Raymond Gutierrez on issues and controversies coming their family’s way: “Kami nga raw ang Kardashians ng Pilipinas, di ba?”

Sa Gutierrez siblings na nasa showbiz ngayon, si Raymond ang walang balak na umarte. Ang dahilan niya: “I’ve kinda created a path for myself already in hosting. So, ayoko nang mag-divert or start something new na alam ko namang hindi ko masyadong gusto.”


Nag-celebrate ng kanyang 29th birthday noong January 21 ang Kapuso host na si Raymond Gutierrez.

Ang magkaroon ng tuluy-tuloy at magandang daloy ang kanyang career ang birthday wish ni Raymond para sa sarili.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raymond noong bisperas ng kanyang birthday, January 20, sa backstage ng Party Pilpinas.

Sinabi nitong very fruitful ang kanyang 2012 na sana’y mapantayan, kundi hindi man ay malampasan ngayong 2013.

VIVA TALENT. Pero ayaw munang magplano ni Raymond tungkol sa kanyang career dahil may bago siyang talent management agency, katuwang ng kanyang ina na si Annabelle Rama.

Pagbabalita ni Raymond, “Viva is now handling me.

“So, Boss Vic [del Rosario], Veronique [del Rosario] is now handling... my mom is tying up with them.

“So, sila na talaga ang mag-i-stir up ng career ko. So I’m excited.

"I’ve met with Boss Vic and malaki ang vision niya for me and I’m excited to hear those plans for me for the year.

“Parang when he explains things to me, parang yun talaga ang gusto kong mangyari.”

Paano ba ang hatian ng trabaho ng Viva at ng mommy niya sa pagpapalakad ng kanyang showbiz career.

Sabi ni Raymond, “Well, parang they’re helping each other.

“Pero I think now, Viva will be kinda handling the endorsements.

“Ngayon, parang sa TV, silang dalawa ng mom ko.

“My mom has the say when it comes to TV, pero pagdating sa endorsements and hosting jobs for corporate, Viva is handling.”



NICHE. Malabo raw talagang pasukin ni Raymond ang acting gaya ng trabaho ng kanyang kambal na si Richard at ng Ate Ruffa niya.

“No. No acting for me this year.

"You know, I’m kinda found my niche already in hosting.

“So, I’ve kinda created a path for myself already in hosting.

“So, ayoko nang mag-divert or start something new na alam ko namang hindi ko masyadong gusto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa paghu-host sa mga programa ng GMA-7, nananatili pa rin si Raymond na bahagi ng editorial team ng Esquire Magazine.

“My magazine career still there and Esquire has given me big responsibility for being a fashion director.

“Kinikilig ako every time may mga invitations from abroad inviting me to watch fashion shows. Medyo busy nga lang dito kaya hindi ako laging nakakapunta.

"Tapos, Preview Magazine din.

“So, maraming plans for both magazines this year and watch out for our next cover for Esquire kasi very, very daring Solenn Heusaff—as in pasabog!”



POLITICAL MOM. Nabanggit din ni Raymond na abala ngayon ang kanyang ina sa pulitika.

Madalas ngayon sa Cebu si Annabelle para mangampanya bilang congresswoman doon.

Kuwento ni Raymond, “Busy kasi siya... ang saya na busy siya, medyo away siya sa limelight ngayon.

“Medyo busy siya concentrating on her tasks in Cebu.

“I’m proud of her dahil every day, lagi kong nakikita yung dedication niya na magsilbi at talagang makarating sa mga barangay sa Cebu.

“Naglalakad siya, she’s climbing, she’s wearing sneakers… talagang nakikita niya yung dedication niya sa trabaho.”

Ibig sabihin, hindi sila na-upstage ng mommy niya sa showbiz?

“Oo,” nangingiting pagsang-ayon ni Raymond.

“So, kami muna ang nasa front of the camera this time, habang busy siya sa Cebu.”



TWIN RICHARD. Ang kanyang kakambal na si Richard Gutierrez ay balitang may pinagdaraanan ngayon dahil sa paglipad ng girlfriend nitong si Sarah Lahbati sa Switzerland.

Nagpahayag naman ng kalungkutan si Raymond para sa kapatid.

Sabi niya, “You know, I’m kinda sad with the situation dahil alam kong hindi naging madali yung situation ni Chard at ni Sarah at ng GMA.

“Of course, Chard is very loyal with GMA, but at the same time, Sarah is his girlfriend.

“So, you know, it’s not an easy situation. So, I’m just here for him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Whenever he asks me for advice, I give my advice. But also I don’t impose… you know what I mean?

“So, I know that he can handle it and he’s a strong guy… pero alam kong hindi madali for him.”

Nagkasama nang matagal sina Richard at Raymond sa Cebu, pero hindi raw nila pinag-usapan ang tungkol sa sitwasyon ng una.

Sabi ni Raymond, “You know, when we talk, we try not to talk about the negative stuff.

“I know that, you know, sila ni Sarah, they’re still very much in touch—and lagi naman silang magkausap… so yun.

“So, the distance is a bit hard though.”

Ramdam ba niya ang "lungkot" ni Richard?

“A little bit, a little bit.

"Siyempre, as much as possible, he’s concentrating on his work.

“Nagpu-promote siya ng Seduction with Solenn, pero mararamdaman mong may konting lungkot dun.

“Kasi nga, yung nangyari kay Sarah, hindi rin madali for Chard.”



NON-ISSUE. Sa pag-alis ni Sarah, samu’t saring balita ang umusbong, tulad ng baka raw buntis si Sarah.

Kinabahan ba si Raymond sa balitang ito?

“No!” ang mabilis na tugon ni Raymond.

“Kasi I know it’s not true. Kasi alam ko naman sa showbiz na pag may konting intriga, ang isyu agad buntis!

“It’s not an issue in showbiz… so…”

Paano niya natiyak na hindi nga buntis si Sarah?

“Because I know. I was with her noong Christmas and… it’s just an easy attack, e.

“But I don’t think that’s the issue here. So, let’s not get sidetracked by things.”

Kung sakali bang buntis si Sarah, magiging masaya ba si Raymond para sa kanya at sa kapatid niyang si Richard?

Sagot ni Raymond, “Well, ako naman, I try to stay away from things like that… it’s not my decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So all my siblings are adults and I’m sure they can handle their own lives.”



SIS RUFFA. Kumusta naman ang Ate Ruffa niya na mukhang nanahimik ang lovelife?

Napangiti si Raymond sa narinig at saka nagkuwento sa kaganapan ng kanyang kapatid.

“Si Ate, sa Instagram, puro travelling. Di ba, ang saya ng life?

“But my sister is enjoying her time with her kids [Lorin and Venice] kasi it’s the age na they get to bond.

“Meron nang personalities ang mga bagets kaya kanya-kanya na silang likes. Meron na silang gusto—hilig, hobbies.

“So, ini-enjoy na niya ang mga bagets ngayon kasi may personalities na, e.

“They just came back from Australia.

"I think they have another trip planned. So, excited siya na mag-travel with the kids.”



SPOKESPERSON. Sa tuwing may isyu sa kanyang ina at mga kapatid, madalas na si Raymond ang humaharap para magbigay ng kanyang komento, reaksiyon, at opinyon.

At kadalasan din ay ipinagtatanggol niya ang mga kaanak.

Hindi ba siya napapagod tumayong spokesperson para sa buong pamilya kapag nasasalang ang mga ito sa intriga o kontrobersiya?

“Hindi naman,” nakangiti niyang tanggi.

“Kami nga raw ang Kardashians ng Pilipinas, di ba?"

Ang Kardashians ay isang sikat na celebrity family sa Hollywood na may sariling reality show.

Patuloy niya, “I don’t know how to feel about that… pero ako, hindi naman… it comes with the territory.

“I’m a host and I always ask people about their lives.

“So, my family is in showbiz.

"So, ako naman, prepared din ako na yung mga tao magtatanong rin sa akin.”

Sa lahat ng mga magkakapatid, si Raymond lang ang walang kinasangkutang malalaking issue.

“Oo nga,” pagsang-ayon niya.

“My life is boring so there’s nothing you can talk about,” dugtong pa niya.

Natuwa naman si Raymond sa feedback sa kanya ng press na siya ang "pinaka-tame" sa magkakapatid pagdating sa mga issues tungkol sa showbiz at sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talaga?” gulat niyang tugon.

“Hindi naman. Well, ako naman, I try to keep my private life, private.

“So, yun lang siguro yun.”

BIRTHDAY CELEBRATION. Noong Lunes ng gabi ay ginanap ang joint birthday celebration nina Raymond at Richard sa isang bar.

Sabi ni Raymond, siya ang taga-invite ng mga friends and guests samantalang kay Richard nakatoka ang pagbabayad ng bills.

Natatawa si Raymond sa sitwasyong kapag may joint celebration sila ni Richard, lumalabas na parang solo niya ang party dahil mas marami siyang guests kaysa sa kakambal.

Sa isang table na okupado ni Richard kasama ang limang guests niya, sakop naman ni Raymond ang buong venue sa dami ng kanyang mga bisita at kaibigan.

Pero ipinagmamalaki ni Raymond ang kabaitan at pagiging mapagbigay ng kanyang kambal.

Pinatotohanan niyang very generous ito, to the point na ito raw minsan ang nagbabayad ng kanyang mga designer clothes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN