show kami together, people can actually bring up something like that, so I’m not bothered naman,” amin niya.

Never daw nilang pinag-usapan ni Rocco ang tungkol sa break- up?

“No, no, no! That’s none of my business naman na and we don’t talk about those things naman,” pagklaro niya.

Never daw siyang mang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend.

“Iyon ang hindi ko kayang gawin,” diin niya.

CROSSING OVER? May umuugong na balitang ililipat na siya ng manager niyang si Leo Dominguez sa TV5.

“I don’t know,” pag-amin niya.

Magtatapos na ang kontrata ni Lovi sa GMA-7 ngayong 2013.

“March, I think,” sabi niya.

Kaya may balitang ililipat siya.

“I’m happy naman e, I’m happy naman, so... basta ako happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin ang naging sagot ni Lovi sa tanong kung kaya ba niyang iwanan ang GMA.

“Masaya ako ngayon,” sagot niya.

Susundin ba niya ang manager niya kapag inilipat siya sa TV5?

“Basta kami ng manager ko, masaya naman kami ngayon, so…” makaulugan niyang saad.

Walang ideya si Lovi kung ano ang susunod niyang show pagkatapos ng Yesterday’s Bride

“Pinag-uusapan pa nila Tito Leo. I don’t know anything, e.

“Actually, I’m not aware of anything,” amin ni Lovi.

Kaya matunog ang isyu ng napipintong paglipat niya sa TV5.

“I don’t know, I’m not aware. I just read it sa Twitter na lang.”

Papayag ba siya if ever totoo iyon?

“Basta ako I’m happy naman now. Iyon lang ang masasabi ko, “I’m very happy naman now.”

LOVELESS BUT DATING. Loveless si Lovi ngayon.

“Wala akong manliligaw, hindi ako ligawin talaga.

“I have lots of friends.

“Ano lang ako ngayon, focused lang sa work talaga,” eksplika niya.

Nang kumustahin naman kay Lovi si Jake Cuenca na nali-link sa kanya…

“Magkaibigan kami, magkaibigan kami, we kept the friendship.”

Bakit hindi mamatay-matay ang isyu?

“I don’t know. I really don’t know,” saad niya.

Pero si Rocco raw ang madalas nakakasama ni Lovi.

Madalas silang nakikita na magkasama ni Rocco sa gimikan, tulad sa Rockwell.

“Matagal na yun,” paliwanag ng dalaga.

Kumain raw ang madalas nilang gawin, hindi raw mahilig manood ng movies si Lovi kapag nasa labas.

“Ahh... magaling siyang mag-drums... nakita ko, nag-hang-out kami once, tapos nag-drums siya, tapos kumanta ako.”

Ayaw sabihin ni Lovi kung saang lugar naganap ang jamming session na iyon nila ni Rocco.

“Secret place namin,” sabay-tawa niyang muli.

“Tsaka competitive siya, sabi namin jamming lang, tapos biglang maya-maya, nandun siya sa side, pinapakinggan niya yung song, tapos inaaral niya,” ang tawa ng tawa pa rin ng kuwento ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang galing niyang mag-drums, e.”

Last Christmas ay jacket ang iniregalo nina Lovi at Roco sa isa’t-isa.

ON THE CAMPAIGN TRAIL. Samantala, very much willing si Lovi na magkampanya para sa kapatid niyang si Mary Grace Poe-Llamanzares na tatakbong Senador sa eleksyon this year.

Pero hindi pa nila ito napag-uusapan ng pormal.

“For me naman kasi, we don’t really have to talk about it. I’ll just be there na lang.

“We got to see each other and parang it’s automatic na for me, there’s no need to talk about it.

“I’ll be there to support my sister,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN