Cristine Reyes on possible reconciliation with sister Ara Mina: “Mahirap humingi ng tawad sa isang taong ayaw makipagpatawaran.”

Ayon kay Cristine Reyes, matagal na niyang gustong makipag-ayos sa kapatid na si Ara Mina. Saad niya, “Matagal na ‘ko nag-i-insist na magkabati kami, na pumunta sa house niya. Pero sa mga nangyayari ngayon, every move I make, masama ako. Hindi ako mag-move, masama pa rin ako. So, hindi ako makagalaw. So sana ‘wag siya mag-e-expect ng anything from me, kasi parang lahat na lang ng ginagawa ko, pinapadiyaryo.”


Isinisisi ni Cristine Reyes sa kapatid na si Ara Mina ang paglala ng isyu sa kanila dahil sa palagian daw pagpapa-diyaryo ng kanyang ate sa mga nangyayari sa kanila.


“Mahirap humingi ng tawad sa isang taong ayaw makipagpatawaran,” sabi ni Cristine sa panayam sa kanya ni MJ Marfori na lumabas sa InterAksyon kahapon, January 22.

Matatandaang dahil sa alitan ng magkapatid ay sinampahan ni Ara ng kasong libel si Cristine noong April 2012.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi pa ni Cristine, makailang beses na siyang humingi ng tawad kay Ara, pero “to no avail” pa rin daw ito.

“Matagal na ‘ko nag-i-insist na magkabati kami, na pumunta sa house niya.

“Pero sa mga nangyayari ngayon, every move I make, masama ako.

“Hindi ako mag-move, masama pa rin ako. So, hindi ako makagalaw.

“So sana ‘wag siya mag-e-expect ng anything from me, kasi parang lahat na lang ng ginagawa ko, pinapadiyaryo.”

Ang ibig sabihin ni Cristine ay ang pagsasalita raw ni Ara sa media.

Sa isang panyam kay Ara, sinabi nito na kahit magkaaway sila ay tumatawag daw si Cristine sa kanya para humingi ng payo. Pero sa breakup ni Cristine kay Rayver Cruz ay hindi raw nagparamdam kay Ara ang kapatid.

Ngunit itinanggi ito ni Cristine.

Aniya, “Never naman ako tumawag sa kanya ever, no! Kahit nagkaro’n ako ng heartache.

“Kasi, ever since naman, to tell you honestly, hindi kami gano’n ka-close ni Ate.”

“Nakakalungkot na sarili mong kapatid, ginaganun ka, di ba?”

Sa kabila nito, umaasa pa rin si Cristine na maaayos ang gulo nilang mag-ate dahil gusto rin naman daw niyang maimbitahan kung sakaling magpakasal na ang kapatid kay Bulacan Mayor Patrick Meneses.

“Okay lang ako. Willing talaga ako.

“Kahit… kahit civil lang. Kahit di niya ako kaya sikmurain.

“Alam mo yun, masikmura, makita? Basta okay kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana man lang pagbigyan niya.”



STILL FRIENDS WITH RAYVER CRUZ. Tungkol naman sa pakikipag-break ni Cristine kay Rayver Cruz, sinabi ng young actress na bagamat napagkasunduan nila na maghiwalay muna ng landas ay nananatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

Kahapon, January 22, sa second day taping ng soap opera nila para sa ABS-CBN primetime series na Bukas Na Lang Kita Mamahalin, pinuntahan pa raw ni Rayver si Cristine sa dressing room nito.

“So, okay kami. Hindi ‘to parang magkagalit na nag-break,” diin ng young actress.

Hindi malinaw ang dahilan na ibinigay ng dalawa kung bakit sila naghiwalay.

Pero sa panayam ng InterAksyon, inamin ni Cristine na ang kanilang pagiging bata pa para sa isa’t isa ang main reason sa kanilang breakup.

Parehong 23 years old pa lang sina Cristine at Rayver.

Naitanong din kay Cristine ang tungkol sa kumalat na balitang kaya sila nag-break ni Rayver ay dahil nabuntis daw siya at nalaglag ito.

Pero halata raw nairita si Cristine sa tanong dahil gawa-gawa lamang daw ang isyung ito.



DEREK RAMSAY AND DENNIS TRILLO. Pagkatapos ng breakup nila ni Rayver, dalawang pangalan ang lumilitaw na diumano’y kasalukuyang nauugnay kay Cristine—si Derek Ramsay at ang ex-boyfriend ng aktres na si Dennis Trillo.

Hindi naman ito itinanggi Cristine at sinabing pareho siyang may komunikasyon sa dalawa.

Sabi niya tungkol kay Derek, “Naging constant na rin. Tawag-tawag, hangout-hangout.”

May katotohanan din ba ang balitang nakikita siya lagi sa condo ni Dennis?

Sagot ni Cristine, “Ever since naman, nagko-communicate na kami, e. So hindi na bago na nag-uusap kami at nagkikita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN