Julio Diaz breaks hip bone while shooting indie film; thankful for support of Dingdong Dantes, Coco Martin, and other celebs

Julio Diaz accidentally slips on the set of an independent film he is currently working on, which badly hit his hip bone. He will undergo an operation on Monday, and is thankful for the monetary and moral support of his colleagues in showbiz.


Naaksidente ang beteranong aktor na si Julio Diaz.

Ayon sa aktor, nadulas siya sa set ng kanyang ginagawang independent film sa ilalim ng direksiyon ni Roland Sanchez.

Masama ang pagkakadulas niya, na dahilan upang mapuruhan ang kanyang hip bone o balakang, at ma-confine siya sa National Orthopedic Hospital, sa Quezon City.

“By Monday, ooperahan ako,” pagbabahagi niya nang makapanayam siya ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News kanina, Enero 24.

“And ang operasyon will take somehow more money than I expected sa mga panahong ito.”



THE PLEDGES. Sinabi ng kapatid ni Julio na si Ana Marie Datuin, na aabot sa 80,000 pesos ang gagastusin para sa operasyon ng aktor.

Pero laking pasasalamat nila dahil hindi pinabayaan si Julio ng kanyang mga kasamahan sa industriya.

Sinabi ni Marie na ilang taga-showbiz na ang nagpaabot ng tulong at suporta nang malaman ang kundisyon ng kanyang kapatid.

Kasalukuyan nang nasa 50,000 pesos ang natanggap nilang tulong, na siyang lubos na ikinagalak at ipinagpapasalamat ni Julio.

Wika ng aktor, “Gusto kong magpasalamat sa mga tao, sa mga kamag-anakan ko, and then of course yung monetary support.”

Ilan daw sa mga nagpaabot ng tulong sa kanya’y sina Dingdong Dantes, Coco Martin, at Direk Roland.

Co-star ni Julio si Dingdong sa primetime series ngayon ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali, samantalang si Coco naman ay nakasama ng beteranong aktor sa pelikulang Serbis.

“Maraming salamat at sa gitna ng aking hindi maayos na kalagayan, makakaraos din ako,” emosyonal na sabi ni Julio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN