Part 1. Willie Revillame to air new noontime show; says having male co-hosts will bring ratings down

Nagsaad ng kanyang saloobin si Willie Revillame tungkol sa pag-reformat ng kanyang show sa TV5. Sabi niya, “You have to think of the station. Siyempre, kailangang tulungan ang istasyon… this is business, e… Mahalin natin ang mga tao ng istasyon dahil sila ang nagpapatakbo ng istasyon—hindi yung building.”


Sa pag-ere at paglipat sa noontime slot ng bagong show ni Willie Revillame sa TV5 na Wowowillie, makakabangga niya ang consistent toraters ng ibang networks.

Nasa pangtanghaling slot din ang institusyon nang Eat Bulaga! ng GMA-7 at ang dumaraming viewership ng It’s Showtime! sa ABS-CBN.

Ang pakikipagsabayan ni Willie ng show niyang Wowowillie sa Eat Bulaga! at Showtime ay sinasabing tiyak na pagbangga sa pader.

Tanong agad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Willie ay kung hindi ba siya nagdalawang-isip nang alukin sa kanya ng Kapatid network ang noontime slot.

Sabi niya, “Ang naisip ko kaagad si Vic [Sotto], si Joey [de Leon], at ang Eat Bulaga… paano sila?

“Kausapin ninyo muna. Kasi kasama ko sila sa [January] 26, e,” pagtukoy niya sa simula ng pagsasabay ng kanilang mga programa sa tanghali.

“Sabi ko, wala namang problema, e. E, sinabi naman nilang sila na ang bahala doon.

Nabanggit ni Willie na kailangang "tulungan ang TV5" kaya siya pumayag na mag-noontime.

Ang tanong namin: Kailangan na ba talaga ng tulong ng istasyon?

Sabi ng TV host, “You have to think of the station.

"Siyempre, kailangang tulungan ang istasyon… this is business, e.

“Saka dito ako galing sa noontime, e.

"Masarap namang bumalik, okay naman.

“I think, everyone—from the artist, staff, up to the people nasa taas ng TV5.

“Alam mo, lagi kong sinasabi na, ’Huwag nating mahalin ang istasyon. Mahalin natin ang mga tao ng istasyon dahil sila ang nagpapatakbo ng istasyon—hindi yung building. Kasi yung building na ‘yan, nandiyan lang ‘yan sa mahabang panahon. Patay na tayong lahat, nandyan pa rin ‘yan.’”



NETWORK RIFT. Nananatiling matatag ang tayo ng career ni Willie sa TV5 bilang TV producer at host, lalo’t absuwelto na siya sa mga kasong isinampa laban sa kanya ng ABS-CBN.

Napatawad na ba niya ang ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Willie, “Wala naman akong sama ng loob sa kanila at saka wala naman silang ginawang masama sa akin.

“It’s just that hindi kayo nagkasundo. Parang mag-asawa kayo, e, na hindi kayo umabot sa… kaya may ganoong annulment.

“Ganoon lang naman, na hindi kayo magkakasundo sa isang bagay.

“Alam mo, in anyone, wala akong bitterness, hatred.

“Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN dahil diyan ako sumikat.”

Nagkita na ba sila ng mga executives ng Kapamilya network sa kahit na saang okasyon?

“Hindi pa, e,” kumpirma ni Willie.

“Kasi nandun ako sa ibang channel… wala pa, wala pang chance.

“I really respect them… pag nakita ko sila, of course.”

Binati ba ni Willie ang mga ito noong Pasko?

“Hindi na, kasi wala na akong alam na… communication sa kanila.

“Saka ayokong may masabi… pangit naman.

“Siyempre, with respect naman with TV5, we won’t do that naman, di ba? Yun lang.”



CO-HOSTS. Itinanggi ni Willie na ang original plan ng pagkakaroon ng noontime show ang TV5 ay pagsasamahan nila ni Aga Muhlach.

“Wala, walang ganoon,” pagpapatunay pa ni Willie.

Ang kinumpirma lang ni Willie ay ang dapat sana’y noontime show nina John Estrada at Randy Santiago sa TV5.

“Well, iyon yung una bago sila mag-ano.

“Ang totoo niyan, sina John at si Randy, nag-usap kami nina Atty. Ray [Espinosa, TV5 president], inilalakad ko sila sa TV5.

“Pero bigla silang nag-Happy Yipee Yehey! [dating noontime show ng ABS-CBN], inaayos ko sila dito.

“Sana mga 11:30-12 noon, which is binigyan naman ako ng parang chance ng TV5 na gusto ko silang i-produce.

“Kasi nga kaibigan mo, barkada mo.”

Ang pagbabalik ba ni Willie sa noontime ay hindi para kina John at Randy, kundi nakalaan talaga sa kanya ang slot na ito?

“I think so,” pagsang-ayon ni Willie.

“Kasi nag-Friday naman sila, e. Nag-try rin sila. Pero kanya-kanyang linya talaga, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okey na ba talaga sila ni John?

“Kasi noong namatay yung father ni John, pinuntahan ko siya.

“You know, iba naman yun, e. Saka tampuhang ano lang yun.

"Saka si Randy, guest ko sa Sabado [sa Wowowillie].

“If you notice wala akong ano…” putol niyang pananalita.

Puero babae ang co-hosts ni Willie sa Wowowillie—sina Mariel Rodriguez, Grace Lee, Ava Jugueta, Camille Villar, Lovely Abella, at Ethel Booba.

Wala ba siya talagang balak na kumuha ng male host?

“Honestly? Kasi dati, kapag nagpapalit ng host sa Wowowee, bumabagsak ang ratings.

“So, ito talaga yung hinahanap. Kasi kung bibigyan mo, unfair din naman sa ano, e.

“Hindi… totoo lang naman yun, e. Sino ba ang ayaw ng kapalit?”

Ayaw ba niya na makakapagpahinga siya minsan?

“Hindi ako puwedeng magpahinga kasi bago lang ito, e.

“Okey naman ako, okey naman lahat.”



PILOT TELECAST. Excited na excited na si Willie sa magaganap na pilot telecast ng show niya bukas, January 26.

“Gusto kong panoorin ninyo yung opening… grabe!

“Three hundred dancers, hindi pa kasama yung mga artista… 94 ang artista.

“Si Ate Guy [Nora Aunor] nandun, si Cesar Montano…

“Si Sharon, nasa States daw, e, kaya hindi nakasama. Wala pa, e. May concert pa raw.”

Mas malaki pa ba ito kaysa naganap na TV5 press and trade launch?

“Ah, oo! Iba ito,” kumpirma niya ulit. “Talagang malaki.

"At ang press, paglalaruin ko sa susunod na Sabado. Magi-enjoy kayo talaga.”



POLITICS. Binalikan din ng PEP kay Willie kung paano naman sila nagkabati ni Aga Muhlach, na nakatampuhan niya rin noon.

“Paano nga ba? Hindi ko na alam, e, nakalimutan ko na.

“Basta, nagkita na lang kami, ayos na yun. Wala namang problema.

“Noong nagkita kami, nag-dinner pa kami sa bahay ko… yun!”

Susuporta ba siya kay Aga sa pagtakbo nito bilang congressman ng Camarines Sur?

“Of course, si Aga, si Goma [Richard Gomez, na tatakbong mayor sa Ormoc City], si Lito Camo [songwriter-composer]...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag weekend, Sunday, doon ako mangangampanya sa kanila. Magagawa mo naman yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN