Jaclyn Jose on what she learned from recent misunderstanding with daughter Andi Eigenmann: “‘Wag na ako mangialam!”

Jaclyn Jose believes that her recent misunderstanding with daughter Andi Eigenmann will not be the last. Yet she learned that, “‘Wag na ako mangialam! So, hindi na ako mangingialam… Hindi naman sa nangingialam ako sa lovelife niya. Nasasaktan lang ako para sa apo ko, nasaktan lang ako na parang kung ayaw nila, di ‘wag, e, ang ganda-ganda ng apo ko.”


Nagkaayos na ang mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann.

Ito ang kanilang ibinahagi sa naganap na finale presscon ng kanilang ABS-CBN primetime drama series na Kahit Puso’y Masugatan kanina, Enero 22, sa Casa Filipino, Tomas Morato, Quezon City.

Naitanong kasi kay Direk Wenn Deramas sa question-and-answer portion kung nakaapekto ba ang “gap” ng mag-ina sa kanilang trabaho.

Parehong nasa cast ng Kahit Puso’y Masugatan sina Jaclyn at Andi; kasama sina Iza Calzado, Jake Cuenca, at Iza Calzado.

Ang “gap” na ito’y dulot ng naging panayam ni Jaclyn, kung saan sinabi niyang hindi pabor ang pamilya ng ex-boyfriend ni Andi na si Jake sa kanyang anak.

Sinabi niya sa naturang interview: “Hindi ko sinabing sila ni Jake, ang sabi ko lang, mero’n… Dagdagan natin—baka ayaw ng parents.”

(CLICK HERE for related article.)

Ayon naman kay Direk Wenn, “very professional” ang dalawa at malapit sa kanyang puso ang mag-ina.

Hindi naman nagdalawang-isip si Jaclyn na sagutin kung okay na ba sila ng kanyang nag-iisang anak.

Aniya, “Anak ko si Andi.

"Mula nang ipanganak siya, ako na ang nag-alaga sa kanya.

“So, kahit hindi pa siya artista, kapag nasa bahay kami, mag-ina ang asal namin—may away diyan, may tampuhan, pagmamahalan.

“Ang gap ng isang mag-ina, gano’n lang ‘yon.

“I’m sure si Andi naman, hindi magagalit sa akin nang tagos, di ba, ‘nak?” sabi pa ng aktres sa anak na nasa presscon din.

“Yes, ‘Ma!” ang tila gulat at natatawang sagot ni Andi, na siyang dahilan para magtawanan ang entertainment press.

Pagpapatuloy ni Jaclyn, “We live in one house, we stay in one house... I love her so much.

“Hindi ako magagalit ako magagalit sa kanya, anak ko siya, mahal ko siya, e.”



EMOTIONAL JACLYN. Ibinuking naman ni Andi kung gaano kaemosyunal ang kanyang ina noong mga panahong mayroon silang tampuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Andi, “Kasi hindi naman po kami laging nagkakaeksena, and because of that, yung location, magkaiba.

“May very few kaming eksena ni Mommy ko…

“Direk, sabi mo professional, di ba?” tanong ni Andi kay Direk Wenn.

“E, bakit si Mommy ko, kahit yung eksena lang, ‘O, bakit ka nandito, Veronica?’ Iiyak na siya!” sabay tawa ng batang aktres.

Paliwanag naman ni Jaclyn, na natatawa-tawa pa sa sinabi ng anak, “Kasi, hindi... nakakaiyak kasi!

“Yung makasama mo yung anak mo sa eksena, iba ‘yon!

“‘Tas isipin ko lang ‘yong pinagdaanan ni Veronica, naiiyak talaga ako na, ‘Bakit ka ganyan?’” sabay tawa muli nito.



THE RECONCILIATION. Hindi na nagpaunlak ng interview si Andi matapos ang presscon dahil “may The Buzz” interview pa raw siya.

Pero nagpaunlak naman ng maikling panayam si Jaclyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press.

Dito’y nalaman naming hindi sila magkasama ni Andi noong New Year.

Kasama ni Andi noong New Year ang kanyang mga kapatid sa amang si Mark Gil at ilang mga pinsan, sa Manila.

Desisyon din daw ni Jaclyn na mag-Bagong Taon sa kanilang bahay sa Sta. Rosa, Laguna dahil ito ang unang taon ng bahay na iyon.

Wala na daw gumawa ng “first move” upang magkaayos sila, dahil “instinct” na lamang nila iyon bilang mag-ina.

“Naku, si Andi naman, napaka-spoiled sa akin ‘yan, e.

"Simula bata pa ‘yan, alam ni Wenn ‘yan, e, totoo yung sinabi niya kanina.

“Lahat ng tao sa showbiz, alam kung gaano ka-spoiled sa akin si Andi, siyempre mahal na mahal ko ‘yan, e,” nakangiti at puno ng emosyong sinabi ni Jaclyn.

Dagdag pa niya, “Hindi naman matatapos ang away na ‘to.

“Katulad kanina, ‘O, Andi, kilos na. Hindi ko presscon ‘yan, presscon mo...’ so the usual mother.”



DON’T INTERVENE. Pero natatawang pag-amin ni Jaclyn, hindi na gaanong nagkukuwento sa kanya si Andi pagdating sa lovelife nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit naniniwala siya na, “Eventually [magkukuwento na ulit], she’s very open to me, e… oo, nagkukuwento pa rin pala.

“She’s very open sa akin sa kahit ano about my life.”

At kung mayroon man daw siyang natutunan sa tampuhan nila ng anak, ito ay: “Na ‘wag na ako mangialam!” sabay tawa ni Jaclyn.

Pagpapatuloy niya, “So hindi na ako mangingialam… hindi naman sa nangingialam ako sa lovelife niya.

“Nasasaktan lang ako para sa apo ko, nasaktan lang ako na parang kung ayaw nila, di ‘wag, e, ang ganda-ganda ng apo ko.

“‘Yon lang naman ang ipinagtanggol ko no’n.

"Other than that, may karapatan sila to say whatever they want.”

Ang tinutukoy na "apo" ni Jaclyn ay ang anak ni Andi na si Ellie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN