Piolo Pascual describes son Iñigo as “heartthrob”: “Maraming nagkakagusto doon..."

Piolo Pascual says he won’t stop son Iñigo if he starts pursuing the girl he likes. He says, “There are things that you have to start on you own. As a person, pinagdadaanan naman ‘yon.”


Like father, like son.

Katulad ng bansag sa kanya na “heartthrob,” ganito rin ang paglalarawan ni Piolo Pascual tungkol sa kanyang binatang anak na sa Iñigo.

Napag-usapan kasi sa press conference ng bago niyang teleseryeng Apoy Sa Dagat kagabi, January 22, ang naging bakasyon niya sa Amerika.

Sa ngayon, doon nananatili at nag-aaral ang kanyang anak na lalaki.

Naging magandang oportunidad daw ang mahabang bakasyong ito para magka-bonding silang mag-ama.

“Masarap, madalas ko siyang kasama noong Christmas and New Year, hindi kami naghihiwalay.

“Sobrang blessing din kasi sobra ang bonding namin.

“Sobrang memorable and meaningful ‘yong Holidays ko with him.”

Nang kumustahin naman si Inigo, buong pagmamalaking sinabi ni Piolo, “Heartthrob sa school ‘yon!

“Maraming nagkakagusto doon. Alam mo naman sa States, aggressive ang mga tao.”

Pero tila nagmana raw sa kanya si Iñigo dahil hindi rin daw alam nito ang kanyang priorities.

Kuwento ni Piolo, “Nakakatuwa naman since he studies in Christian school, medyo ang focus niya ay pag-aaral muna.

“He’s part of the theater arts sa school nila so marami siyang diversion.

“Buti na lang at nai-involved siya sa mga extra-curricular activities.

“Siya rin naman ang nagsasabi na kapag may galing sa kanyang mga kaklase talaga, siya rin yung natatakot, siya rin ang umiiwas.”

Gayunman, hindi naman daw pipigilan ni Piolo ang anak kung sakaling magsimula na itong manligaw.

Aniya, “There are things that you have to start on you own. As a person, pinagdadaanan naman ‘yon.

“Ayaw ko naman na maging ignorante yung bata, na hindi niya alam kung ano ang dapat paghandaan.

“So, there are things that we have to go through on his own.

“Siyempre, bilang magulang, nakaalalay lang tayo at nagdadasal na sana hindi siya mapariwara.”



SIMPLE BIRTHDAY CELEBRATION. Samantala, bagamat nakasama ni Piolo ang anak nung nakaraang Pasko, hindi naman niya ito nakapiling sa nakaraan niyang kaarawan noong January 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas pinili rin ni Piolo na ipagdiwang ang kanyang ika-36 na kaarawan sa pamamagitan ng simpleng salu-salo kasama ang pamilya niya dito sa Pilipinas.

Paliwanag ni Piolo, “Hindi ako ma-party na tao, hindi ako sanay na mag-host ng mga party.

“So, I personally texted my family since nandito ang family ko sa Manila.

“It’s an intimate gathering lang.

“Ayaw ko... kasi usually gumagawa sila ng surprise party for me.

“So, sabi ko, since ayaw ko ng surprises, ayaw ko ng party.

"I took the liberty of organizing a party with everyone, the family and the kids, kami lang.”

Natatawang dagdag pa ni Piolo, “After church, kain lang then, tulog na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN