Watch Now

ELECTION WATCH: Aga Muhlach achieves two legal victories in a week: “Hindi dapat ako mawalan ng focus because isang tao lang naman ang gumugulo sa akin."

by Monching Jaramillo
Jan 21, 2013
Napipikon na ba siya sa mga ibinabato sa kanya para panghinaan ng loob na tumakbo sa politika? Sabi ni Aga: “Hindi, hindi, hindi ako napipikon. Normal lang naman daw talaga yun, nasa laro. Kaya lang naninibago lang talaga ako. But, sabi ko, pinasok ko 'to, e. Sabi ko, hindi dapat ako mawalan ng focus because isang tao lang naman ang gumugulo sa akin

Dalawang masayang balita ang ibinahagi ni Aga Muhlach sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media kaninang tanghali, January 21, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Una ay ang Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu ng Court of Appeals kunsaan inatasan nito ang Election Registration Board (ERB) ng San Jose, Camarines Sur “to reinstate and reactivate” ang pangalan ni Aga at ng asawa nitong si Charlene Gonzalez sa listahan ng mga botante sa Precint 10A ng nasabing bayan, kung saan tumatakbo ang aktor bilang congressman sa ikaapat na distrito.

Pangalawang ipinagbubunyi ni Aga ay ang unanimous decision ng Commission on Elections (COMELEC) na nagsasabing siya ay natural born Filipino citizen at kuwalipikadong tumakbo sa May 2013 elections.

“Masayang-masaya lang ako dahil sunud-sunod yung mga pangyayari,” masayang bungad ni Aga.

“Like yung TRO na nakuha namin ano… isa na yun. Isa nang malaking panalo.

"Kasi may sinasabi sa akin... may nagsasabi sa akin kaninang umaga... kasi pupunta nga ako ng COMELEC, isn’t it too early daw for me to celebrate?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sabi ko naman, “E, gano’n talaga ako. I’m always positive about all these things coming my way.

“And so, kahit anong pangontra ang gawin sa ‘kin ng mga katunggali ko, parang I look at the positive side of it, ano.

“Cause I know for a fact that nung pinasok ko 'to… tulad ng parati kong sinasabi, I made sure that nasa tamang daan lahat ng ginagawa ko.

“Kaya’t naniniwala ko na kahit na anong pagbabaluktot ang gawin nila… kahit na anong pagpulitika ang gawin nila, e, naniniwala pa rin ako na pag tuwid ang daan mo, hindi ka puwedeng maligaw pag diretso lang ang daan mo.

“Sabi nga nila, maraming mag-a-attempt para guluhin ang pagkakandidato ko.

"Tuluy-tuloy lang ako. Naniniwala ako na sa dulo, maaayos lahat ito.

“So I’m really happy also. I’m also excited because pati ang aking mga kadistrito are… lahat masayang-masaya ano."

Pagpapatuloy pa niya, “Kasi at some point, medyo madami ang naghinaan ng loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At sinasabi ko nga sa kanila, ‘Huwag kayong mag-alala kasi pinasok ko ‘to, alam ko tama lahat ‘to. Diretso lahat 'to.’

“So, now that this is happening, like, I got my TRO.

"Now, itong ibinabato nila sa ‘kin na hindi raw ako Filipino, so lumalabas lahat ng katotohanan ngayon.

"So, siguro sa susunod, wala nang dapat paniwalaan pa sa mga paninira nila sa kin talaga.”



REFUSES TO BE DISCOURAGED. Sa mga nangyayari, napupuno na rin ba siya o napipikon?

“Hindi!” mariing sagot ni Aga.

“Hindi, hindi, hindi ako napipikon. Normal lang naman daw talaga yun, nasa laro.

"Kaya lang, naninibago lang talaga ako. But sabi ko, pinasok ko 'to, e.

"Sabi ko, hindi dapat ako mawalan ng focus because isang tao lang naman ang gumugulo sa akin.

"So, yung isang taong yun…” putol niyang saad.

Sino yung taong binabanggit niya?

“Hindi na importante yun, actually,” nangiti at maagap niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sa akin lang, kung sino yung mga katunggali ko, okay na yun.

"Importante sa akin yung daang libong taong… o yung milyon na taong nagmamahal at umaasa talaga.

"Yun ang inaatupag ko, yun ang aasikasuhin lang.”



ATTY. HOWIE CALLEJA. Temporary Restraining Order pa lang ang ibinigay ng korte para kilalaning botante sina Aga at Charlene ng San Jose, Camerines Sur, kung saan sila nakarehistro.

Pahayag naman ng abugado ni Aga na si Atty. Howie Calleja, sa pagbibigay ng TRO at posibilidad na mawala rin ang bisa nito pagdating ng itinakdang panahon, “Sinasabi nga namin na we are confident na makukuha rin namin yung finality na 'to.

“Na ibig sabihin, mananaig ang aming posisyon. Sinasabi nila na 60 days lang.

"Eventually, within that 60 days, we are confident that we will get the finality or the certainty na siya, e, tuluy-tuloy nang magiging kandidato.

“Wala na… sa amin, wala nang sagabal. Wala nang obstacle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Since nakuha namin yung TRO, tingin ho namin, kasama ni Aga, wala na hong problema.

"Dalawa lang naman ho ang... kumbaga, marami silang ibabato.

“Pero ang main issue lang naman, dalawang klase.

"Isa yung residency, isa yung citizenship na binabato nila, ano.”



THE CANDIDATE TO BEAT? Matitindi ang mga ibinabato kay Aga para ma-disqualify ito sa pagpasok niya sa pulitika.

Sa tingin niya, ano ang ikinakatakot ng kanyang mga kalaban, o kalaban?

Sagot niya, “Ewan ko, hindi ko alam. Hindi ko alam, hindi ko alam.

“Siguro nga maganda kasi ang naging katayuan natin do’n.

“Gutom na gutom na kasi ang tao sa pagbabago doon.

"Alam ko, marami rin ang nagsasabi nito ano. Pero, pag umikot naman kasi ako do’n, nakita ko naman talaga ang problema talaga nila.

“Na hindi naman kailangang ipagdukdukan ko pa sa kanilang lahat kung ano’ng naging problema.

"‘Tumingin lang kayo sa paligid ninyo, alam n'yo na kung ano’ng kakulangan ninyong lahat dito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana sa pagpasok kong ito, sinabi ko nga, ‘Importante may darating sa inyo, ako po yun.'

"Sabi ko na, ‘Hindi magnanakaw sa inyo.’

“At tutulong talaga nang tapat hanggang sa umangat. Yun ang hangarin ko para sa kanilang lahat. Siguro natataranta sila."



CONTINUE TO DREAM! May regrets ba siya sa pagnanais niyang pagtakbo dahil sa mga kinakaharap niyang problema ngayon.

“No regrets. No, no... masaya ako sa ginagawa ko. A… especially at this point sa buhay ko.

"Parang I just want to prove also that yung tulong na ‘yan kaya mong gawin, kaya mong baguhin…

“Na mero’n pa rin pag-asa na marami nang tumigil. Marami nang tumigil na mangarap.

"Kahit sa buong Pilipinas, parang, ‘Bahala na lang.’

“Parang gusto kong sabihin sa kanila na, ‘Wag kayong titigil mangarap kasi lahat ng malalaking bagay nagsimula sa maliit na pangarap.’

“So, pag di na tayo nangangarap sa buhay, para ke pang nabubuhay tayo? Sayang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napipikon na ba siya sa mga ibinabato sa kanya para panghinaan ng loob na tumakbo sa politika? Sabi ni Aga: “Hindi, hindi, hindi ako napipikon. Normal lang naman daw talaga yun, nasa laro. Kaya lang naninibago lang talaga ako. But, sabi ko, pinasok ko 'to, e. Sabi ko, hindi dapat ako mawalan ng focus because isang tao lang naman ang gumugulo sa akin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results