Sarah Geronimo on love: "You might not get it on your first try, but don’t be afraid to try again."

Pop Princess Sarah Geronimo defines love: "Love is something that is not just a feeling of hearts beating fast. Ito ay isang powerful thing na dapat ay nakakapagdulot ng positive change sa isang tao. And it should bring out the best in a person. Nakakapagbigay ng tamang direksyon sa buhay at ng lasting happiness."


Matapos umani ng batikos ang diumanoy “misbehavior” na ipinakita ni Sarah Geronimo sa episode ng kanyang weekly musical-variety show na Sarah G. Live last January 13—kung saan idinaan niya sa kanta ang mga pasaring nito kay Gerald Anderson—naging positibo naman ang pananaw ng singer-actress tungkol sa pag-ibig.

Kahit inamin ni Sarah na nagkamali siya sa kanyang mga ginawang patama via “Womanizer” at “Take A Bow” songs last week, naging maagap naman siya sa paghingi ng despensa tungkol dito.

Nasita kasi ang kanyang sinabing, “Huwag po tayo dun sa mga womanizer, dun po tayo sa faithful…”

Ang “Womanizer” ay kanta ni Britney Spears na tungkol sa isang babaero.

Ang “Take A Bow” naman ay kanta ni Madonna.

(CLICK HERE to read related story.)


FAITHFUL NA PAGMAMAHAL. Kagabi, January 20, sa live episode ng kanyang show, naging guests ni Sarah ang magkapatid na Paolo at Gab Valenciano.

Ikakasal na kasi si Paolo sa February 7 sa childhood friend at girlfriend nito of six years na si Sam Godinez.

Pabirong hirit ni Sarah, “Nakakainggit naman ‘yan.”

Nadako ang kuwentuhan sa kung paano nagkakilala sina Paolo at Sam.

Sinabi ni Gab na parang since birth daw ay “meant to be” na talaga ang kanyang Kuya Pao at si Sam.

Isa pang nakakakilig na hirit ni Sarah, “So it’s meant to be. Andiyan lang sa tabi ang kanyang ano… true love, ‘no. Sarap naman yun!”

Pagkatapos ng kanilang interbyuhan, sinabi ni Sarah na nakaka-inspire ang kuwento ng pag-iibigan nina Paolo at Sam.

Dagdag niya, “So, ito na, magkantahan na tayo ng isang malupit na ‘Faithfully.’ Ito ang gustung-gusto natin—faithful na pagmamahal.”

Ang "Faithfully" ay kanta ng Journey tungkol sa tapat na pagmamahal.

SUNLIGHT AFTER DARK NIGHT. Sa finale number naman ng show ay sinabi ni Sarah na dapat ang pag-ibig ay makapagdulot ng positibong pagbabago sa isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago niya kantahin ang kanyang finale song na “Sunlight,” nagbigay mensahe ang Pop Princess tungkol sa pag-ibig.

Aniya, “Mga Kapamilya, love is something that is not just a feeling of hearts beating fast.

“Ito ay isang powerful thing na dapat ay nakakapagdulot ng positive change sa isang tao. And it should bring out the best in a person.

“Nakakapagbigay ng tamang direksyon sa buhay at ng lasting happiness.”

Nakakaintiga naman ang kanyang kasunod na sinabi:

“You might not get it on your first try, but don’t be afraid to try again.

"Tandaan natin na after every dark night comes the beautiful morning sunlight to give as hope of a better and brighter day.”

Ibig kayang sabihin nito ay muling susubukan ni Sarah na magmahal?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN