Erich Gonzales on ten-year age gap with boyfriend: "Hindi naman natin napipili talaga kung sino ang gusto nating mahalin, di ba?"

Itinanggi na ni Erich Gonzales na engaged na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend. Ngunit nang tanungin kung ito na ba ang lalaking pakakasalan niya, sagot ng young actress: “Well, I’m hoping and praying. Sino ba naman ang may gusto na, kung sino man iyon, play-playtime lang? Parang for me, I don’t think that’s nice.”


Muli na namang sasabak sa isang “aswang project” si Erich Gonzales matapos niyang magbida sa pelikulang Corazon: Ang Unang Aswang (2012).

Kasama si Erich sa cast ng bagong ABS-CBN fantaseryeng Juan dela Cruz na kinatatampukan ng mga aswang bilang mga kalaban ng bidang si Coco Martin.

Pero paglilinaw ni Erich, hindi aswang ang role niya sa fantaserye.

Sabi niya, “Hindi po ako aswang dito. Madi-discover ko kung ano talaga yung parang magiging destiny ko ba pag na-meet ko yung totoo kong tatay. Kung paano mabubuo yung pagkatao ko po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erich sa taping ng Juan dela Cruz sa Manila Police District office sa UN Avenue, Manila noong Enero 18.

Excited daw si Erich sa mga bagong gagawin niya sa serye dahil may action scenes daw siya rito.

“Yes, merong mga aksyon-aksyon dito and then magte-training kami for that. Exciting dahil bago na naman po ito.

“Bihira ka kasing makakita ng babaeng gumagawa ng fight scenes, di ba, parang mga guys lang yun.

“Parang that’s something new dahil nakakagawa ka ng iba naman. Pumi-feeling action star,” biro niya.

COCO MARTIN. Muli ngang makakatrabaho ni Erich si Coco. Ang una nilang pagsasama ay sa pelikulang Noy (2010).

Sabi ng young actress, “Dito po sa teleseryeng Juan dela Cruz, marami po silang bagong makikita.

“Unang-una, another side of Coco.

“Kumbaga, we always see him as super serious and now, in this teleserye, makikita mo yung kakulitan at kapilyuhan niya.

“So, that’s something na sobrang nakaka-excite po.

“Second time na [naming mag-work together]. First po yung Noy and then ngayon sa teleserye naman.

“Kung sa pelikula mabilisan lang na shooting days, sa teleserye, parang almost every day magkakasama.”

Ano ang maipagmamalaki niya sa pakikipagtrabaho kay Coco?

Sabi ni Erich, “Working with Coco, sobrang dali talaga, sobrang gaan.

“And I always say na si Coco is one of the finest actors of today.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang napakahusay niya, he’s very intense and pag sinabing action, parang nag-iiba, parang ang husay!

“Ang galing-galing niya!”

Nagkaroon nga raw siya ng chance ngayon na mas makilala si Coco.

“Well, sa teleserye po na halos every day kaming magkakasama, parang I get to know him a little more.

“Dahil dun sa Noy po, mabilisan lang, like mga three or four shooting days lang ako doon.

“And ngayon, sobrang malalim siya na tao talaga and napakaganda ng pakikipagkapwa niya sa tao. Napakagaling niyang makisama.”

Inaalagaan ba siya ni Coco sa set?

“Opo, he makes sure na okay lang ako. Kung anong mga kailangan ko, ganun.

“Pero hindi naman po ako paalaga rin, kaya ko naman ang sarili ko.”

INTIMATE SCENES. Mature role na ang ginagampanan ni Erich sa Juan dela Cruz. May gagawin ba siyang intimate scenes with Coco tulad ng kissing scene?

“Nasa ano pa lang po kami ngayon, e, nasa week three. Wala pa po akong nababasa [sa script] na mga ganyan.”

Pero okay lang naman daw sa kanya kung magkakaroon ng kissing scene.

“Mature roles naman talaga, hindi na pa-tweetums. As long as it’s needed for the scene, para maganda, okay lang po yun.”



NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Hindi ba siya nag-aalala na ma-link siya kay Coco?

“Ma-link? Hindi na po uso iyan. Porke may show, kailangan ma-link, ano ba ‘yan?” sabi ni Erich.

Hindi na raw kailangang ma-link ni Erich kung kani-kanino dahil aminado naman siya na may non-showbiz boyfriend siya ngayon. Businessman daw ito.

Ano ang sabi ng boyfriend niya noong malaman nito na makakapareha niya si Coco?

“He’s very happy dahil may new project. And wala naman po siyang say talaga sa showbiz.”

Muli ngang nilinaw ni Erich ang isyung engaged na raw sila ng boyfriend niya dahil may ilang nag-akala na engagement ring na ang suot niyang singsing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, I’m not engaged.

“I said it na before po, it was a gift, pero hindi siya engagement ring.

“Matagal pa [ang kasalan]. Ang dami ko pang gagawin sa buhay ko.”

Gaano katagal na ba sila ng boyfriend niya?

“Almost two years na po.”

Hindi ba ito seloso?

“Wala naman po siyang dapat ipagselos. He knows my work and alam niya ang trabaho ko.

“He’s very supportive, nandiyan lang siya kunwari pag merong movie, nagpapa-block screening siya kasama yung parents namin, ganun.”

Dumadalaw ba sa set ang boyfriend niya?

“Minsan, pero madalas nagpapadala na lang siya ng food kasi mahirap magtrabaho nang gutom.”

Busy rin daw kasi sa trabaho ang boyfriend niya kaya pag may free time lang sila pareho ay saka sila nakakalabas talaga.

Ten years daw ang tanda ng boyfriend niya sa kanya.

“I’m twenty-two and he’s thirty-two. So, ten years.

“I think it’s better kasi I don’t think yung mga ka-age ko ngayon can handle me.

“I mean, kasi di ba, sinasabi pag babae ka, mas mabilis mag-mature?”

Mas preferred niya ba talaga ang boyfriend na mas matanda sa kanya?

“Hindi naman natin napipili talaga kung sino ang gusto nating mahalin, di ba?

“We’ve been friends and yun siyempre, yung mga ganyang bagay, ipinagdarasal din iyan.

“So, parang one day, ‘O okay pala ito.’

“Siyempre matagal din na friends muna and then yun na.”

Paano sila na-develop?

“Nagpa-picture kami tapos saka na-develop,” biro ng young actress.

Very much single daw ang kanyang boyfriend at wala itong anak sa pagkabinata.

“Wala, he’s single and ready to mingle. Walang anak po!” natatawang sabi ni Erich.

Na-meet na raw nila pareho ang parents ng isa’t isa at tanggap na tanggap daw ng kanilang mga pamilya ang relasyon nila.

Hindi pa ba nagpo-propose ng kasal ang boyfriend niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Agad-agad, uunahan natin siya? Wala pa naman po. Darating din siguro iyan.”

Pero nakikita ba niyang ang boyfriend niya ngayon ang magdadala sa kanya sa harap ng altar?

“Well, I’m hoping and praying.

“Sino ba naman ang may gusto na, kung sino man iyon, play-playtime lang?

“Parang for me, I don’t think that’s nice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN