PART 1: Marian Rivera on getting number one spot in this year’s FHM sexiest list: “Aba, mahirap naman yatang mag-expect dahil hindi naman ako bumibili ng boto ko."

Nabanggit ni Marian Rivera na hindi siya bibili ng boto para lang maging number one sa FHM Sexiest Women in the World sa taong ito. Naintriga tuloy ang mga umi-interview sa kanya kung may kilala ba siyang bumibili nga ng boto para maging number one. Sagot ni Marian: “Ay, hindi ko alam. Meron ba?”


Dinagsa ng maraming tao ang FHM autograph signing ni Marian Rivera kahapon, January 20, sa Robinson’s Galleria Movieworld.

Alas-kuwatro ng hapon dapat ang simula ng autograph signing, pero alas-dos pa lang ay marami na ang nakapila.

Kaya’t nang dumating na si Marian ay halos wala na siyang madaanan dahil sa dami ng tao.

Ilang minuto bago siya sumalang at pumirma sa mga dalang kopya ng FHM Philippines 150th issue, kung saan siya ang cover girl, ay nakausap muna ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Marian.

Kinumusta ng PEP ang pakiramdam ng Kapuso Primetime Queen nang mga sandaling iyon.

“Ito na ang rurok ng paghihintay. Makikita na nila ‘ko at pipirmahan ko na ang magazine na binili nila,” nakangiting sabi ni Marian.

Biniro pa namin si Marian na handa na ba ang mga kamay niya sa dami ng pipirmahan niyang magazines.

“Actually, in-exercise ko na siya,” nakangiting birong sagot din ng Temptation of Wife star.

MARIAN, FINALLY. Apat na taon din ang ginawang paghihintay ng FHM para mapapayag siyang maging cover girl.

Marami kasi talaga ang nagre-request na makita sa cover at sa mga pahina ng magazine ang sexy photo shoot ni Marian.

Dumating pa nga sa puntong nag-number one si Marian sa Sexiest Women in the World list ng FHM kahit na hindi pa nila ito napi-pictorial.

Kaya’t ganun na lang ang gulat ng mga nag-aabang nang lumabas na nga ang Kapuso actress sa 150th issue ng FHM.

“Ngayon lang kasi nag-swak ang mga gusto ko at gusto nila,” paliwanag ni Marian.

“Kahit na yung pinakamalaking issue nila at anniversary pa nila. Wala naman akong dahilan para tanggihan ko, dahil nag-swak naman lahat.”

Marami ang napahanga sa kanyang cover. Maging ang mga kapwa niya artistang babae ay nag-tweet pa ng paghanga sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Marian tungkol dito, “Thank you! Kasi yung konsepto rin na ‘yan at ang katawan ko riyan, talagang pinaghandaan ko talaga.

“Masasabi ko na pinaghandaan ko talaga ang cover ko na ‘yan.”

Pagda-diet at boxing daw ang ginawa niyang preparasyon para sa kanyang sexy photo shoot.

“Nag-diet ako kahit konti at nag-boxing ako noong papalapit na ang pictorial.

“At kahit noong pictorial mismo, hindi ako kumakain hangga’t hindi natapos ang shoot,” kuwento ni Marian.

Kapag may time daw siya, nagba-boxing pa rin siya.

“Iba yung pawis, e. Buong katawan mo, gumagalaw.”

Tinanong si Marian kung ano ang masasabi niya na mula nung unang mapasama siya sa FHM sexiest list, hanggang sa maging number one siya nung 2008, ay palagi na siyang kasama sa listahan ng mga itinuturing na pinakaseksing mga babae sa bansa.

“Siyempre, thankful… Actually, hindi ko alam kung paano mag-react diyan.

“Siguro bumabalik din sa akin, o hindi lang sa akin—sa mga artista na alam mo yung pinapangalagaan nila ang sarili nila. Sa mga pagkain nila, healthy living talaga.

“Siguro bumabalik at nakikita yun sa mga ganyang pictorial.”

BUYING VOTES. At dahil sa wakas ay pinagbigyan na niya ang hiling ng marami na lumabas sa cover at magkaroon siya ng sexy pictorial sa FHM, ini-expect ba niyang siya na rin ang makakakuha ng number one spot sa FHM sexiest women list ngayong taon?

“Aba, mahirap naman yatang mag-expect dahil hindi naman ako bumibili ng boto ko. So, hindi ko alam ang mga tao…

“Hindi ko alam. Kasi, hindi ko naman binoboto ang sarili ko. So, depende ‘yan sa mga tao.”

Dahil may binanggit niyang hindi siya bumibili ng boto para maging number one sa FHM sexiest women list, tinanong tuloy si Marian kung may kilala ba siyang bumibili nga ng boto.

“Ay, hindi ko alam. Meron ba?” tanong na sagot naman nito sa press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam!” natatawang sabi pa niya.

CONVINCING GLAIZA. Ang karibal niya sa Temptation of Wife na si Glaiza de Castro ay matagal na ring inaalok na mag-cover girl sa FHM. Pero tumanggi na nga ito at sinabi pang hindi pa ito handa sa isang sexy pictorial.

Bida naman ni Marian, siya pa ang kumukumbinsi kay Glaiza para mag-sexy pictorial na rin ito.

“Pinipilit ko siya. Sabi ko, ‘Heidi, it’s your turn!’ Sabi niya, ‘Pag-iisipan ko muna.

“’Hindi na, kasi nagawa na ni Chantal, gawin mo na, Heidi,’” pamimilit daw niya kay Glaiza.

Sa ginawa niyang pagpapakita ng kaseksihan ngayon sa FHM, may mga aabangan na bang mas sexy pang photo shoot o proyekto mula sa kanya?

“Sabi ko naman, hindi naman ako nagsasara ng door ko.

“Pero, magpapaseksi, kung anuman ang i-offer, kung makakaya ko man, pero presentable pa rin, yun ang importante sa akin.”

Nung magsimula na ang autograph signing ni Marian, magiliw siyang pumirma at nagpa-picture pa sa mga may dala ng FHM na siya ang cover.

Mula alas-kuwatro hanggang alas-sais ang event, pero dahil sa dami ng mga gustong magpapirma kay Marian, nag-extend pa siya ng oras.

Ayon naman sa tweet ng kanyang manager na si Popoy Caritativo, nasa 700 copies daw ng FHM ang pinirmahan ni Marian kahapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN