PEP EXCLUSIVE Maja Salvador on relationship with "former" best friend Kim Chiu: "Work, work, work."

Kung bakit ayaw nang magbigay pa ng pahayag si Maja Salvador sa sigalot nila ni Kim Chiu dahil kay Gerald Anderson, ito ang paliwanag niya: “Lalalaki pa kasi, e, hindi matatapos. Ano na lang, I’ll ask po for your ano… ’wag nang makisali. Tulungan n’yo kami na sana, in time, yung sitwasyon namin ngayon maayos."


Magkasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine na dumalaw sa TV commercial shoot ni Maja Salvador para sa isang telephone company kaninang tanghali, January 22, sa Unitel Studios, Makati City.

Nadatnan naming inaayusan ang young actress at ngumiti ito bilang pagbati. After a quick brunch, ay nagpaunlak na siya ng interview.

May Twitter at Instagram accounts si Maja, pero wala raw siyang Facebook. Kumusta siya sa social networking world?

At dahil nga sa ipinost niyang picture kamakailan sa Instagram, kung saan nandoon si Gerald Anderson kasama ang ilan pang kamag-anak at kaibigan ni Maja, ay nagbunga ito ng iba’t ibang reaksiyon.

“Fun sa umpisa, pero may mga araw… may mga pagkakataon na parang hindi rin maganda," umpisa niya.

“Kasi kahit papa’no, kung may mabasa man ako, o kami na negative, o kung anuman yung nasabi na sobra ka nilang i-judge, or sobra ka nilang kilala na hindi naman talaga, parang ang hirap no’n, di ba?

“Kahit na may gano’ng mga sinasabi, siyempre tao din naman kami, kahit papa’no naapektuhan.

“Pero yun, minsan kailangan mo rin piliin kung talaga bang papayag kang magbasa ng mga comments or mag-post ka ng mga posts.”

Paano niya ito hinaharap?

“Deadma!” walang gatol niyang sagot.

Iniiwasan ba niya ang bashers, o bina-block?

“Hindi, hindi… hindi ako nagba-block.

“Oo, madaming gano’n. E, kailangan nating respetuhin yung mga taong gano’n... kung ano yung gusto nilang i-comment. Sila yun, e."

Dahil dito ay hindi na lang daw siya nagbabasa ng kahit na anong comment.

“Hindi na. Posts lang ako. I love you,” lambing niyang iwas sa maaari pang itanong ng PEP at YES! itanong.



ART IMMITATES LIFE OR LIFE IMMITATES ART? Sinasabing parallel o parang akma sa totoong buhay ang hidwaan ng karakter nila ni Kim Chiu bilang si Celine at si Maja bilang si Margaux sa Ina Kapatid Anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pimetime soapkasi na ito ng ABS-CBN ay nag-aaway sila ni Celine.

Sa totoong buhay naman ay may sigalot sa pagitan ng dating mag-best friend dahil kay Gerald Anderson.


(CLICK HERE to read related story.)

“Gano’n po talaga yung kuwento namin, e,” malumanay na depensa ni Maja, na ang tinutukoy ay ang itinatakbo ng istorya ng Ina Kapatid Anak.

Kumusta na sila ni Kim?

“Okay naman. Okay naman po. Work, work, work,” matipid niyang sagot.

Narinig nang nagsalita si Kim tungkol sa isyu sa kanila. Maging si Gerald ay nagbigay na rin ng pahayag.

Paano naman si Maja?

“Hayaan na lang natin. Nasabi na nila yung mga part nila.

"Pero ako… wala akong part!” biro niyang natatawa.

“I chose to be happy, yun na lang.

“Okay lang. Okay lang na side nila.

"Yung isa na-explain na niya yung side niya. Yun na yun."

Hindi ba dapat ay magbigay rin siya ng kanyang saloobin sa isyu?

“Lalalaki pa kasi, e, hindi matatapos. Ano na lang, I’ll ask po for your ano… wag nang makisali.

“Tulungan n’yo kami na sana, in time, yung sitwasyon namin ngayon maayos. Yun. Work, work, work.”



MARGAUX AND MAJA. Nasa book two na sila ng Ina Kapatid Anak.

“Matagal pa daw po kami, e,” pagtukoy ni Maja sa itatakbo pa ng kanilang serye.

Ibig bang sabihin ay may mga bagong characters na papasok?

“Mero’n pa.”

Puwede ba siyang magkuwento kung sinu-sino ang madadagdag sa serye nila?

“Hindi, e. Di ko rin kilala nabasa ko lang kahapon.

"Sabi ko, ‘Uy, may bagong character. Oo nga, may bagong character,’” gano’n lang daw ang sagot sa kanya ng kanyang nakausap.

Paano niya nabibigyang-buhay ang character niyang si Margaux sa IKA?

“Ewan ko. Ang layo nga ni Margaux kay Maja. Sobrang maldita ni Margaux, e.

"Pero, kasi alam mo rin kung saan nanggagaling yung pagkamaldita ni Margaux.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, nagiging maldita siya kasi insecure siya, dahil wala siyang tunay na pamilya, ampon lang siya.

“And parang… di ba gano’n naman. Kahit na ipinaparamdam sa ’yo ng mga tao na espesyal ka, importante ka… pero mero’n pa rin tayo sa sarili natin na kabaliktaran yung nangyayari.

“Na parang, pakiramdam natin, kaya nila ipinaparamdam yun kasi alam nilang may kakulangan ako.

"Alam ko kung ano yung worth ko na hindi nga ako tunay na anak.

“Gano’n kasi yung character ko, e. Na parang sa akin, kahit hindi ako inaagawan, kahit na wala namang dapat problema, nagiging malaking problema.

"Kasi hindi na si Celine yung kalaban ko, e. Sarili ko na.

“Kasi ano bang nangyayari sa kin? Ano bang gusto ko? Ano bang problema?

“Yung pamilya ko, mahal naman ako. Ang problema, ayaw lang ni Margaux na may kahati."

Le-level up din ba ang pagkamaldita ni Margaux sa Book 2?

“May realizations. Titimbangin ni Margaux kung ano yung dapat niyang gawin. Yung gano’n.

"And may big revelations and twists.”



NEXT INDIE? Wala pang naka-lineup na movie si Maja pero may balak din ba siyang gumawa uli ng indie movie gaya ng Thelma, na nagbigay pa sa kanya ng Urian Best Actress Award?

“Sabi ng handler ko, may mga pumapasok. Pero, siyempre hindi naman dahil choosy ka na…

"Pero parang ano kasi, ang hirap sundan ng Thelma.

"So kailangan din na, sana yung gagawin kong susunod yung…” putol niyang saad.

Naipalabas na sa iba’t ibang bansa ang Thelma, saan ang susunod?

“Hindi napapagod tumakbo si Thelma, e, sa ibang bansa. May mga ano pa din siya,” na ang nais niyang tukuyin ay inililibot pa rin ang pelikula niya abroad.



TEN YEARS IN THE ’BIZ! Sa darating na February ay ise-celebrate daw ni Maja ang kanyang 10th year sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, kahit na ten years na ko sa show business, feeling ko, nag-uumpisa pa rin ako.

“Ang dami ko pa ring mga bagay na hindi pa nae-experience na nagugulat na lang akong dumadating sa buhay ko ngayon."

Tulad ng…

“Tulad nitong IKA, yung project namin, and ’eto, may mga bagong endorsement na pumapasok, may mga nagre-renew.

“Akala mo sobrang blessed ka na, pero mero’n pa palang mas hihigit do’n."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN