Daniel Matsunaga on rumored romance with Kris Aquino: "No, what I feel is friendship talaga..."

Muling iginiit ni Daniel Matsunaga na magkaibigan lang sila ng nali-link sa kanyang si Kris Aquino. Sabi pa ni Daniel, bagamat may cell phone number siya ni Kris, hindi pa raw niya ito tini-text.


Bago pa man naglabas ng kanyang pagkairita si Kris Aquino tungkol sa mga tumutukso sa kanila ni Daniel Matsunaga ay nakapanayam na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Brazilian-Japanese model-actor.


(CLICK HERE to read related story.)

Sinabi ni Daniel na walang ibang namamagitan sa kanila ni Kris kung hindi pagiging magkaibigan lamang.

Kuwento ni Daniel sa PEP, sa trade launch ng TV5 last January 15, “We had movie together, yung Sisterakas—a really great movie, number one sa box-office record, di ba?

“Minsan nagko-co-host ako dun sa KrisTV, kaibigan ko siya.”

Dagdag pa niya, sa Twitter lang ang komunikasyon nila ni Kris

“Hindi po kami magka-text, pero I have her number.”

Ano naman ang mga katangian ni Kris ang nagustuhan niya bilang kaibigan?

“Lovable siya, mabait, she’s really nice.

"She’s example for me ng society—very special, very nice na person, with everybody.”

Pero hanggang dun lang daw yun at wala nang iba.

Paliwanag ni Daniel, “No, what I feel is friendship talaga, I’m still… mag-focus sa work muna.”

Nakilala na ba niya ang anak ni Kris na si Bimby, na very vocal daw sa pagka-ayaw sa mga nali-link sa kanyang mommy?

“I got to know Bim sa isang episode sa KrisTV and he’s really nice.”

Magkasundo naman kaya sila?

Tugon ng Brapanese model, “Oo naman, I love kids. I love kids talaga.”

CHOICE TO BE SINGLE. Matagal-tagal na ring hiwalay si Daniel sa huling girlfriend nitong si Heart Evangelista, at hanggang ngayon ay single pa rin siya.

Choice ba niyang huwag munang makipagrelasyon?

Sagot niya, “Choice ko, I’m very relaxed and really focused talaga sa work.

“Wala pa rin, e. Single, just enjoying my life now and work muna.”

Pero ready na rin naman daw siya sa bagong pag-ibig kung sakaling may makilala na siyang matatawag niyang “Miss Right.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, actually ready na ako. Ready na ako, tsaka I just didn’t find her yet.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN