Joey de Leon confirms more franchise for Eat Bulaga!: “Basta meron pang isang Asian country, isa o dalawa ba, na nagbabalak.”

Ibinalita ni Joey de Leon ang bagong format ng dating Game ‘N Go na magiging Game ‘N Go: All Stars. Ang kaibahan: “Puro artista na ‘ata ang players, o celebrities sa iba’t ibang larangan. So bago naman… masaya.”


Isa sa mga hit segments ng Eat Bulaga na “Little Miss Philippines” ay hit na rin sa Eat Bulaga! Indonesia na tinawag namang “Little Miss Indonesia.”

Ibinalita ito ni Joey de Leon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last January 15 sa GO5 press and trade launch ng TV5 sa Resorts World Manila.

Ibinalita rin ni Joey na kasalukuyan daw mataas ang ratings ng EB Indonesia.

Aniya, “Number one na ang EB Indonesia—oo, number one!

“Ngayon, meron na silang ‘Little Miss Indonesia.’

“Dati, three times a week lang yung airing nila, ngayon ginawa nang daily—Monday to Saturday.

“Kumpleto. Kung ano’ng ginagawa namin dito, eksakto.

“Iba lang ang language, ano kasi, Bahasa yung language nila,” dagdag pa niya.



EXCHANGE. Matatandaang ilan sa mga host ng EB Indonesia ay dumalaw sa kanilang studio sa Broadway Centrum studio last year.

Sila ba ng EB Philippines ay may balak ding dumalaw sa Indonesia?

Sabi ni Joey, “Yung mga staff lang namin ang pumunta pa kasi walang panahon, e…

"Nasa plano naman, pupunta rin kami doon.”

Dagdag pa niya tungkol sa EB Indonesia, “Ang gusto ko malaman kung ano’ng nag-hook sa kanilang portion…

“Yung ’Juan For All’ ba o yung ’Pinoy Henyo,’ siyempre may nag-uumpisa e… na part kung bakit…

“E, yun pala, nalaman namin, for five years ‘ata, pinapanood kami, so pinag-aralan nilang mabuti.

“Siguro the whole thing, yun ang siguro naging basehan nila na ganito kasaya ang show.

“Kaya inunti-unti nila, hindi nila binigla na ikasa agad ang lahat ng portions.

“Ngayon, ang Little Miss, palagay ko, e, ibinigay ng Eat Bulaga Philippines yung buong bibliya.

“May bibliya ‘yan, e… kung ano mga games, kung ano yung mga naging games namin, mga naging portions… binigyan namin.

“Mula theme song—ibig sabihin, ibinigay namin sa kanila lahat.”



MORE EB FRANCHISE? Masayang ibinalita noon ng TAPE executive na si Mr. Tony Tuviera na may iba pang Asian countries ang interesadong mag-franchise ng Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balita na ba si Joey tungkol dito?

Tugon niya, “Meron pa ‘ata… kung hindi Malaysia… ayoko namang pangunahan, e.

“Basta meron pang isang Asian country, isa o dalawa ba, na nagbabalak.

“Sabi ko nga, e, ‘Wala ba tayong Macau tsaka Hongkong para masarap, lapit lang?

“Meron ‘ata, one or two na Asian countries.

“Siguro ang daming Pinoy kasi, di ba, sa iba’t ibang bansa? Masaya lang.”



NEW FORMAT. Samantala, ang show naman ni Joey sa TV5 na Game ‘N Go ay magiging Game ‘N Go: All Stars na para magkaroon daw ng panibagong putahe sa Sunday programming ng istasyon.

Sa bagong format ang Game ‘N Go: All Stars, starting January 27, celebrities na lahat ng mga players at contestants imbes na audience ng show ang maglalaro.

Ani Joey, “E, di okay lang. E, bago, e, di mas maganda, bago nang bago.

“Puro artista na ‘ata ang players, o celebrities sa iba’t ibang larangan.

“So bago naman… masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN