Rocco Nacino on StarStruck V batchmate Sarah Lahbati: "Malungkot lang na it has come to this, pero sana kayanin niya ‘to."

Nanghihinayang si Rocco Nacino sa nasimulan nang career ni Sarah Lahbati sa showbiz. Sabi ng young actor, “Actually, yes, paangat na siya, e. Paangat na, then may ganitong pangyayari. ‘Tapos sa New Year pa, nung pagsimula pa lang [ng taon]. Parang kung kailan you expect to see more of Sarah, saka pa umuwi ng Switzerland.”


Naging maingat si Rocco Nacino sa pagbibigay ng pahayag tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Sarah Lahbati.

Magka-batch sina Rocco at Sarah sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck V noong 2010. Si Sarah ang itinanghal na Ultimate Female Survivor, samantalang si Rocco naman ang naging Second Prince.

Medyo matagal bago nakapagsalita si Rocco nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang masasabi niya sa sigalot sa pagitan ni Sarah at ng home network nilang GMA-7.

Sabi ng Yesterday’s Bride star, “Siguro ano… ang sensitive nung issue, e. Mainit yung isyu kasi, e…

“Malungkot lang na it has come to this, pero sana kayanin niya ‘to.

“Maging okay din ang lahat—sana talaga. Sana mawala na ‘yang mga tampuhan-tampuhan na ‘yan.”

Nakausap ng PEP si Rocco nang dumalaw ito sa opisina ng Summit Media sa Pioneer, Mandaluyong City, noong Martes, January 22.

Ano ba ang basa niya sa sitwasyong kinasusuungan ni Sarah?

“Yun din ang nakakapagtaka do’n kaya gusto rin namin siyang kausapin—kung okay lang ba siya, kung ano yung nangyari.

“Pero di ko pa matanong yun sa kanya, kasi nga, masyadong mainit yung situation.

“Baka nalulungkot siya sa nangyari kaya hindi ko pa ma-open up sa kanya.”

Hindi ba sila nagkausap bago umalis ng Pilipinas si Sarah?

Sabi ni Rocco, “Hindi, e… hindi nga.

“Pero actually, kaka-DM [direct message] ko lang siya kanina, kinukumusta ko siya."

Kumusta naman daw siya?

“Sabi niya, masaya naman daw siya. Okay lang siya.

“Masaya naman siya ngayon. Tapos kuwentuhan lang kami sa Twitter.”

Nag-aaral na ba ulit si Sarah sa Switzerland?

“Yun ang hindi ko pa natanong… hinihintay ko na lang yung reply niya sa Twitter.”

Hindi ba nanghihinayang si Rocco sa naiwang career ni Sarah dito sa Pilipinas?

“Actually, yes, paangat na siya, e. Paangat na, then may ganitong pangyayari. ‘Tapos sa New Year pa, nung pagsimula pa lang [ng taon].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang kung kailan you expect to see more of Sarah, saka pa umuwi ng Switzerland.”

Huling napanood si Sarah sa epicserye ng GMA-7 na Indio.

Ipalalabas naman sa susunod na linggo ang kanilang pelikula nina Solenn Heussaff at Richard Gutierrez, ang boyfriend ni Sarah.

Pero naniniwala si Rocco na “makakabalik” pa si Sarah.

TALKS ABOUT SARAH. Maraming usap-usapan ngayon tungkol kay Sarah na naging dahilan upang sampahan siya ng magkakahiwalay na demanda ng GMA-7 at ng GMA Films President na si Annette Gozon-Abrogar.

Isa na rito ang pagwu-walkout daw Sarah sa taping ng Indio at hindi nito pagpayag na magsuot ng harness.

Noong nasa StarStruck pa sila, may indication ba na may ganito nang klaseng problema si Sarah?

Tugon ni Rocco, "Yun nga yung nakakapagtaka na sinasabi tungkol sa kanya, kasi nung StarStruck, wala, e. Okay kami.

“Lahat naman ng tao, binabati niya. Mabait naman siya sa lahat ng tao.

“Over the years, hindi naman siya nagbago…”

What about yung working habit niya?

“She is professional. I’ve seen her work, e.

“Kasama ko ‘yan sa Time of My Life, walang inireklamo sa kanya.

“Yun nga lang, na-cut short yung stay niya sa Time of My Life kasi she had to do Kokak.

“Pero ano, mas nagulat ako sa nangyari.”

Tila hindi raw makapaniwala si Rocco sa mga naririnig niyang paratang sa batchmate.

Kagaya niya ay hanggang 2015 pa ang kontrata ni Sarah sa GMA-7.

Sabi ni Rocco, “Ang pagkakaintindi ko, kailangan pa niyang tapusin.”

Pero umaasa si Rocco na maayos din sa huli ang sigalot na ito.

“Sana magkaayus-ayos na ang lahat. Complicated na ang nangyari, patung-patong na. Pero sana, unti-unti rin ma-resolve.”

Tinanong din ng PEP si Rocco kung siya ba ay nagkaroon na rin ng problema sa GMA Artist Center.

“Never, never… So far, mabait naman, naaalagaan naman ako sa Artist Center.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw siya in-offer-an na pumirma sa ICONS, ang talent management company na pinamumunuan ni Bebong Muñoz.

Noon kasi ay co-managed siya ng GMA Artist Center at ng kanyang ama. Pero lilipat daw siya sa ibang manager, ngunit co-managed pa rin ng Artist Center.



BUSY ROCCO. Limang linggo na lang daw ang itatagal ng afternoon soap nila ni Lovi Poe na Yesterday’s Bride. Pero pinapaghanda na raw ang schedule nila sa February dahil baka ma-extend pa sila.

Nakatakda na ring magsimula si Rocco ng shooting para sa pelikulang My Lady Boss, starring Richard Gutierrez and Marian Rivera.

Gaganap daw siya rito bilang competition ni Marian sa negosyo. May pagka-“asshole” daw yung role niya rito.

Wala naman daw kontrata si Rocco sa GMA Films, pero kinuha siya para sa proyektong ito.

“Which I happily accepted. Saka ako na mismo ang gumagawa ng paraan sa schedule minsan, kasi gusto kong matuloy.”

Sa February naman ay ipalalabas na ang indie comedy film nila ni Rodjun Cruz, ang I Love You, Pare Ko, kung saan gumaganap na bading si Rocco.

Dahil sa Yesterday’s Bride kaya hindi na nakasama si Rocco sa cast ng epicserye na Indio.

Akala ko makakapasok ulit ako ng Indio, e, pero hindi yata ako umabot… sayang,” sabi niya.

Si Dominic Roco ang pumalit sa role dapat sana ni Rocco, kaya biro ng PEP sa kanya: “At least, ‘Rocco’ pa rin ang pumalit.”

Bagamat nakapagsimula na siya ng shooting para sa epic movie na Lam-ang noong isang taon, on-hold muna raw ito dahil sa ilang problema.

Sabi ni Rocco, “Ang nakarating sa aking balita, naghahanap ng bagong producer. So sana matuloy.”

Pero may kapalit naman na raw ito—ang indie film na Ibong Adarna.

Gaganap daw siya rito bilang si Don Juan, ang bunso sa tatlong anak na prinsipe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang magdidirek nito ay si Jun “Mr. Shooli” Urbano, na nakasama ni Rocco sa Lam-ang.

Balak daw itong isali sa New Wave (indie) section ng 2013 Metro Manila Film Festival.

May gagawin din daw siyang mini-series para sa GMA News TV tungkol sa eleksyon.

SHEENA HALILI. Tikom naman ang bibig ni Rocco nang tanungin tungkol sa rumored ex-girlfriend niyang si Sheena Halili.

Pero pag-amin niya, “Binati ko siya nung birthday niya.

“Kahit papa’no, nami-miss ko rin siya. Pero trabaho muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN