Bela Padilla on "Tita" BB Gandanghari having a boyfriend: “Personally, kung ako, sana hindi.”

Hindi raw muna magpo-pose si Bela Padilla para sa FHM ngayong taon. Ang dahilan niya: “Wala muna siguro this year, kasi kakagawa ko lang ng pictorial last year… Parang gusto ko, kapag may natutunan na akong bago sa buhay ko, doon ulit ako gagawa ng bagong chapter.”


Mixed emotions ang naramdaman ni Bela Padilla nang magtapos noong Biyernes, Enero 18, ang pinagbibidahan niyang panghapong serye sa GMA-7, ang Magdalena.

Nalungkot daw siya, pero masaya rin naman dahil marami ang tumutok mula umpisa hanggang ending ng serye.

“Hindi ko pa po alam kung ano ang next project ko,” ani Bela nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, Enero 20.

“Habang naghihintay ng bago kong project, gusto ko munang mag-relax.

“Baka bisitahin ko ang daddy ko. He’s in Bangkok right now.

“Kasi sa pagkakaalam ko, may mga naka-schedule akong regional shows.

“Titingnan ko muna kung may time, lilipad ako papuntang Bangkok.

“Last year pa kami huling nagkita ng daddy ko. So this year, dapat lang naman na bisitahin ko siya.”



FHM COVER. Naging hot item si Bela noong nakaraang taon. Napag-usapan siya nang husto dahil sa kanyang controversial FHM cover noong March 2012.

Itinuturing nga ni Bela na good year ang 2012 para sa kanya.

Ngayong 2013, ano ang bagong pasabog na aantabayanan ng lahat sa kanya?

“Hindi ko pa po alam,” nangiting sabi ng Kapuso actress.

Magpo-pose ba siya ulit sa FHM sa 2013?

“Wala muna siguro this year, kasi kakagawa ko lang ng pictorial last year.

“Hindi ko pa alam kung kailan ulit.

“Uhm… parang gusto ko, kapag may natutunan na akong bago sa buhay ko, doon ulit ako gagawa ng bagong chapter.”



MORE DARING? Mas magiging daring ba siya sa taon na ito?

“Ay, wala na… hindi na.

“Actually, natutuwa ako kasi yung Magdalena, nang ginawa namin, ang pagkakaalam ko noong start, sexy ang tema.

“Pero noong nag-taping na kami hanggang sa matapos, wala naman akong ginawang sexy.

“Mas maikli pa nga yung isinusuot kong shorts sa Hiram Na Puso.

“Sa Magdalena, lagi lang akong nakapantalon o naka-skirt.

“So natuwa ako na hindi pala ganoon ang direksiyon niya—heavy drama pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wish ko sa next show ko, sana ganoon ulit. Or mag-try naman ako ng iba, like fantasy, yung ganoon… Tingnan natin.”

Maraming male fans na ang nag-aabang ba makita ang mas daring pa niyang pictorials at roles. Matutupad kaya ang expectations ng mga ito?

“Sorry na lang po sa inyo!" natatawang sabi ni Bela.

“Hindi. Joke lang. Basta… abangan na lang nila.”



UNCLE RUSTOM/TITA BB. Sa ngayon, nananatili raw na may conflict sa pagitan ng kanyang Tito Robin Padilla at Tita BB Gandanghari.

Hindi pa rin kasi tanggap ng action star ang bagong katauhan ng kapatid, at gusto pa rin niya itong kilalanin bilang si Rustom Padilla.

Bagay na labag naman sa kalooban ni BB na mas gustong tanggapin siya ng lahat sa bago niyang katauhan.

Sabi ni Bela tungkol dito, “They’re both adults really. And they know naman their relationship—magkapatid sila.

“Lahat naman ng magkapatid, dumadaan sa ganyan. So in time, hayaan na lang natin.

“Hindi naman talaga kasi dapat ipuwersa ‘yang mga ganyang bagay.

“So hintayin na lang muna natin na lumipas muna itong panahon na ito.”

May special someone daw ang kanyang Tita BB ngayon na isang foreigner na na-meet nito abroad. Malamang daw na bumisita ito sa Pilipinas.

“Oo nga, e. Sana i-introduce niya sa amin para makilala namin,” sabi ni Bela.

Tanggap ba niya kung ma-in love nga at magka-boyfriend ito?

“Yeah!" mabilis niyang tugon.

“I mean… hindi naman kasi kami ganoon na parang nakikialam sa isa’t isang affairs.

“Kung ano yung gusto niya, kung ano yung makakapagpasaya sa kanya, hindi kami kokontra.

“Pero personally, kung ako, sana hindi,” panghuling nasabi ni Bela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN