Gab Valenciano flies to the US in two months to pursue music course; takes two-year hiatus from showbiz career

Gab Valenciano on his showbiz career: "Yung show business kasi, kumbaga was given to me kasi, I was born into it... e, hindi naman talaga yun yung gusto kong gawin.”


Masayang ibinalita ni Gab Valenciano na nalalapit na siyang umalis ng bansa para mag-aral.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Friday, January 18, sa opening ng first flagship store ng Converse sa Glorietta Mall, Makati:

“Eto... dalawang buwan na lang ako dito sa Pilipinas.

“I’ll be leaving for the States in two months... for school.

"Mag-aaral ako. Matutuloy na siya finally... so, two more months.”

Dagdag pa niya, “Sa Orlando, Florida ako pupunta. Dun ako mag-aaral sa Full Sail University.”

Ang Full Sail University ay isang kilalang art, music and film school sa buong mundo.

PASSION FOR MUSIC. Bakit kaya niya naisip na palawakin pa ang kanyang nalalaman sa musika?

Lahad niya sa amin, “I’ve always had a passion, I’ve always had a passion kasi for music, and ito talaga, for me, is my way of pursuing that dream which is to be a producer worldwide talaga.”

“Two years... I’ll be in the States for two years.”

Pero uuwi naman daw siya tuwing Pasko o kapag may importanteng okasyon ang pamilya.

Hindi ba siya nanghihinayang sa magagandang opportunities sa kanya ngayon katulad ng pagiging regular performer sa ASAP?

Tugon ni Gab, “For me kasi, not to sound mayabang ha... I don’t wanna sound mayabang, pero yung show business kasi, kumbaga was given to me kasi... I was born into it.

"E, hindi naman talaga yun yung gusto kong gawin.”

“And though na-enjoy ko talaga siya... I mean, I gain friends, I gain experience, gustong gusto ko sumayaw, gusto ko mag perform... ang nangyari, yung love ko sa showbiz nag-transform into music.”

“Tapos yung love na yun for music sobrang…talagang yun na talaga yung gusto kong gawin.

"And I believe, kunyari after ko mag-aral sa States, gusto ko rin naman bumalik dito to contribute to the music industry din natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang gusto niyang maging career pag nakatapos na siya?

Sagot niya, “Ah, gusto ko maging musical director, music producer, pero I see myself kasi travelling the world, not just Manila...

"So, that’s my goal. That’s my life’s goal.”

Matagal na rin daw niyang pinaghandaan itong kanyang bagong tatahaking larangan.

Aniya, “It’s been three years na nag-prepare ako.

"I’ve been trying to gain experience para pagdating ko dun at least hindi ako mali-left behind.”

ON GIRLFRIEND COLEEN GARCIA. Isa daw sa mami-miss ng sobra ni Gab, aside from his family, ay ang kanyang girlfriend na si Coleen Garcia.

Nakangiti niyang sabi, “Alam mo na yun kung sino ang mami-miss ko nang todo.

"Alam na naman niya before pa, magkaibigan pa lang kami... alam na niya na aalis ako.

"Pero she has the means to go naman, e... kaya naman niya pumunta kahit kalian, so okay lang naman with us.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN