Ejay Falcon on recurring gay-benefactor issue: “Kung may alam silang gay benefactor, e, di iharap nila sa akin.”

Ejay Falcon on his “new” look: “Siguro yung panglabas lang kasi kailangan, e—artista, e. Kailangan, gusto ko naman humarap sa mga tao na mukhang artista, di ba?”


Nakakatuwang kausap si Ejay Falcon dahil kahit anong itanong sa kanya ay sinasagot naman niya.

Pero pinangunahan na niya ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa palaging tinatanong sa kanya tungkol sa pagkakaroon ng gay benefactor.

“Sa lahat ng mga artistang lalaki, hindi naman nawawala ‘yan, e.

“Kung hindi ka bading, ikaw nambabading, di ba?” pahayag niya sa amin last January 18, sa opening ng Converse Store sa Glorietta Mall, Makati.

Wala naman daw iyon kay Ejay, kaya kahit daw ilang beses siyang tanungin tungkol dito ay hindi siya maiirita.

Bakit naman game siya pag ganoon ang katanungan sa kanya?

“Hindi na ako naiirita!” natatawang sagot ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus winner.

Dagdag niya, “Lahat kasi nakikita ko na dati pa, naririnig ko na mga artista pa noong araw.

“Ganoon na yung mga ibinabato sa kanila, kaya sa akin, wala naman silang mapapatunayan.

“Kung may alam silang gay benefactor, e, di iharap nila sa akin—wala naman, di ba?”



NEW TELESERYE. Sa ngayon ay naghahanda si Ejay para sa drama-action series na malapit na nilang simulan.

Kuwento niya, “May bago akong teleserye sa ABS-CBN.

“Leading lady ko, may dalawang bago na introducing dito sa teleseryeng ito… ayaw pa nilang sabihin kong sino.

“Remake siya ng dating pelikula ng Viva noong ’80s, starring Senator Bong Revilla.”

Ang tinutukoy ni Ejay na Viva-produced movie na i-remake nila ay ang Dugong Buhay noong 1983.

Last year pa ito nakaplano para sa kanya, pero ngayon pa lang daw maisakatuparan.

Todo-training si Ejay ngayon dahil marami raw action scenes siyang gagawin dito.

Pati ang kanyang buhok na kulot at mahaba ay talagang sinadya niya dahil iyon ang requirements para sa kanyang role.

Sabi niya, “Kasi yung bagong teleserye, gusto nila ganito talaga yung buhok ko.”



ARTISTA LOOK. Napansin ng PEP na parang maaliwalas ang hitsura ni Ejay ngayon. Ito ba ay hudyat na may inspirasyon ang kanyang puso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, talagang naging conscious lang siya dahil kadalasan siyang nasa labas at nakikita ng mga tao.

“Siguro yung panglabas lang kasi kailangan, e—artista, e.

“Kailangan, gusto ko naman humarap sa mga tao na mukhang artista, di ba?”

Tungkol sa lovelife, ito ang sagot ng tubong-Mindoro: “Ay wala, wala. E, wala, e.”

Mapili ba siya pagdating sa babae?

Pag-amin niya, “Dapat naman siguro maging mapili, pero wala pa akong mapili, e.”



NEW YEAR IN MINDORO. Masaya namang ikinuwento ni Ejay ang naging New Year vacation niya sa lugar nila sa isla ng Sitio Racado Pola, Oriental Mindoro.

Nag-share daw siya ng kanyang blessings sa mga kapamilya niya at kaibigan.

Saad niya, “Oo, doon ako nag-New Year.

“Masaya siyempre, matagal kung pinaghandaan yung New Year na yun…

“Nag-reunion kami lahat ng pamilya namin, tapos nagpalaro ako ng basketball doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN