Part 1. Director Wenn Deramas defends Maricel Soriano: "Huwag nating sabihin na yung tao ay ganito at ganyan dahil lamang sa isang insidente."

Inamin ni Direk Wenn Deramas na naapektuhan si Maricel Soriano sa pagkakatanggal ng aktres sa teleserye na pagsasamahan sana nila ni Gerald Anderson. Sabi ni Direk Wenn, “Oo, sobra… nakaka-down ng spirt. Kasi ako, base ito sa napag-usapan namin kagabi, she even asked me kung, ‘Bibitawan mo na rin ba ako?’ Sabi ko, ‘Of course not!’ Saka nagkatrabaho na kami ni Maricel. Yung oportunidad na makasama ko si Maricel sa isang TV [sho


Kinumpirma ng direktor na si Wenn Deramas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nag-dinner siya sa bahay ni Maricel Soriano noong Martes, January 22.

Ang purpose ng pagpunta ni Direk Wenn sa bahay ng Diamond Star ay upang pag-usapan ang pelikulang gagawin ng aktres kasama si Vice Ganda.

Ang pelikula ay ididirek ni Wenn at ipuprodyus ng Star Cinema at Viva Films.

Kuwento ng box-office director, sa taping ng Kahit Puso’y Masugatan noong January 23, “Nag-dinner kami kagabi para i-assure lang siya na tuloy yung movie.

“Kasi, di ba, tinanggal siya sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin?

“Hindi ko lang alam the whys and bakit… hindi ko na rin inalam.

“Basta the reason kaya kami nag-dinner sa bahay niya, para pag-usapan ang pelikula namin.”

Matatandaang tinanggal ng ABS-CBN si Maricel sa cast ng upcoming primetime series na Bukas Na Lang Kita Mamahalin pagkatapos ng insidenteng nangyari sa kanila ni Gerald Anderson noong first taping day pa lamang.

(CLICK HERE to read related story.)

Kuwento pa ni Direk Wenn, “Excited si Vice… natakot siya [Maricel] dahil baka pati yun maapektuhan ng mga maling balita.

“Pero kami nila Vice…”

DEFENDING MARIA. Ipinagtanggol din ni Direk Wenn ang Diamond Star.

“Ako kasi, si Maricel, kaibigan ko siya matagal na.

“Alam ko ang working habit, alam ko kung paano siya magmahal sa kanyang craft, sa kanyang trabaho.

“Perhaps, hindi lang nagtugma kay Gerald.

“Dahil si Gerald siguro may pamamaraan din kung paano ginagawa ang eksena, hindi nagma-match kay Maricel.

“Sa akin, isolated case ‘yan.

“Huwag nating sabihin na yung tao ay ganito at ganyan dahil lamang sa isang insidente.

“Isipin pa rin natin ang mga ginawa ni Maricel Soriano sa ABS-CBN, sa industriya—kung paano niya tayo pinasaya, kung paano siya napakahusay sa lahat ng kanyang mga ginagawa."

Wala raw maipipintas ang direktor kay Maricel pagdating sa propesyunalismo at pagmamahal na pinapakita nito sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Maricel, hindi mo mapupulaan sa kanyang trabaho—na si Maricel hindi magaling sa pelikula o teleserye… wala, e.

“Tinatrabaho niya yun at hindi puwede sa kanya na ‘ako lang ang magaling.’ Dapat tayo.

“Pinaniniwalaan ko si Maricel Soriano.

“Gaya ng sinabi ko, isolated case yung nangyari na hindi mo puwedeng husgahan ang tao dahil lang dun sa nangyari.

“Saka ilan lang silang nandun nung nangyari yun.

“Unfortunately, si Maricel Soriano ang tipo ng artista na hindi magsasalita para ipagtanggol ang sarili niya.”

Tikom ang bibig ng Diamond Star tungkol sa isyu.

Tinanong ng PEP si Direk Wenn kung sa palagay ba niya ay naapektuhan ang aktres sa nangyari.

“Oo, sobra… nakaka-down ng spirit,” tugon niya.

“Kasi ako, base ito sa napag-usapan namin kagabi, she even asked me kung, ‘Bibitawan mo na rin ba ako?’

“Sabi ko, ‘Of course not!’

“Saka nagkatrabaho na kami ni Maricel.

“Yung oportunidad na makasama ko si Maricel sa isang TV [show] o pelikula, malaking bagay yun sa kahit na sino sa amin.

“Sayang, kasi mabait ding bata si Gerald. Sayang yung puwede niyang matutuhan kay Maricel.

“Hindi lang nag-swak—may bad hair day, may bad timing.”



MARICEL-VICE MOVIE. Samantala, nagbigay naman ng kaunting patikim si Direk Wenn sa pelikulang pagsasamahan nina Maricel at Vice.

“Napakaganda ng pelikula naming gagawin, Girl Boy Bakla Tomboy— apat si Vice dun at anak niya [Maricel].

“Sobra siyang excited dun.

“Kailangan katorse anyos pa lang, inanak na niya.

“Sa tunay na buhay, fourteen years old siya kung inanak niya yun.

“It’s with Gabby Concepcion, magga-grind na kami this February.

“After that, mayroon din kami with Uge [Eugene Domingo], Viva Films din—magandang-maganda rin yun,” pagbabalita ng direktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN