Marian Rivera breaks record of most number of autographed FHM copies; downplays competition with Kris Aquino’s new soap

Hindi raw alintana ni Marian Rivera ang pangangalay ng kanyang kamay sa pagpirma ng daan-daang kopya ng FHM sa autograph signing niya noong Linggo. Paliwanag ng Kapuso actress, “Kasi ang 150 [pesos], hindi biro sa isang tao ang bumili ng 150, lalo na kung anong trabaho, di ba? Pagkain na yun, pamalengke na yun. So, naa-appreciate ko yung mga tao na binili yung magazine ko talaga, na ang nakakatuwa dun, iba-ibang gender, hindi lang lalaki. Kaya natuwa talag


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera sa taping ng GMA-7 primetime series na Temptation of Wife kahapon, January 23, sa Greenmeadows Village, Quezon City.

Biniro muna namin si Marian kung kumusta na ang kamay niya, kung hindi ba siya nangalay matapos pumirma ng kulang-kulang isang libong kopya ng FHM noong Linggo, January 20, sa autograph-signing ng naturang men’s magazine sa Robinson’s Galleria.

Sabi ng Kapuso Primetime Queen, “Ay, alam ninyo, minsan siyempre iniisip nila seven hundred, ganito-ganito…

“Ayokong isipin yung nangalay yung kamay ko, o napagod yung panga ko kakangiti.

“Kasi, kung mapapansin ninyo yung mga nagpapirma, kada pirma, ‘Thank you!’

“Kasi, hindi naman biro yung 150 [pesos] sa isang tao, e.”

One hundred fifty pesos ang halaga ng isang kopya ng FHM.

“Kasi ang 150, hindi biro sa isang tao ang bumili ng 150, lalo na kung anong trabaho, di ba? Pagkain na yun, pamalengke na yun.

“So, naa-appreciate ko yung mga tao na binili yung magazine ko talaga, na ang nakakatuwa dun, iba-ibang gender, hindi lang lalaki.

“Kaya natuwa talaga ako.”

Sumira ng record si Marian dahil siya na ngayon ang may pinakamaraming pinirmahang kopya ng magazine sa isang autograph-signing event.

Sa estimate ng FHM, nasa 900 copies ang pinirmahan ni Marian noong araw na iyon na tumagal ng halos tatlong oras.

“Sabi nga nila!” sabay tawa ng aktres.

“Well, hindi naman ako nakikipagkumpitensiya na kailangang mas madami akong napirmahan o maganda ang cover ko.

“Ang importante sa akin, nagawa ko nang ayon sa gusto namin, naging presentable siya at marami ang natuwa.

“At halos lahat yata ng makakasalubong ko, sinasabi nila, ang ganda-ganda ng cover ng magazine.”

Pati mga kapwa niya artista, nagagandahan sa cover.

“Oo, actually pati mga artista na nakakasalubong ko, parang, ‘Uy, Yan, ang ganda ng cover mo!’

“Parang ako naman, ‘Wow, thank you!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To think na men’s magazine ’yan, pero at least ngayon, parang naa-appreciate nila na, ‘Ay, ang ganda mo dun sa cover!’

“Nakakatuwa!

“Parang sabi ko nga, at least, ayan, may mga girls na na hindi mahihiyang mag-FHM kasi puwede naman na maging ganun.

“At sana, yung pagko-cover ko, maging inspiration sa ibang artista na magawa din nila, di ba?”

Sa kasalukuyan, marami raw ang nahihirapan na bumili ng January issue ng FHM ni Marian dahil laging sold-out ito.

Nakakataba ng puso iyon para kay Marian.

“Oo naman, kasi sabi ko nga, kahit anong klaseng magazine ‘yan, kahit anong produkto ‘yan na iniendorso mo, basta pag palaging sinasabi sa iyo, ‘Uy, sold-out ka! Uy, madaming bumibili!’ siyempre iba yung dating nun sa iyo.

“Parang, ‘Wow!’ Ang sarap ng pakiramdam na ganun nila tinatangkilik yung mga kung anumang ginagawa mo.”

Ready ba siya na umulit na maging cover girl ng FHM?

“Ulit? Huwag muna nating pag-usapan yung ulit.

“Basta ang importante, nagawa ko siya.

"Malaking issue ng FHM ito, okay na muna ako dun.

“Kasi nga hirap mag-diet!” tawa niya.

“Alam mo yun? Hindi, kasi siyempre alam ko payat ako, pero sinasabi ko talaga na isa ito sa mga pictorial talaga na pinaghandaan ko talaga.

“Kasi ayoko naman siyempre basta bara-bara lang na mag-shoot ako, mag-pictorial ako.

“To think na ang tagal rin akong hinintay ng FHM, bakit hindi ko ibibigay sa kanila ang the best na puwede kong ibigay.”



DINGDONG’S REACTION. Okay na okay rin daw sa boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes ang pictorial ng aktres sa FHM.

Sabi ng aktres, “Oo naman! Tsaka bago pa lumabas sa magazine ‘yan, in-email ko na sa kanya yung mga pictures ko.”

Walang tinutulan si Dingdong sa mga photos niya?

“Wala, sabi niya lang, ‘I know you’re sexy since day one!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oh, sorry! Masaya!” bulalas niya.

Sa hiwalay na panayam naman ng PEP kay Rafael Rosell—co-star ni Marian sa Temptation of Wife—naikuwento nito na binigyan siya ni Marian ng autographed copy ng FHM.

Nag-post din si Rafael sa Instagram na masuwerte siya.

Pero naging dahilan ito para may mga fans nina Marian at Dingdong na awayin ang aktor. Tila pinagseselosan siya ng mga ito.

Tumawa muna si Marian bago nag-react tungkol dito.

Aniya, “Actually, kasi hindi lang naman siya yung binigyan ko. Marami naman silang binigyan ko.

“Kasi hanap sila nang hanap, sinasabi nila, ‘Bakit wala kami? Bakit hindi namin nakita?’

“So, binigyan ko sila. Binigyan ako ni Popoy ng mga copies na bigay ng FHM, so ibinigay ko sa kanila.”

Ayon kay Rafael, proud lang naman siya kaya siya nag-post ng ganoon, na marahil daw ay na-misinterpret lamang ng iba.

“Alam mo, sabihin na lang nating ganito: Hindi naman lahat ng tao mapi-please, at paulit-ulit sinasabi ng artista ‘yan.

“Ngayon, kung may nagre-react, may natuwa, may hindi natuwa, e, kailangan mong tanggapin yun, kasi public property ka, e.

“Kahit ano nga puwede nilang sabihin sa iyo.

“So as long as wala ka namang ginagawa,e, di chill ka lang—chillax!”



CHANTAL IN TEMPTATION OF WIFE. Tiyempo nga ang pictorial ni Marian sa FHM sa daring role niya ngayon bilang si Chantal sa Temptation of Wife

Sabi ng aktres, “Nagkataon lang siguro na itong taon na ito e nag-swak ayon sa mga pinaplano namin ng manager ko [Popoy Caritativo], tapos nagsakto lang talaga.

“Unexpected din na biglang tumawag ang FHM, tinanong ako, tapos inilatag nila lahat sa akin, pumayag ako.

“Tapos, biglang yung character ni Chantal, naging ganito naman.

"So naging swak lahat, alam mo yun?

“Ang sarap lang ng pasok ng 2013 talaga sa akin.”

Sabi pa ni Marian tungkol sa kanyang role bilang Chantal, “Naging inspiration daw nila ako na mga babaeng naapi at mga babaeng naagawan na puwede pala silang lumaban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, ang pagiging malandi ni Chantal ay soap opera lang. Hindi naman totoong buhay.

“Ibig sabihin, kapag nadala sila, ibig sabihin effective si Chantal.“Okay na ako doon.”

Saang eksena siya nahirapan sa bago niyang role?

“Well, lahat naman kasi mahirap, wala namang madaling character.

“Pero siyempre, pinagtatrabahuhan ko talaga ‘yan at pinag-aaralan ko.

“Hindi naman instant na, ‘Ay, ganito ako, mag-i-English ako. Ay, lalandi ako! Ay, makikipaghalikan ako!’

“Lahat naman ‘yan may proseso, pinag-aaralan, tsaka iniisip ko na character lang na kailangan kong gawin ito.

“Kasi kailangan ko din na… sabihin na lang natin na ine-enjoy ko si Chantal kaya ganyan lumabas.”

Siya ba ay kumbinasyon nina Angeline at Chantal sa tunay na buhay?

“Hindi todo. Hindi e. Siguro nasa gitna nila akong dalawa, pero hindi nila combination,” sagot ni Marian.

KRIS AQUINO’S SOAP. May bagong katapat ngayong programa ang Temptation of Wife sa ABS-CBN, ang Kailangan Ko’y Ikaw, kunsaan isa sa mga bida ay ang malapit ding kaibigan ni Marian na si Kris Aquino.

Ano ang masasabi ni Marian tungkol dito?

“Well, ang artista, talagang ganyan.

“Hindi ko naman puwedeng sabihing, ‘Alisin ninyo po kami, friend ko po yung nasa kabila.’

“Siyempre ako, bilang artista, at ganun din ang ibang artista, ginagawa lang namin kung ano ang trabaho namin.

“Ngayon, kung anong timeslot ang ibinibigay sa amin, wala na kaming kinalaman dun.

“Ang importante sa amin, may script, pag nag-roll ang kamera, iarte namin yung character—hanggang dun lang.”

Hindi pa raw sila nagkakausap ni Kris tungkol sa pagtatapat ng mga shows nila.



VALENTINE’S DAY. May plano na ba sila ni Dingdong para sa Valentine’s Day?

“Dyusko, ‘Day! Araw-araw yung trabaho ko, hinahabol ko yung movie ko with Richard [Gutierrez] at hindi pa namin tapos, so hindi ko alam!” bulalas ni Marian.

Bukod nga sa taping niya for Temptation Of Wife, marami pa raw shooting days ang My Lady Boss nila ni Richard Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya wala pa raw silang napag-uusapan ni Dingdong tungkol sa Valentine date nila.

“Wala pa, ’tsaka sobrang busy din namin.

"Katulad nun, nagpunta ako ng Cebu, siya naman pumunta kinabukasan.

“Nag-taping ako, siya naman nag-taping.”

Sabi pa ni Marian, okay na ngayon si Dingdong na nagkasakit dahil naambunan sa mall show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN