PART 2: Marian Rivera on working with Kung Fu Divas co-star Ai-Ai delas Alas: "Minsan, napapatingin ako sa kanya na parang nagiging fan ako."

“Ang dami kong natutunan sa kanya talaga. Parang sabi ko, heto pa, ibig sabihin, nakasama ko na ang pinaka-queen ng mga komedyante, may matututunan talaga ako," sambit ni Marian Rivera tungkol sa kanyang Kung Fu Divas co-star na si Ai-Ai delas Alas.


Ilang minuto bago sumalang si Marian Rivera sa autograph signing session na inihanda sa kanya ng FHM kahapon, January 20, sa Robinson’s Galleria Movieworld, nakausap muna siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga miyembro ng media.

Kasama sa mga napag-usapan sa interview ang mga dapat pang abangan sa Temptation of Wife, ang GMA-7 primetime series na pinangungunahan niya at ng co-stars niyang sina Glaiza de Castro, Dennis Trillo, at Rafael Rosell.

Ano pa nga ba ang mga dapat abangan sa show?

“Ay, sobrang dami! Yung mga nakita nilang eksena namin ni Dennis [Trillo, bilang Marcel], patikim pa lang yun. Magiging malala pa si Chantal dun.”

Si Chantal na dating si Angeline ang character ni Marian sa show.

So, yung shower scene nila ni Dennis, patikim pa lang pala?

“Patikim pa lang!” natatawa niyang sabi.

“Meron kasi sa script na kahit ako, nagugulat ako na, ‘Ha, ganito ang mangyayari?’”

Masaya raw si Marian sa ginagawa niya sa Temptation of Wife.

Ini-enjoy niya rin ba ang pangse-seduce na ginagawa ni Chantal sa show?

“Well, pangit namang sabihin na ine-enjoy ko ang pagse-seduce.

“Sabihin na lang natin na ine-enjoy ko ang karakter ni Chantal.”

Mas enjoy siya ngayon kay Chantal kesa kay Angeline?

“Yung kay Angeline kasi…mahirap din ang kay Angeline kasi nga, ang hirap ng approach na bago, na parang martir na umiiyak pero lumalaban, nagtitimpi.

“Ibang version ang ginawa ko rito as Angeline.

“Itong Chantal kasi, first time ko lang na mag-seduce at mag-outfit at umarte-arte nang ganito kaya in-enjoy ko siya.”

Kanino siya mas nakaka-identify?

“Mahirap namang sabihin na Chantal o Angeline, siguro nasa gitna lang nila. Sakto lang.”

Ano naman ang mga natutunan niya sa pagganap bilang Angeline at Chantal na puwede niyang dalhin at gamitin sa tunay na buhay?

“Ay, huwag kang mawalan ng tiwala sa sarili mo. Basta kaya mo. Habang nabubuhay ka, may pag-asa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang si Chantal lang ‘yan. Kung sumuko siya e di hindi niya naiganti? Nawala ang pamilya niya, anak niya, asawa niya…

“So, ginagawa niya ito hindi para landiin si Marcel, kundi para bigyan ng leksiyon ang mga taong nakasakit sa kanya na, ‘Ganito ang ginawa n’yo, ibabalik ko sa inyo.’”

Ayaw namang i-claim ni Marian na dahil sa kanyang primetime soap, may ibang serye na tila tatapusin na dahil mataas talaga ang ratings nila.

Pero sabi nga niya, masaya raw siya sa nangyayari.

“Oo, happy. Sabi ko nga, iba rin kasi. Nagre-reflect din siguro ang ginagawa naming mga artista sa likod ng camera kasi lahat kami nagba-bonding, magkasundo.

“Imadyinin mo, kami ni Heidi [Glaiza de Castro], kung tatanungin mo siya at ako, anuman ang mangyari sa aming dalawa, nagtutulungan kami, to think na magkalaban kami do’n, ha. So, iba ang bonding talaga,” ani Marian.

Patuloy niya, “At sinasabi ko nga palagi, ang soap opera, kung nagre-rate ka man, siyempre, thankful kaming mga artista na pinaghihirapan namin, pinagpupuyatan namin.

“Pero ang maganda riyan, at the end of the day, kapag natapos mo ang trabaho mo—nagawa mo ba ang dapat mong gawin? Ginalingan mo ba? Ibinigay mo ba ang best mo?

“So, yun ang question every night, e. So, dun, masaya ‘ko.

"Kasi, every day na ginagawa ko ang Temptation… masaya ako at ibinibigay ko talaga ang best ko at makikita naman ang resulta na nagre-reflect siya sa show namin,” patuloy ni Marian.



DINGDONG’S REACTION. Sa tanong naman kung nakita na raw ba ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes ang kanyang FHM cover, nakangiting sagot agad ni Marian, “Oo naman.”

Ano ang naging reaksiyon nito?

“Nagandahan siya, natuwa siya,” nakangiting sagot ni Marian.

Dugtong pa niya, “Siyempre naman, since day one, alam na niya ‘yan.”

Nang tanungin naman kung may kasalan bang dapat abangan sa kanila ngayong 2013, sagot ni Marian: “Alam n’yo, apat na taon n’yo nang tinatanong sa akin ‘yan. Mag-move on na kayo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya tuloy nauudlot nang nauudlot, tanong kayo nang tanong,” biro ni Marian.

“Basta, kapag nandiyan na ang pagkakataon, hindi naman namin itatago yun, sasabihin namin.

“Basta sa pagkakataon ngayon, ang daming nangyayari sa buhay ko. Ine-enjoy ko siya.

“Ang soap ko, ang kung anumang project na dumating sa akin…Itong nag-cover ako ng FHM.

“So, itong taon na ito, lahat ng ito, bago sa akin. So, nanamnamin ko muna.”

Magiging busy ba silang pareho ni Dingdong ngayong taong ito?

“Last year kasi, siya yung naging sobrang busy, ngayon naman, ako ang mas sobrang busy sa kanya.

“Pero artista naman kami parehas, so alam naming mag-adjust.

“Kapag trabaho, trabaho. Mahal namin ang trabaho namin at may respeto kami sa mga trabaho namin.”

Hindi tuloy masabi ni Marian kung pagkatapos ba ng Temptation of Wife ay may pagkakataon na silang magbakasyon sa labas ng bansa.

KUNG FU DIVAS. Bukod sa Temptation of Wife at sa pelikula nila ni Richard Gutierrez na My Lady Boss, sinisimulan na rin ni Marian ang Kung Fu Divas.

Ito ang pelikulang ipinuprodyus at pinagbibidahan nila ni Ai-Ai delas Alas.

Kumusta naman ang shooting nila?

“Actually, parang ayaw pa yata nilang pag-usapan kasi baka raw mabilasa, e.

“Hindi pa nila masyadong pinoproseso dahil matagal pa naman siya. Parang bago pa mag-end of the year ‘yan.

“Chroma kami, may mga effects ‘yan. So, parang one year in the making din,” banggit pa ni Marian sa latest special effects layering technique na ginagamit ngayon sa mga pelikula.

Dahil sa paggamit ng chroma key technology, mukhang big-budgeted talaga ang pelikula nila ni Ai-Ai.

Tanong tuloy namin, pang-Metro Manila Film Festival ba ang movie nila?

“Sabi hindi, pero sabi ni Ate Ai, parang gusto niya. So, pinag-iisipan pa namin... bahala na.”

Kumusta naman ang working relationship nila ni Ai-Ai?

“Napaka-thankful ko na makatrabaho si Ate Ai dahil napakahusay na artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami kong natutunan sa kanya talaga.

"Parang sabi ko, heto pa, ibig sabihin, nakasama ko na ang pinaka-queen ng mga komedyante, may matututunan talaga ako.

“At minsan, napapatingin ako sa kanya na parang nagiging fan ako.

“Na, ‘Ay, ang galing ni Ate.’ ‘Ate, turuan mo naman ako minsan.’ ‘Ate, turuan mo naman ako kapag may gusto kang i-suggest sa akin.’

“Ako ang tipo ng artistang open ako sa ganyan at hindi ko tine-take as negative.

“Gusto ko talaga mas itinuturo sa akin at mas ginagawa ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN