Part 1. Mariel Rodriguez on relationship with co-host Willie Revillame: “Kuya talaga. Never niya akong niligawan, nagpakita ng motibo—walang ganoon.”

Aminado si Mariel Rodriguez na may pressure siyang nararamdaman sa pagbabalik niya sa noontime slot. Saad niya, “I became a household name because of the noontime. So, dahil yun sa Wowowee. So, feeling ko, medyo relaxing yung timeslot na yun sa akin. Parang yun yung safety zone sa akin yun. Parang ganoon. Pero meron pa ring konting pressure. Siyempre, kailangan maganda yung show mo. Galing ka sa Wowowee, ang galing-galing noong show na


Hindi lang challenge, kundi posibleng rivalry, ang haharapin ni Mariel Rodriguez sa pagsabak niya sa reformatted TV5 variety-game show na Wowowillie.

Bilang co-hosts ni Wille Revillame, makakasama rin ni Mariel sina Grace Lee, Arci Muñoz, Camille Villar, Lovely Abella, Ava Jugueta, at Ethel Booba.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mariel matapos ang presscon proper sa launching ng Wowowillie noong Miyerkules ng hapon, January 23, sa Wil’s Events Place sa Sgt. Esguerra, Quezon City.

Pero ayon sa misis ni Robin Padilla, hindi niya iniisip ang kumpetisyon sa mga makakasamang female hosts.

“Ako personally, hindi ko na masyadong iniisip yung factor na yung kami—gaano kami karami, kung ano’ng gagawin namin.

“Ang inaano ko, for that segment: ‘Saan ka kaya makakatulong? Ano’ng part yung maibibigay mo?’

“Kasi, lagi ngang sinasabi ni Kuya [Willie], itong show na ito, para ito sa tao.

“Hindi naman kami ang bida, e. Kumbaga, kami, support lang.

“So, paano mo sila isu-support? Yun ang ano.”



ORIGINAL CO-HOST. Pero dapat niyang pagbutihin ang trabaho at mag-shine sa segment niya?

Sagot ni Mariel, “Aba, siyempre, exactly! Correct!

"At magagawa mo lang ‘yan pag nagsu-support ka sa subject mo.

“At ang subject mo ay ang contestant.”

Hindi naman kinontra ni Mariel ang opinyon ng press na mas malaki ang tiwala sa kanya ni Willie kumpara sa bagong female hosts ngayon.

“E, kasi, ako nga yung pinakamatagal niyang nakasama, e, dahil sa Wowowee pa lang."

Ang Wowowee ang defunct noontime show ng ABS-CBN.

Patuloy ni Mariel, “I’m grateful nga, e. Kasi ang bait niya akin.

“Kuya talaga. Never niya akong niligawan, nagpakita ng motibo—walang ganoon.

“Which is good, kaya ang ganda ng working relationship namin.”

Kay Willie mismo nanggaling na wala pang increase ang talent fee ng mga co-host ng Wowowillie dahil ilalabas pa lang sa ere ang kanilang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw naman ni Mariel kung ano ang talagang estado niya sa programa.

“Kasi ang kontrata ko, hindi sa TV5… ang kontrata ko sa Wil Prod [Wil Productions, Inc.].

“Ewan ko naman sa kanila kung iba ang rate ko, hindi ko naman itinatanong sa kanila.

“So, yun nga, ang paglipat ko ay para talaga sa Wil Prod. So, sila talaga yung boss ko.

“Hindi nag-increase yung suweldo ko, kasi kung ano yung napag-usapan noong lumipat ako, yun pa rin.”



BENEFITS. Nabigyan ba siya ng kotse ni Willie? Sabi kasi ni Willie, lahat ng lumipat sa kanya ay binigyan niya ng kotse.

Sabi ni Mariel, “Hindi kami nag-ano ng car. Kasi actually… nag-offer talaga siya ng kotse.

“Isa yun sa mga ano na, ‘Bibigyan kita ng ganito! Bibigyan kita!’ Kasama talaga yun.

“Pero noong nagkaroon ng bagyo, yung Sendong, sabi ko, di ba…

“’Sabi mo, bibigyan mo ako ng kotse? Imbes na bibigyan mo ako ng kotse, ibigay na lang natin.’

“So, hindi ko alam kung ibinigay nila, e. Pero alam kong nagbigay sila, e.

“Etong recent na… for sure, nagbigay rin kasi nagpunta rin siya [Willie] doon, e.

“Yun ang sinabi ko. Pero nagbigay rin ako [ng donation]…

“Yun nga yung budget ko sana for the car. Yun nga, magbibigay sila ng car.

“Siyempre, yung choice car mo, tapos dadagdagan mo na lang konti… so ginive ko.

“Ayaw rin naman ni Robin na, ‘Bibigyan kita ng car, bibigyan kita ng car!’”

Ibig kayang sabihin, mas gusto ni Robin na siya ang magbigay ng car sa kanya?

“A, hindi rin. Baka mas gusto niyang paghirapan ko talaga!” natawang reaksiyon ni Mariel sa kanyang sinabi.



PRESSURED. Sa bago at reformatted show nila ni Willie, aminado si Mariel na kinakabahan siya sa pagbabalik sa noontime show, lalo’t dalawa pang bigatin ang babanggain nila—ang Eat Bulaga! ng GMA-7 at It’s Showtime ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kasama yun, e. Pero pinapalakas ko lang ang loob ko na it’s in my nature.

“I became a household name because of the noontime. So, dahil yun sa Wowowee.

“So, feeling ko, medyo relaxing yung timeslot na yun sa akin.

“Parang yun yung safety zone sa akin yun. Parang ganoon.

“Pero meron pa ring konting pressure. Siyempre, kailangan maganda yung show mo.

“Galing ka sa Wowowee, ang galing-galing noong show na yun, tapos hindi mo naman magawa. May ganoon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN