Jessy Mendiola on JM de Guzman’s “crisis”: “Kung bisyo man ito o whatever, sa tingin ko naman, kaya niyang ma-surpass kung anuman.”

Ipinagtanggol ni Jessy Mendiola ang sarili sa paratang ng iba na isa siya sa dahilan kung bakit tila nawala sa landas si JM de Guzman: “Kung yun ang rason, parang it’s not even valid enough to do it to himself. He has my number, I have his number, and whether he has problem, he calls me naman and I answer. So I don’t see the point why he has to use it? I think it’s his friends or people around him.”


Minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tanungin si Jessy Mendiola tungkol sa pagkakatanggal sa ere ng ABS-CBN afternoon soap na Angelito, Ang Bagong Yugto.


Bida sa afternoon soap na ito ang nali-link kay Jessy na si JM de Guzman.

Noong December 14, 2012 ipinalabas ang huling episode ng Angelito na tumagal ng limang buwan.

Dapat daw kasi ay mas matagal pa ang pag-ere ng afternoon soap na ito ngunit nagkaroon daw ng problema mismo kay JM.

Sabi ni Jessy tungkol dito, “Napaka-talented niyang tao, isa siya sa mga pinakamagaling na aktor ngayon na bago...

“Kaya sabi ko nga, yung mga ganoong isyu, yung mga iniisyu na siya ang dahilan kaya nag-end yung show, siguro there are other reasons.

“It’s not entirely his fault. He did his part naman, he did his best, so I think it’s better if we see it that way.”

RUMORS ABOUT JM. Nagkikita pa ba sila ni JM?

Sabi ng young actress, “Nagkabatian kami noong Pasko, but I don’t see him anymore.

“Hindi ko na siya nakikita, parang busy ‘ata siya sa indie niya or something."

Pero aminado si Jessy na nasasaktan siya sa mga masasamang naririnig niya tungkol kay JM, gaya halimbawa na nalulong daw ito sa droga.

“Nahe-hurt lang ako na may mga tipong isyu sa kanya na parang ang tingin sa kanya ay napakasamang tao na.

“Kung anuman ang pinagdaanan niya or kung anuman ang pinagdadaanan niya ngayon, sa akin, mabait iyong taong yun," pahayag ni Jessy.

Umaasa rin si Jessy na hindi totoo ang pagkakaroon daw ng masamang bisyo ni JM.

Aniya, “Kung bisyo man ito o whatever, sa tingin ko naman, kaya niyang ma-surpass kung anuman.

“Pero sa tingin ko, sa tulad niya, parang hindi naman.”

Ipinagtanggol din ni Jessy ang sarili sa paratang na siya raw ang nagbigay ng matinding bigat ng loob at ipinagkaganito ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa akin kasi, kailangan din niyang maging matatag sa sarili niya.

“Kung yun ang rason, parang it’s not even valid enough to do it to himself.

“He has my number, I have his number, and whether he has problem, he calls me naman and I answer.

“So I don’t see the point why he has to use it? I think it’s his friends or people around him.”

Pinalinaw namin sa aktres kung ano ang ibig niyang sabihin na nakaimpluwensiya kay JM ang mga kaibigan o mga tao sa paligid nito.

“I don’t know. I guess he’s just swayed... influenced.

“But I’m not sure kung totoo ba ang mga balita, kasi I’m not seeing him anymore."

PHR PRESENTS. Kung nag-lie low man sila ni JM, humahataw naman ang career ni Jessy ngayon.

Umeere pa rin ang afternoon soap nila ni Mateo Guidicelli na Precious Hearts Romances Presents Paraiso.

Bukod sa magandang samahan na nabuo sa kanila ni Matteo, naging daan daw ang Paraiso para mag-level up ang antas niya bilang isang leading lady.

Saad ni Jessy, “Masaya ako... masaya kami nila Matteo, kasi noong una, parang project lang siya para sa aming dalawa.

“Tapos, noong una, parang three months lang.

“Ngayon, tumagal na kami ng five months, magiging six months na, so nakakatuwa kasi tinanggap talaga siya ng tao nang sobra.

“Nao-overwhelm lang ako sa sinasabi nila, kasi parang first time lang nila ako makitang umarte ng ganoon...

“First time nila ako makita na daring ang role but, at the same time, innocent pa rin—naive pa rin.

“Masaya naman kami ni Matteo. Kasi, kami ni Matteo kasi, di kami close noong nagsisimula kami.

“Pero ngayon, ang dami na naming alam sa isa’t isa.

“Tipong magkatinginan lang kami, alam na namin kung ano ang sasabihin ng isa... parang ganoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



INSPIRATION. Sa nakaraang interviews ng PEP kay Matteo noon, nabanggit nito na hindi siya nagsasara ng pinto na maaring mahulog ang loob at magkagusto siya kay Jessy.

Si Jessy rin ba ay hindi nagsasara ng pinto para kay Matteo?

“Ako din naman,” kumpirma niya.

“Pero siyempre, since maganda ang 2012 namin, gusto ko sana ang 2013, mas ma-surpass ko pa yung 2012.

“So, for me sa ngayon, mas maganda kung work na lang talaga muna.

“We are not closing doors and sa ngayon naman, ang pinaka-close ko talaga ay si Matteo.”

Tinanong namin si Jessy kung anu-ano sa mga katangian ni Matteo ang nagugustuhan niya.

“Gusto ko yung napaka-disciplined niya pagdating sa pagkain, workout, at trabaho.

“Willing siya to wait, to learn more, tapos mahahalata naman sa kanya na willing siyang gawin yung mga bagay na ginagawa mo.

“Nagklukuwentuhan kasi kami, kunwari tungkol sa lovelife.

“Sabi niya, yung baaeng kasama niya, magugustuhan ang ginagawa niya,” lahad ni Jessy.

INSPIRED BY MATTEO? Marami ang nakapansin na mas lalong sumeksi at mas naging conscious sa katawan si Jessy.

May mga ilang nagsasabi na si Matteo raw ang inspirasyon ng aktres sa pagpapaganda ng katawan dahil kilala ngang health buff ang aktor.

Sabi ni Jessy, “Mostly ang inspirasyon na yun, siyempre, gusto ko ring gumanda yung katawan ko.

“Tapos, pag nakikita ko siya lagi sa set, palaging naka-topless, palaging macho, nakakainis naman.

"Tapos akong leading lady niya, hindi man lang nag-e-effort.

“Ayun, nag-start na ako mag-workout.

“Marami na akong na-lose na weight simula noong Sabel.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN