Glaiza de Castro on possibility of a relationship with Dennis Trillo: “Hindi naman sa walang pag-asa… hindi ko pa iniisip yung mga ganyang bagay.”

Nakarating na rin kay Glaiza de Castro ang balitang may namumuong relasyon sa kanila ni Dennis Trillo. Pero ang giit niya, “Well, siguro hindi naman natin mapipigilan kung ano yung iniisip ng tao, at kung ano yung sinasabi nila. Pero alam naman namin sa sarili namin na wala talaga.”


Noong Lunes, January 21, ang 25th birthday ni Glaiza de Castro.

Pero imbes na mag-celebrate siya ay trabaho pa rin ang kanyang hinarap dahil may taping daw sila ng Temptation of Wife.

“Ise-celebrate ko na lang ang birthday ko the next day with my family and friends,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, January 20.

Meron ba siyang birthday wish?

“Iyong consistency lang ng mga blessings… na sana mas lalo pang magtuluy-tuloy.

“Tapos ano… lovelife… Charos!” sabay tawa niya.

“Wala akong lovelife, e. Ganoon siguro talaga kapag busy sa trabaho at may mga priorities sa buhay!” tawa ulit niya.

Pinaalala namin kay Glaiza na malapit na naman ang Valentine’s Day.

“Oo nga, e,” tugon niya kaagad.

“Ganito nga siguro kapag pinili mong i-prioritize ang trabaho.

“Pero meron naman iba na kayang pagsabayin ang work at ang lovelife, e.

“Ako kasi, parang hindi ko pa kayang mag-commit nang todo. Otherwise, magsa-suffer yung career.

“Pero kung sobrang supportive naman noong guy, bakit hindi? E, di, bongga!”

DENNIS TRILLO. Sinasabi niyang loveless siya, pero nali-link siya ngayon kay Dennis Trillo na co-star niya sa primetime series ng GMA-7 na Temptation of Wife.

Ayon sa usap-usapan, nagkakamabutihan na raw sila?

“Oo nga, e... well, siguro hindi naman natin mapipigilan kung ano yung iniisip ng tao, at kung ano yung sinasabi nila.

“Pero alam naman namin sa sarili namin na wala talaga.

“Siguro nadadala lang yung mga tao sa mga eksena namin ni Dennis—ganoon na sila ka-affected!” tawa ulit ni Glaiza.

Patuloy niya, “At saka hindi nga maiiwasan, e. Kasi siyempre magkasama kami sa show, di ba?”

Tapos pareho pa silang single dahil break na sina Dennis at Bianca King?

“Oo. So, ganoon.

“Pero wala, wala talaga. Dahil lang nga iyon sa Temptation of Wife,” giit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, nauugnay muli si Dennis sa kanyang dating girlfriend na si Cristine Reyes.



NOT A SNOB. Hindi ba talaga puwedeng mangyari na ma-tempt sila ni Dennis na maging sila?

“Ma-tempt talaga? Well… hindi, e!" tawa na naman ni Glaiza.

Hindi niya type si Dennis?

“Ayoko na lang magsalita,” pag-iwas niya.

Walang pag-asa talaga?

“Hindi naman sa walang pag-asa. Pero sa ngayon talaga, hindi ko pa iniisip yung mga ganyang bagay.”

Wala bang nagpaparamdam ngayon sa kanya?

“Multo!” sabay tawa na namang biro niya.

Baka naman nai-intimidate sa kanya yung mga guys na gusto siyang ligawan?

“Bakit? Masyado ba akong suplada?

“O baka nadadala rin sila ng aura ni Heidi?” pagtukoy niya sa kanyang character sa Temptation of Wife na maldita at kontrabida.

“Hindi naman ako suplada. Ganoon lang talaga ako kapag hindi ako masyadong kilala.

“May tendency na medyo aloof ako sa una, e. Yung ganoon?

“Pero kapag naman nakilala ninyo ako, loving naman ako! Ha-ha-ha!”

Walang birthday gift si Dennis sa kanya?

“Wala. Kung ano… kung may malalim kaming relasyon, siguro.

“Si Dennis, katrabaho lang talaga,” diin ni Glaiza.



ROLE MODEL. Extended hanggang March ang Temptation of Wife.

Natutuwa raw si Glaiza, pati na rin ang bida rito na si Marian Rivera, dahil pati hairstyle ng mga character nilang bilang Heidi at Angeline ay ginagaya na ng marami.

“Oo nga raw,” kumpirma ni Glaiza.

“Meron nga akong na-meet na fan na six years old na ipinagaya niya yung bangs ko.

“Tapos, curly-curly na para talaga siyang batang Heidi.

“So nakakatuwa naman. Kasi, alam mo yun, rewarding, e, para sa amin.

“Fulfilling siya kasi sa kabila ng mga pagod at puyat namin, may ganoon—nakakatuwa talaga.”

Pero marami rin ang nagagalit sa kanyang sa pagganap bilang si Heidi.

Sabi naman ni Glaiza, “Siguro naman matatalino na ang audience natin para ma-identify kung ano talaga ako sa totoong buhay, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero minsan, nako-convict ako sa ginagawa ko. Ha-ha-ha! Sobrang mean, e.

“Kahit ako, kapag pinapanood ko ang sarili ko, ‘Buwisit! Nakakainis!’ Ha-ha-ha! May ganoon talaga.

“Wala pa namang nang-aaway sa akin kapag nasa public place ako—may mga nagtu-tweet lang na parang nagbabanta.

“Pero kapag naman nakikita nila ako, sinasabi nila na naiinis sila sa akin. Pero naka-smile pa rin sila.

“So… keri na!” sabay tawa ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN