Richard Gutierrez’s birthday wish: “Sana nando’n si Sarah…”

Richard Gutierrez (in photo) and his twin brother Raymond Gutierrez celebrated their birthday with a simple party with friends. Aside from Richard’s wish to be with his girlfriend Sarah Lahbati, the Kapuso actor hopes to do more films in the years to come.


Simple lamang daw ang naging selebrasyon ng kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez ng kanilang kaarawan noong Enero 21.

Nabanggit ni Richard sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press kahapon, Enero 23, na isang maliit na salu-salo lamang ang naganap noong araw na iyon.

Kuwento niya, “Simpleng celebration na biglaan pa.

"Kasi nga, kami ni Raymond, sobrang busy namin. Wala kaming time na makapag-organize ng celebration.

“Parang biglaan na nag-text lang kami ng mga tao.

"So intimate gathering lang, pero masaya, kasi halos kumpleto yung mga kaibigan namin doon, so masaya.”

Maayos naman ang takbo ng career ni Richard ngayon, lalo na’t dalawang pelikula kaagad ang pinagkakaabalahan niya sa simula ng taon: ang Seduction nila nina Solenn Heussaff at Sarah Lahbati, at My Lady Boss kung saan makakasama niya muli si Marian Rivera.

BIRTHDAY WISH. Kaya naman tinanong ng PEP kung ano ang mahihiling niya sa kanyang kaarawan, career-wise.

“I wanna do more movies na quality movies, like Seduction,” mabilis na sagot ng Kapuso actor.

“Working with a director na talagang efficient, magaling, so I wanna do more movies like that.

“If I could do two to three movies every year, okay ‘yon.”

Ang Seduction ay idinirek ni Peque Gallaga.

Pero kung personal na kahilingan ang tatanungin: “Sana nando’n si Sarah…”

Ang tinutukoy ni Richard ay ang kanyang nobyang si Sarah Lahbati na nasa Switzerland ngayon.



GIFT FROM SARAH. Hindi man kasama ni Richard si Sarah noong kaarawan niya, binigyan na raw siya nito ng regalo bago bumalik sa Switzerland ang young actress.

Hindi nawawala ang ngiti ni Richard habang ikinukuwento ang inihanda ng kanyang nobya bilang advance birthday gift sa kanya.

“Before she left, she prepared lang ang gathering with my family and her family, and she cooked.

“Simpleng ano lang, kasi nga yung mga times na ‘yon, parang we didn’t want to have a big celebration, so simple lang din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binati rin naman daw siya ni Sarah isang araw matapos ang mismong araw ng kanyang kaarawan.



LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Hindi pa napag-uusapan nina Richard at Sarah kung kailan babalik ang aktres sa bansa.

Abala raw kasi ito sa paghahanap ng eskuwelahan kung saan siya puwede mag-aral ng short educational programs.

Pero naniniwala si Richard na hindi mahihirapan ang kanyang nobya na balikan ang naiwang career nito.

“Sinabi ko naman sa kanya na, she’s passionate with her craft, pag bumalik siya, basta ‘wag lang mawawala yung fire sa craft niya.

“I think she will be able to come back strongly naman, kasi she’s good, e—she’s a good actress, a good singer.”

Aminado si Richard na nahihirapan at nalulungkot siya sa pagkakalayo nila ni Sarah, kaya naman ibinabaling na lamang daw niya ang kanyang atensiyon sa trabaho.

“I’m keeping myself very busy,” tugon ni Richard nang tanungin kung paano siya nakaka-adjust sa long-distance relationship nila ni Sarah.

“Uhm, I think that’s one technique to cope with it.

“Kaya ngayon, kapag may schedule, ‘Sige, punuin n’yo yung araw ko ng schedule.’ Nagpapaka-busy, oo.

“At saka nagko-concentrate ako sa movie ko.

"I have a movie coming up with Marian, nagko-concentrate din ako doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN