Nadine Samonte visits her birthplace in Germany; admits Derek Ramsay is "sweet"

Ipina-tattoo ni Nadine Samonte ang salitang "Rosenheim" sa kanyang braso pagkatapos bisitahin ang lugar ng kanyang kapanganakan—ang Rosenheim, na matatagpuan sa state ng Bavaria sa Germany.


Katulad ng matagal nang gusto ni Nadine Samonte na makita ang lugar ng kanyang kapanganakan, kababalik lang niya kamakailan mula sa Europe.

Pinuntahan ng aktres ang mismong lugar kunsaan siya ipinanganak.

Ipinanganak si Nadine—Nadine Burgos Eidloth sa totoong buhay—noong March 2, 1988 sa Rosenheim, Bavaria, Germany.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng TV5 game show na Game ‘N Go All Stars sa Recom Gym, Caloocan City, kahapon, January 23.

Dito ay ikinuwento sa amin ni Nadine na bukod sa Rosenheim, nagpunta rin sila ng kanyang kapatid, sa Brussels, Amsterdam, at iba pang lugar sa Europe.

“Masaya, nakapag-unwind. Two weeks ako nakapagbakasyon.

“Ayoko na ngang bumalik, e!” natatawa niyang sabi.

BIRTHPLACE. Isa nga sa naging highlight ng trip ni Nadine ay mapuntahan ang mismong lugar kunsaan siya ipinanganak.

Aniya, “Yes, hinanap ko talaga ang hospital.

"Ano siya, iyon na yun, iyon talaga ang hospital sa Rosenheim.”

Si Nadine lang yata ang naringgan namin na “big deal” ang makita at mapuntahan kung saan siya ipinanganak. Bakit nga ba?

Paliwanag niya, “Kasi, noong ipinanganak na ako doon, hindi na bumalik ang mother ko doon at ang father ko.

“Doon lang talaga ako ipinanganak, doon nag-stay ang mom ko, kasi two months pa lang, malalaglag na ako.

“So, nag-bedrest siya for seven months.

“Tapos, nalaman ko, yung Rosenheim, kaya pina-tattoo ko rin siya…

“Kasi, siyempre, yung ’rose,’ ang ibig sabihin, ’undying love, loyalty, faith, sensuality.’

“Tapos yung ‘heim’... hindi ko alam ang ibig sabihin.

“E, ang ibig sabihin pala, house—so, house of the roses.

"So, eksakto, yun na ang pina-tattoo ko.”

TATTOO. Makikita sa kanang braso ni Nadine ang tattoo na "Rosenheim."

Bakit niya naisipang magpalagay ng tattoo at sa bahagi pa ng katawan niya na makikita agad?

Sabi ng Kapatid star, “Second tattoo ko na ito, e. Meron akong first tattoo sa paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, sa Rosenheim ako dapat magpapa-tattoo.

“Ang problem, dumating kami sa Rosenheim ng Saturday, Sunday, sarado lahat ng stores.

“And then, Monday, aalis na kami papuntang Brussels. So, hindi natuloy.

“Ang nangyari, sa Amsterdam, sa Netherlands… at kahit sabihin mong legal lahat doon, I find it comforting ang lugar.

“Kasi, tahimik, walang pakialaman ang mga tao.

"So, sabi ko, doon ko na lang ipagawa.

“At saka yung House of the Roses, it will always remind me kung saan ako nanggaling.

“Kung ano yung personality ko talaga.”

Para kay Nadine, art daw ang tattoo.

“Dati, ’Ay, may tattoo,’ ganoon ako. Pero I find it art, e—art para sa akin.”

Sino ang nag-impluwensiya sa kanyang magpalagay ng tattoo?

“Yung sa paa ko, sabay kami ni ex [her non-showbiz ex-boyfriend]. Nadine yung tattoo ko.

“Nasa Hong Kong kami, nagpa-tattoo kami. Last name niya, ako naman, first name ko.

“At least, ‘Nadine.’ At ewan ko ba, nasabi ko na kapag nagpunta ako ng Germany at nakita ko ang birthplace ko, magpapa-tattoo ako.

“Actually, dapat nga dito sa wrist, kaso ang liit ng wrist ko, magiging two words daw.

“E, ayoko, ang pangit.”



EMOTIONAL. Naluha ba siya nang makita na niya mismo ang hospital na ipinanganak siya?

“Na-teary-eyed ako. Sabi ko nga sa sister ko, now, I feel complete,” sambit ni Nadine.

Silang dalawa lang daw ng kanyang kapatid ang nag-tour at wala rin silang tour guide nang magpunta sa mga lugar na pinasyalan.

“Yung mga airfares, train, naka-book na talaga ako.

“Pero yung mga susundo—taxi, trams—wala talaga.

“So, kung nakikita ninyo sa Instagram ko, nagbubuhat ako ng mga maleta.

“Pero ngayon, yung feeling na, at least, nakita ko na, iba ang feeling.”



SCARY EXPERIENCE. Meron din naman daw silang karanasan na magkapatid na medyo kinabahan sila dahil silang dalawa lang.

Lahad ni Nadine, “Noong nagpunta kami sa Brussels, nagpunta kami sa Atomium, nag-taxi kami papunta doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya masyadong tourist spot. Medyo malayo siya at siguro walang tao masyado noong nagpunta kami.

“Mabuti na lang, nag-offer yung taxi na sunduin kami after an hour. So, bumalik yung taxi after an hour.

“Pero prior to that, pagdating namin sa Atomium, may dalawang lalaki na nagmamasid, pero malayo.

“Pero napansin namin ng sister ko, kasi madali akong makapansin sa mga ganoon. Bata pa lang ako, ilang beses na akong nasundan.

“So, ganoon, napansin na namin na parang patingin-tingin. Yung isa, nagtatago sa puno.

“Pumasok na kami sa Atomium. Paglabas namin, magdidilim na, nandoon pa rin.

“Ang ginawa namin, nag-picture na lang kami ng sister ko.

“Then, lumapit yung isang guy, sabi niya, pipiktyuran niya kami. Ginugulo niya kami.

"Sabi namin, ‘No…’ Yun pala, behind our back, nandoon na yung isang guy.

“Mabuti na lang, pagtingin ng sister ko, biglang tumakbo ang lalaki.

"E, nasa bench yung bag namin. At mabuti na lang, nandoon yung taxi, tumakbo na kami.”



GERMAN ROOTS. Isang German national ang tatay ni Nadine, pero wala raw itong ideya na nandoon lang silang magkapatid.

Bakit hindi nila ipinaalam sa ama ang pagbabakasyon nila?

“E, baka hindi ako makabalik!” ang natatawang sabi ni Nadine.

Pakiramdam niya, kapag nalaman ng ama na nandoon siya, pipigilan na siya nito na bumalik ng Pilipinas?

“Oo, yun ang gusto niya, matagal na—na umuwi ako do’n at huwag ako dito.”

Hanggang ngayon, may tampo pa rin daw ang daddy ni Nadine na pumasok siya sa showbiz.

“May mga bagay kasi sa isang magulang na kapag hindi mo naibigay ang pangangailangan ng isang anak, at mismong anak ang nagbibigay, nandoon yung ego, lalo na kapag lalaki.

“Magkaaway ang family namin, e. Pero noong Christmas, nagka-text-an, ganoon lang.

“Pero hindi na namin pinag-uusapan yung mga ganoong bagay.”

Hindi ba niya nami-miss ang daddy niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan, may mga times na mami-miss mo ang isang tatay, lalo na kapag may nakikita kang mag-ama, nakaka-miss—hindi broken family.

“Pero kapag minsan, maiisip mo ang moment na magkakasama nga kayo, pero nagkakasakitan, mas maganda na ‘wag na lang.”

Noong nakaraang tatlong taon daw ay nagkita naman sila ng daddy niya nang umuwi ito sa Pilipinas.



DEREK RAMSAY. Isang magandang katangian ni Nadine noon pa ay ang pagiging honest niya kapag may isyu sa kanya o may nangyayari sa buhay niya o kapag may karelasyon siya.

Kaya tinanong namin kung totoong may namamagitan sa kanila ng leading man niya sa Kidlat na si Derek Ramsay dahil nakikita raw itong sumusundo sa kanya.

Tugon ni Nadine, “Hindi. Close kami because of the Kidlat, yung series.

“At close kami because of the friendship, kinikilala namin ang isa’t isa.

“Hindi ba, sabi ko nga, ayokong pumasok sa isang relationship na just for playing games lang.

“Ang gusto ko, yung serious na parang ‘eto na ang magiging asawa ko… na nakikita kong ganyan.”

Nakikita niya ba kay Derek yung mga katangiang yun?

“Hindi pa sa ngayon. Kasi nga, ako yung tipo ng tao na gusto ko nga, yung mapapangasawa ko na.

“Kaya I’m finding something in a person na ito na yun.

"Pero sa kanya, wala pang ganoon.”



COURTING. Natatawa naman si Nadine sa diretsong tanong namin kung nanliligaw na ba si Derek sa kanya.

Aniya, “Hindi ko alam, hindi ko alam... sweet siya—sweet siya kung sweet.

“At saka, in a way, na kunwari alam niyang may badminton, ang gagawin niya, magba-badminton ang buong production.

“Ang gagawin niya, susunduin na lang niya ako sa condo para hindi na ako magdala ng car.”

May effort, kung ganoon?

“Nag-e-effort siya.”

So, nanliligaw nga?

“Tanungin ninyo kaya sa kanya!” natatawang sabi ni Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero siya, ganoon ba ang nararamdaman niya sa ipinapakita ni Derek sa kanya?

“Kasi ako, I find it gentleman lang naman siguro. Hindi ko alam,” sabi niya.

“At saka, ayoko ng ako ang mag-o-open-up, magiging assuming ako noon… ayoko.

“At saka, medyo ano nga ako ngayon, ayoko na ng nagtatanong.

“Gusto ko, ipakita mo kung ano ang gusto mong ipakita.

“Kung seryoso ka, ipakita mo. Hindi na ako yung magtatanong pa.”



IMAGE. Husband-material ba si Derek sa kanya?

“Husband-material?” napaisip niyang sambit.

“Sabi ko nga, meron pa akong hinahanap. Siguro kapag nakita ko yun, masasabi ko.”

Masaya ba siya sa ipinapakita ni Derek sa kanya ngayon?

“Happy ako,” pag-amin niya.

“Masasabi kong happy ako. Gentleman naman siya, mabait naman siya sa akin.

“Ang kulit! Minsan sa set, wala kaming ginawa kung hindi magkulitan.”

Hindi naman nawawala sa imahe ni Derek ang salitang “babaero” o “playboy” image raw nito, hindi ba siya nag-aalala sa mga ganoong isyu kay Derek.

“Kaya nga I want to know him more,” sabi niya.

“Ayokong pumasok sa isang sitwasyon na marami akong kuwestiyon… na parang for fun lang.

“Ayoko ng ganoon, gusto ko nga yung husband-material na, yung serious na.

“Siguro kung husband-material siya, puwede ko nang sabihin na kilalang-kilala ko na siya.

“Kunwari, maging kami man, puwedeng hindi ako matibag sa mga intrigang darating kasi kilala ko na siya—yung ganoon.”

Ayon pa kay Nadine sa sinasabing imahe ni Derek pagdating sa babae,

“Kaya nga nakakatakot. Ayoko nang masaktan. Dahan-dahan ako ngayon.”

Pagod na ba ang puso niya?

“Pagod na pagod na, kaya ayoko na,” nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN