Edu Manzano denies being the source of false report about Luis Manzano-Jennylyn Mercado wedding

Sa tingin ba ni Edu Manzano ay si Jennylyn Mercado na ang tamang babae para sa anak niyang si Luis Manzano? Tugon ni Edu, “Only Luis can say that. Ako, kung ano ang gusto ng anak ko. Kumpiyansa ako sa anak ko. Puwede mo nang bitawan, e. Kumbaga sa manok, bitaw.”


Mariing pinabulaanan ni Edu Manzano na siya ang source ng balitang nagpakasal na diumano ang kanyang anak na si Luis Manzano sa girlfriend nitong si Jennylyn Mercado.

Ikinagulat nga raw niya nang malaman niya na siya raw ang itinuturong source ng balita.

“Never, wala akong sinasabing ganun,” paglilinaw ni Edu.

So, hindi totoong ikinasal na ang dalawa?

“No, hindi totoo yun. E, di sana during the time na nag-uusap kami, e, di sinabi niya. Wala naman siyang sinabing ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa taping ng first episode ng Game ‘N Go All Stars na ginanap noong Enero 22 sa Recom Gymnasium sa Caloocan City.

Pero ano ang reaksiyon niya na pinag-uusapan pa rin ang isyu ng kasal?

“E, masanay na siya sa industriya. Ganun talaga dito, e.

"You know, hindi mo pa nagagawa, ginawa mo na. Pag ginawa mo, wala na silang interes.

"I think he knows that already. Matagal-tagal na rin si Luis sa industriya, he understands the business better.”

Paano kung tuluyan na ngang gawin ni Luis na pakasalan si Jennylyn, okay lang ba sa kanya ito?

“You know, ang maganda kasi kay Luis, pinag-iisipan niya kasi lahat ng kanyang ginagawa.

"And I like the fact that he had a good education, naa-assess niya mabuti ang bawat sitwasyon.”

Malaki raw ang tiwala niya sa pagdedesisyon ng anak.

“Yeah, that’s why sinasabi ko nga, whatever he decides, I will always be behind him because I know pinag-isipan niyang mabuti.”

GETTING TO KNOW JENNYLYN. Gaano na niya kakilala si Jennylyn?

“I knew Jen before na lumalabas sila ni Luis,” sabi ni Edu.

Nagkaroon na ba ng pagkakataon na nagkasama sila ni Jennylyn?

“One time noong nagkasakit si Luis, I joined them in the hospital. Sinamahan ko sila.

"Jen is a very mature individual for her age, ha. I mean, she’s been too much in life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, marami rin siyang dalang maturity into the relationship.”

Sa tingin ba niya si Jen na ang right girl para kay Luis?

“Only Luis can say that. Ako, kung ano ang gusto ng anak ko.

"Kumpiyansa ako sa anak ko. Puwede mo nang bitawan, e.

"Kumbaga sa manok, bitaw.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN