Tina Paner on "plane-ticket scam": “Tanggap ko na magalit sila sa akin dahil sa akin naman, inaamin ko, may pagkakamali ako.”

Handa raw harapin ng dating teen star na si Tina Paner ang mga kasong kinasasangkutan niya tungkol sa plane ticket scam. Sa kanyang paliwanag, sabi niya: “Hindi ako nagtatago. Naging tahimik ako dahil nakaka-receive ako ng mga death threats.”


Mula nang makapag-asawa ang dating aktres at singer na si Tina Paner ay nanirahan na siya sa Barcelona, Spain.

Kahit na balitang naghiwalay na sila ng kanyang naging mister, nanatili lang si Tina sa Barcelona.

Walang masyadong nababalita tungkol kay Tina kaya marami ang nagulat nang pumutok ang isyu na sangkot ang dating Regal baby sa pagbebenta diumano ng paso o expired na plane tickets sa Barcelona.

Kaunti lamang din ang nakakaalam na nandito na pala ulit sa Pilipinas ang dating miyembro ng youth-oriented show na That’s Entertainment.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa pamamagitan ng isang taped interview, eksklusibong nakapanayam ni Boy Abunda si Tina para sa The Buzz na ipinalabas noong Linggo, January 20.

Umpisa pa lang ay halata na sa mga mata ni Tina na nanggaling siya sa pag-iyak.

Panimula niya, “Well, actually, Tito Boy, isa rin naman akong biktima, e.

“Iyong nangyari yun na scam, that was last year.

“May inilabas na promo na Barcelona-Manila, Manila-Barcelona sa murang halaga.”

Nasa 600 euros lang daw ang naging halaga ng tickets.

Ayon pa kay Tina, “So, ako, bilang agent, commission agent ako, so every ticket na mabebenta mo, may commission ka.”

Ang travel agency raw ang nagpapabenta ng tickets.

“Siyempre, marami kaming ahente na nag-grab na makapagbenta.

“Pumutok ang balita na yung ibinebenta is fake.

“So, maraming Filipinos ang nagreklamo.

“So, ako, sa sobrang takot ko that time... siyempre, kilala pa rin ako sa Filipino community.

“Sa sobrang takot ko, ang ginawa ko, para hindi magreklamo sa akin ang mga clients na bumili, bumili ako ng panibagong tickets na double the price ng binili nila sa akin.

“So, if the price they buy is 685 to 700 [euros], I bought another ticket worth 1,200, 1,500, 1,800... para lahat ng mga clients, hindi nila alam, makakalipad sila.”

Mga ilang kliyente ba ang tinutukoy niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Halos nasa 100 ang nakalipad until December.”

So, malaking pera ang naipaluwal niya.

“Halos lahat ng savings ko, naubos.

"At lahat ng 100 passengers na yun, nakalipad.”



ALSO A VICTIM. Sa mga nangyari, ayon kay Tina, ay biktima rin siya.

Nagawa ba niyang habulin ang agency na pinagbilhan niya ng pekeng ticket?

“The problem is, wala na siya,” sabi nito.

Kung bumili na nga siya ng mas mahal na tickets kapalit ng mga pekeng naibenta na, bakit may mga naglabasan pa ring isyu na nanloko siya?

Paliwanag ni Tina, “May mga passengers pa kasi na leaving for January until March.

“Ang nangyari kasi, noong binayaran nila sa akin, para mai-fly yung mga ibang kliyente, yun ang pinangbayad doon…

“Komo nga, yung mga iba is for January, yung iba, until March, so magagawan ng paraan.

“Ito naman kasing remaining is nasa twenty na lang.”



DEATH THREATS. Pero wala naman siyang planong takbuhan ang natitira pang dalawampung katao na ito?

“Hindi ako nagtatago,” giit ni Tina.

“Naging tahimik ako dahil nakaka-receive ako ng mga death threats.

“Dumating sa point na may mga client na tumatawag sa akin at nakakausap ng anak ko.

“Ang sabi sa anak ko, ‘Sabihin mo sa mommy mo, ipapapatay ko siya, sasaktan ko siya kapag nakita ko!’

“Being a mother, mas uunahin ko ang security ng anak ko.”

Nagkaroon ba siya ng pagkakataon na makausap ang ilang kliyente niya?

“May iba na akong naibigay… may nakausap na akong iba,” tugon ni Tina.

Dugtong pa niya, “Tanggap ko naman na murahin nila ako.

“Tanggap ko na magalit sila sa akin dahil sa akin naman, inaamin ko, may pagkakamali ako.

“Dapat ibinalik ko ang pera nila, pero ang ginawa ko, para makalipad sila, yun nga, bumili ako ng panibagong ticket na ako rin ang nagdusa.

“Pero sa akin, okay lang ‘yan.”



MESSAGE. May mensahe ba si Tina sa ilang Filipinos na nasa Spain?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, ang message ko naman doon sa mga natitira, huwag ho kayong mag-alala.

“Kung anuman ang responsibilidad ko, kung anuman ang dapat kong ibalik, ibabalik ko ho sa inyo.

“Hindi man buo, hindi man ngayon, basta ipinapangako ko na ibabalik ko at ibabalik ko.”

Noong nasa ibang bansa si Tina ay hindi niya kasama ang kanyang pamilya, tulad ng ina niyang si Daisy Romualdez. Saan siya humuhugot ng lakas noong mga panahong yun?

“Hindi ko nga rin alam, Tito. Kasi, noong panahon na yun, nagkakaroon na ako ng problema, sinolo ko.

“Hanggang sa dumating na hindi ko na kaya… this is it. Saka pa lang ako nagsabi sa kaibigan ko.

“Hanggang sa nagsabi na ako sa pamilya ko... nagsabi na ako sa ibang kakilala.

“Doon mo makikita kung sino ang maaasahan mo, ang kaibigan mo... una na riyan ang pamilya mo.”



SHOWBIZ? Ngayong nandito si Tina sa Pilipinas, plano ba niyang manirahan na rito “for good” o bumalik muli sa showbiz?

Nangiti ito sabay sab ng, “I don’t know. Right now, nag-e-enjoy ako here.

“For the work, I still don’t know.”

Hiningan naman ni Boy si Tina ng mensahe sa mga nanonood at sa mga tagahanga pa rin niya.

“Well, sana matanggap n’yo pa rin ako… For almost ten years, after ten years…

“Kung anuman ang puwede ko pang maibigay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN