John Prats on Sam Milby pursuing Shaina Magdayao: "I won’t stop him… puso ‘yan and it’s gonna be okay."

Inamin ni John Prats na lumalabas na sila ni Isabel Oli para makilala nila ang isa’t isa. Kuwento ni John: “We hang out na, not the two of us—group. Masayang-masaya naman. Kalog pala siya, akala ko mahinhin. Nakakatuwa kasi may sense of humor.”


Kilalang matalik na magkaibigan sina John Prats at Sam Milby.

Dati nang nakikitang magkasama ang magkaibigan lalo na noong na-link si Sam sa nakababatang kapatid ni John na si Camille Prats.

Sa presscon ng Kahit Konting Pagtingin, nagpahayag si Sam na may crush at malaki ang posibilidad na ligawan niya si Shaina Magdayao, ang dating girlfriend naman ni John ng ilang taon.

Sinundan na ito ng dagdag na pahayag ni Sam na nagpaalam at humingi na siya ng go signal kay John kapag itutuloy niya ang balak na panliligaw kay Shaina.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John, tinanong namin kung paano nagpaalam sa kanya ang matalik na kaibigan

Saad niya, “Oo, nagpaalam siya kasi kami ni Sam, very open kami—hindi kami magkaibigan lang, magkapatid kami.

“So talaga, noong sinabi niya na crush niya si Shaina, di naman ako nagulat doon.

“Maganda si Shaina, mabait, so hindi ako magugulat kung nagkaroon siya ng crush kay Shaina.

“Ang sa akin naman, ang tagal na noon, e.

“Nagkaroon na ako ng ibang relasyon, dalawang girlfriends after niya.

“Kumbaga, hindi na issue sa akin yun.”

Dugtong pa niya, “Noong nagpaalam siya, sabi niya, ‘What if ligawan ko?’

“Sabi ko naman, ‘Oo, go!’ And I won’t stop him… puso ‘yan and it’s gonna be okay.”



RESPECT. Ayon pa rin sa pahayag ni Sam dati, kung hindi pumayag si John ay hindi niya itutuloy ang kanyang plano.

Bagay na sobra namang sinasaluduhan ni John sa kaibigan.

“Nakaka-touch, kasi alam ko na nagma-matter ang friendship namin and wala namang magbabago… kapatid ko ‘yan.

“Kahit na anong mangyari, alam namin kung ang mahalaga sa bawat isa, yung pagkakaibigan namin.”

Bilang respeto, inaalala rin ni Sam ang magiging damdamin ng kaibigan bilang dati na nitong karelasyon si Shaina.

“What if may feelings pa talaga ako?” tanong ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ko masasagot kasi wala na. Mahirap yung ‘what if,’ e.

“Kaya para sa akin, importante sa akin yung respeto sa akin ni Sam bilang kaibigan.”



LIFE AFTER BIANCA. Matagal-tagal na rin mula nang nagkahiwalay silang dalawa ni Bianca Manalo kaya kinumusta ng PEP ang lovelife ni John ngayon.

Sagot naman ni John, “Girlfriend wala, pero crush, mayroon.

“Si Sam pa lang ang nakakaalam at ikaw—nagagandahan ako kay Isabel Oli.

“I’m not gonna expect anything to happen, basta sa kanya talaga ako nagagandahan."

Gumawa na ba siya ng first move para magkakilala sila ni Isabel?

Ikinuwento ng aktor na nakalabas na sila ng ilang beses kasama ang ilang mga kaibigan.

“May mga common friends kami, ganoon pa lang naman.

“Nakuha ko na yung number niya, sobrang friend ko siya, naka-text ko na siya.

“We hang out na, not the two of us—group. Masayang-masaya naman.

“Kalog pala siya, akala ko mahinhin. Nakakatuwa kasi may sense of humor.

“I don’t wanna plan things, kasi alam ninyo naman, di naman ako yung nanliligaw… if mag-click kami, bakit hindi?

“I’m not rushing, basta sobra kong ina-admire yung personality niya.

“I hope to have a friendship with her and yung susunod na relationship ko, I really want to make sure about it.

“That’s why I’m not rushing after Bianca, sobrang di ako nagde-date.

“I’m taking my time ’coz I want yung next ko, yun na talaga.

“Nakakapagod din kasi kasi nag-i-invest ka ng oras… emotions.”

Sa kabilang banda, aminado si Isabel na sobra siyang nasaktan sa breakup nila noon ni Gab Valenciano.

Ayon sa ilang kuwento, isa sa rason sa hiwalayan ng dalawa ay dahil sa kagustuhan ni Isabel na magpamilya pero hindi pa handa si Gab.

Kung saka-sakaling mapasagot nga niya si Isabel, handa na ba si John sa ganitong seryosong relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ko alam ang istorya nila, e,” sabi niya.

“Ako naman, ina-acknowledge ko lang naman siya and I’m not getting any younger.

“Di naman siguro habambuhay, e, kakapit ako sa career na ito at i-sacrifice ko yung next level of happiness—yung having a family and have a wife.

“Naiisip ko na rin naman yun. Especially my dad wants me to have kids.

“Yung mga magulang ko, ’Gusto kong magkaapo.’

“Wala pa naman doon ang isip ko… pero ako, why not?



SHORT-LIVED. Ginampanan ni John ang role bilang Raffy sa katatapos na afternoon series ng ABS-CBN na Angelito, Ang Bagong Yugto.

Sinubukang linawin ng PEP kay John kung ang bidang si JM de Guzman nga ba ang dahilan sa maagang pagtatapos ng serye.

“Well sa amin naman, wala namang ganoon,” pagsisiguro ni John.

“Actually, okay na nga kami kasi ang original plan, three months lang yung show.

“Umabot naman kami almost six months, so okay na kami doon, although nakaka-miss.

“May mga personal problems siya, pero sa amin naman, sa industriya naman natin, di natin yun maiiwasan.

“It’s the way you handle things and siguro iba ang pag-handle niya dahil siyempre bata pa naman si JM.

“Mabait na tao, sobrang mabait na tao yun—very talented.

“I just hope to work with him soon or some other time.”



DRAMATIC ROLES. Ine-enjoy ni John ang paggawa ng mga comedy shows and hosting, bukas ba siya sa pagganap sa mga drama?

“Oo naman. For some weird reason, ang Angelito ang comeback kong drama na nag-relax ako.

“Dapat mas tense ako kasi di naman ako nagdadrama, pero mas nae-enjoy ko na kasi yung characters ngayon.

“Siguro kung may mabibigay na drama, why not?

“Nae-enjoy ko naman, wala naman akong reklamo sa mga nangyayari sa akin ngayon."

Isa sa regular mainstay ng Banana Split, labis naman ang pasasalamat ni John sa patuloy na mainit na pagtanggap ng tao sa kanilang gag show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, ngayong 2013… well maganda ang pasok sa akin.

“Bukod sa maganda yung pagtanggap ng tao sa Banana Split for weird reason, lagi naman kaming panalo sa ratings, pero this year iba, e.

“Noong pumasok ang taon, 13 percent kami—15 percent kami, first time.

“Tapos, marami kaming sopresa, pero di pa puwedeng i-announce, but ang daming mangyayari sa Banana Split.

“Okay ako ngayon, mas sobrang relaxed ako ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN