Solenn Heussaff on budding acting career: “Basta ako, go with the flow and I’d like to try new things that I’ve never done before.”

What is being “sexy” for Solenn Heussaff: “Kasi sa ibang tao, sexy is naked. But for me, hindi naked ang sexy. Kahit naka-T-shirt or jeans, puwede kang maging sexy… Ako, it’s all about attitude ng isang tao. I don’t believe in showing your boobs.”


Nilinaw agad ni Solenn Heussaff, isa sa bida ng pelikulang Seduction, na malayo ang pelikulang ito sa mga nauusong tema tungkol sa “illicit affair” o kabit o “mistress.”

Naikuwento ito ni Solenn nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Seduction, sa Greenwich, Robinsons Galleria, noong Lunes, January 21.

Wala rin daw “third party” na direktang matatawag sa kanilang dalawa ni Sarah Lahbati para sa leading man ng pelikula na si Richard Gutierrez.

Ayon kay Solenn, “It’s not a kabit movie. Kasi, di ba, may couple, then may wife?

“Dito, si Chard, which is si Ram, he’s tired from his job, kailangan niyang tumulong sa tatay niya.

“One day, he just met two girls at the same time.

“Bumbero siya, so ang dami niyang girls sa Binondo, bayad-bayad lang.”



EQUAL EXPOSURE. Nabanggit ni Solenn, pagkatapos niyang mapanood ang pelikula, na pantay lang ang exposure nila ni Sarah dito.

Aniya, “Ang una kong ginawa pagkagaling ko sa bakasyon ko, 7 a.m., nanonood na ako ng movie with Mother Lily [Monteverde].

Ano ang naging reaksiyon niya nang mapanood na niya ang pelikula?

“Super proud ako sa aming tatlo!

“Actually, yung iba magaling… si Jay Manalo, super idol ko siya.

“Si Jon [Orlando], first movie niya ito, then yung role niya rito, French.

“So may mga eksena na kailangan kaming mag-usap in French.

“Doon, medyo nahirapan siya, pero Canadian siya, so parang Tagalog ko.”



SEXY SOLENN. Marami na ang naseseksihan kay Solenn noon pa man.

Kaya naman sa Seduction, marami na ang umaasa na mas si Solenn ang magpapakita ng kaseksihan sa pelikula.

Pero ano nga ba ang sexy para sa Filipino-French actress?

“Kasi sa ibang tao, sexy is naked. But for me, hindi naked ang sexy.

“Kahit naka-T-shirt or jeans, puwede kang maging sexy. So, yun.

"Ako, it’s all about attitude ng isang tao. I don’t believe in showing your boobs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If I’m in another country, maybe.

“But Filipinos are very judgmental when it comes to that.

“At saka, MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board], di ba? Bibigyan ng X [rating] o baka porno na ‘yan.

“Sa movie na ito, very sexy naman kasi, very confident.”

Sabi naman namin sa kanya, pamagat pa lang ng pelikula nila, sexy na ang dating.

“Oo nga—Seduction. Pero baka akala ng MTRCB, may hubad-hubaran, pero hindi talaga.

“Sexy yung mga scenes, kahit yung mga eksena ni Direk Peque [Gallaga], very dark yung lighting ng movie…

“Para sa iba’t ibang scene, may ibig sabihin ang bawat detalye."

Dugtong pa niya, “Sa scene, siyempre naman, may showing of skin kami rito nina Richard, Sarah, kahit 19 years old pa lang siya.

“Pero yung mga scenes niya, actually, mas naked pa siya kesa sa akin—mas seksi siya,” sabi pa niya.



ALTERNATE. Pagdating ni Solenn mula sa Argentina, si Sarah naman ang umuwi muna sa Switzerland dahil sa hidwaaan nito sa GMA-7.

“Siyempre naman, malungkot ako,” reaksiyon ni Solenn.

“Kasi, maganda itong pelikulang ito and Sarah did a very good job and ito ang first movie niya.

“Sayang that she can’t get to experience the promotion, private screening.

“But I guess, everyone will notice na sobrang galing niya.”

Hindi naman daw sila masyadong close ni Sarah, at sa pelikula nga raw ay nagkasama lang sila ng dalawang shooting days.

“Pero she helped me with my crying scene,” sabi ni Solenn.

Nang kumustahin naman namin kay Solenn ang naging bakasyon niya sa Argentina, kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend, mabilis nitong sinabi na, “Bawal pag-usapan ang Argentina, Seduction lang.”

Sabi naman namin sa kanya, hindi kaya isipin ng makababasa na may “something” o hindi siya nag-enjoy kaya ayaw niyang pag-usapan?

“No! Siyempre, Seduction presscon naman ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero super enjoy… grabe! At saka, private life ko naman yun.

“But enjoy, heto, tan na tan na ako.”

PROMPT. Sa ngayon, tapos na raw ang adjustment period ni Solenn sa pagiging artista at sanay na raw siya—maliban sa pagiging on-time.

May pagkakataon na ba na naghintay siya nang matagal sa iba niyang kasamahan?

“Yes,” bunyag niya.

Gaano katagal yun?

“Seven hours, but I won’t mention.

"Ayokong maggawa ng isyu o mag-drama... hindi naman kailangan.”



TIMETABLE. Ano ang masasabi ni Solenn na tila naging “welcoming” ang showbiz sa kanya simula nang siya’y mag-artista?

“Hindi ko alam,” tugon niya.

“Ako, I just go with the flow and everything is a blessing for me and I try to give my all kapag may something.”

Parang ang gaan lang ng lahat sa kanya. Kasabay rin nito ang dami niyang naging endorsements.

“Very smooth naman at sa lahat ng projects ko, ito ang pinaka-favorite ko,” pagtukoy ni Solenn sa Seduction].

Bago pinasok ni Solenn ang showbiz, naging fashion designer muna siya at make-up artist din.

Pero tahasang sinabi ni Solenn na kahit na maganda ang takbo ng career niya ngayon sa showbiz, hindi niya masasabing pag-aartista na ang gagawin niya habang buhay.

Aniya, “When I finish this phase of my life…”

May timetable siya sa showbiz career niya?

“Yeah, meron. Hindi ako yung, ‘Not for me…’”

Mga ilang taon niya nakikitang mag-aartista siya?

“Baka three, five,” sabi niya.

Pero ang ganda ng mga nangyayari sa showbiz career niya, di ba?

“Yeah, lahat ang ganda. Pero siyempre naman, maganda ang career na ito. I like it and I’m enjoying now.

“Feeling ko, hindi ko… Well, may mga taong that’s all they want to do since they were born or yung mga parents nila nasa showbiz.

“Pero ako, never ako nag-isip na pumasok…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I never tried acting. I never tried doing plays in school, never akong nag-dream mag-artista.

“It just happened and I’m enjoying it… and I feel, mga five years.”

Dugtong pa niya, “Basta ako, go with the flow and I’d like to try new things that I’ve never done before.

“Ngayon, 28 ako this year, and I cannot just go with the flow all the time.

“Dapat, I have also something solid.

“Siyempre, gusto kong paghandaan—three years, when I’m thirty. So, ganoon.”

Ano ba ang pinaka-goal niya sa buhay?

“Siyempre naman, happy, successful, may family, at may trabaho rin ako.

“I don’t want to just rely on a guy,” sabi ni Solenn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN