Lian Paz sends message to detractors: “Masaya po ako with my kids, and I’m doing my best to raise them alone.”

Ayon kay Lian Paz, hihintayin lamang niya ang suportang ibibigay ni Paolo Contis para sa mga anak, hindi niya ito hihingin. Paliwanag ni Lian: “Hindi ko naman kailangang ikulit yun, e. I mean, responsibilidad niya yun at obligasyon niya yun sa mga bata, so hindi ko na kailangan dapat sabihin.”


Matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan noong 2012 nina Lian Paz at Paolo Contis, umusbong naman ang bagong isyu nitong Enero lamang—ang pagkakaroon ng bagong lalaki sa buhay ni Lian.

Nakita umano sa Amerika si Lian na nagsa-shopping, kasama ang isang may-edad ng lalaking part-owner umano ng isang ospital sa Maynila.

Nakagugulat ang tsismis, kaya sa una at eksklusibong pagkakataon, humarap si Lian sa H.O.T. TV noong January 20 para linawin ang isyu.

“Ang taray!” ang tumatawang bungad ni Lian.

“Gusto ko ‘yan... How I wish! Sana mangyari ‘yan ngayong Year of the Snake!"

Nang magseryoso na si Lian, sabi nito, “Hindi!”

Dagdag nito, “Sa totoo lang, di ba? Iisipin mo, sa sitwasyon ko ngayon, iwi-wish mo na lang, di ba?

“Na malay mo nga, merong ganoong tao na magke-care sa iyo, at aalagaan yung mga anak mo?

“Pero, no, it’s not true!” pag-ulit niya.



ON BUSINESS. Inamin naman ni Lian na nagpunta siya kamakailan sa Amerika.

“I went to San Francisco, in-invite ako ng family friend namin doon, nagpa-New Year show siya.

“So iyon, nag-perform ako doon for a week.

“Tapos, yung ibang mga friends namin doon, nag-invite for Vegas, three days lang.

“So, sumama naman ako para makapag-enjoy naman ako.”

Trabaho na may halong bakasyon at hindi basta lamiyerda at shopping ang ipinunta raw ni Lian sa U.S. noong second week ng January.

Pero ang mas isyu para sa kanya ay ang pagbibigay-malisya sa mga lalaking nakakasama niya, kamag-anak man o kaibigan.

“Marami kaming friends na may-ari ng ospital at kung anu-anong may-ari ng kumpanya, dahil nga nasa events ako.

“My parents, iyon yung business nila—events.

“So, ako talaga yung mas madalas na kumakausap sa mga kliyente, ganyan.

“To close a deal para sa amin, mag-book ng lahat—lights, catering...

“So, kung makikita man ako ng ibang tao na may kasama sa labas at may kausap... alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang unfair on my part na lahat na lang ginagawan nila ng isyu at ginagawang tsimis sa akin."

Sa bandang huli ay ipinagkibit-balikat na lang niya, “Well, I cannot blame them.”



NOT SURPRISED. Sa katunayan, mismong si Paolo raw ay hindi na nagulat sa pinakahuling intrigang ito sa misis niya.

Kuwento ni Lian, “Natatawa lang din siya, actually. Sabi niya, ‘O talaga? Naku, ano ba ‘yan? Hindi na natigil ‘yang ganyang balita!’

“Sabi ko, ‘Actually, lahat naman, mapabata, mapamatanda, nili-link sa akin, di ba?’

“Pero okay lang, sanay na ako!”

Alam daw ni Paolo ang pagpunta niya sa San Francisco.

“Alam niya kung nasaan ako, alam niya kung ano ang ginawa ko sa San Francisco.

“So, yung mga nagkakalat ng intriga at tsismis, e, bahala kayo diyan, di ba?”



HINTING. Matapos i-deny ni Lian ang pagkakaroon ng bagong boyfriend, inamin naman niyang may mga lalaking nagpaparamdam sa kanya.

“Alam mo, sa totoo lang, ang daming nagpiprisintang maging ama ng mga anak ko!” ang muling natatawang sinabi ni Lian.

“Pero ang sa akin lang is, nadala na ako, e.

“So kung nandiyan man sila, well, kung naa-appreciate nila ang beauty ko—then, sige, fine, thank you, di ba?

“At least, hindi na ako ngarag ngayon.

“Pero, kung sa relationship, wala. Huwag muna.”

Ang mga anak niya ang priority daw ni Lian ngayon.

“Yung 2013 is really for myself and my kids.”



SUPPORT. Bagamat katuwang ni Lian ang kanyang mga magulang sa pag-alaga sa mga bata, umaasa pa rin siya sa sustento galing kay Paolo.

“Yung huling bigay niya noong after Christmas, not enough, pero at least, di ba?

“Hindi ko naman kailangang ikulit yun, e.

“I mean, responsibilidad niya yun at obligasyon niya yun sa mga bata, so hindi ko na kailangan dapat sabihin.

“Magkusa na sana siya. Pero so far, ngayon, he’s actually being consistent on asking about the kids.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinawagan ng H.O.T. TV ang kampo ni Paolo para sa kanyang panig, pero tumanggi silang magbigay ng anumang pahayag sa isyu.

Samantala, sa kabila ng mga hindi nila pagkakasundo, umaasa si Lian na may patutunguhan pa sila ni Paolo para sa kanilang mga anak.



TO DETRACTORS. Ang huli niyang mensahe sa TV show ay para sa mga walang tigil na nang-iintriga.

“Yung mga naninira sa akin at patuloy na gumagawa ng intriga, ’Congratulations po, happy new year po sa inyo! I’m telling you… bahala na po kayo.’"

Natatawang sabi pa ni Lian, “Masaya po ako with my kids and I’m doing my best to raise them alone, so iyon po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN