Part 2. Wenn Deramas on Sisterakas being "basura": “Ang basura ay mabaho, iniiwasan, hindi nilalapitan, nilalangaw. Nilangaw ba kami? Kami ba ang nilangaw?"

Direk Wenn Deramas on being a filmmaker: “Bilang filmmaker, alam mo dapat ang objective mo pag gumagawa ka ng pelikula or ng teleserye. Ang pangit pag di mo nata-translate sa tao yung objective na yun dahil ang lungkot kung ito ang gusto mo at hindi nangyayari. Box office, tapos di buma-box office—ang pangit. At very clear sa akin yun, very clear sa aking producers."


Binura na ng Sisterakas ang record ng Praybeyt Benjamin bilang “highest-grossing Filipino film of all-time.”

Parehong si Wenn Deramas ang direktor ng dalawang pelikula, na parehong pinagbidahan ni Vice Ganda.

Sa Sisterakas ay kasama ni Vice sina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn kung hindi ba siya nakakaramdam ng pressure sa mga pelikulang gagawin niya pagkatapos kumita nang husto ang mga nauna niyang pelikula.

Sagot niya, “Wala… ako lang naman, ang laging dasal ko lang naman, kumita, para may bonus ako.

“E, kasi, hindi naman ako kuntento sa suweldo ko lang.

“Saka importante sa akin na naririnig ko na tumatawa ang mga tao, kasi yun ang objective.

“Bilang filmmaker, alam mo dapat ang objective mo pag gumagawa ka ng pelikula or ng teleserye.

“Ang pangit pag di mo nata-translate sa tao yung objective na yun dahil ang lungkot kung ito ang gusto mo at hindi nangyayari.

“Box office, tapos di buma-box office—ang pangit.

“At very clear sa akin yun, very clear sa aking producers."

TRASHY FILM. Patuloy ni Direk Wenn, “Sinasabi nga nila, ‘Bakit di ka gumawa ng matinong pelikula?’

“I’d like to believe na matino ang pelikula ko kasi kung hindi matino, di aabot ng 390 million ang [kita ng] pelikula ko.

“Kung hindi matino, baka sila ang di matino?

“Hinahanapan nila ang pelikula ko na ang obejective ay magpatawa."

Sinagot din ni Direk Wenn ang pambabatikos na inabot ng Sisterakas nang magwagi itong Third Best Picture sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Naku, lalo na itong MMFF, kasi nag-third best picture kami, hindi nag-Best Picture ang Thy Womb.

“Sinasabi, ‘Naku, basurang pelikula ‘yan!’

“Teka muna, pumili tayo ng salitang ididikit natin.

“Ang basura ay mabaho, iniiwasan, hindi nilalapitan, nilalangaw.

“Nilangaw ba kami? Kami ba ang nilangaw?

“Hindi kami basura,” mariiing sabi ni Direk Wenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEXT TELESERYE. Ngayong patapos na ang teleserye ni Direk Wenn sa ABS-CBN na Kahit Puso’y Masugatan, isang kakaibang serye naman daw ang nakalinya niyang gawin pagkatapos nito.

Saad niya, “Mayroon po kaming pinaghahandaan na matindi.

“Hindi pa ito napapanood sa telebisyon, kakaiba ito."

Tungkol naman sa magtatapos na niyang teleserye, “Sobrang masaya ako sa naging takbo ng Kahit Puso’y Masugatan.

"Kasi nung magsimula ang Kahit Puso’y Masugatan, dapat 16 weeks lang—naging 20 weeks, naging 26, ngayon 31.

“Para makapag-maintain ka at makapag-sustain ka ng ganung programa nowadays ay mahirap.

“Alas-onse kami ng gabi [timeslot].

“Ang masarap lang pakinggan ay yung sinasabi ng management na mula umpisa hanggang matapos, maganda ang programa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN