Richard Gutierrez chooses Bar Refaeli, Natalie Portman, Marian Rivera, and Angel Locsin as his top "seductresses"

Richard Gutierrez on working with Direk Peque Gallaga in his comeback movie: “Ten years siyang hindi gumawa ng movie and then parang honor nga sa amin na yung first movie niya sa pagbabalik niya, kami pa yung artista.”


Ang movie nina Richard Gutierrez at Marian Rivera na My Lady Boss ang maaaring maging dahilan kung bakit hindi matuloy ang Valentine’s Day date nina Marian at Dingdong Dantes, ayon mismo kay Marian.

Binanggit ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Richard nang makausap namin siya sa Ryu Ramen restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City last Thursday night, January 24, para sa promo ng pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na Seduction.

“Oo nga. E, ganun talaga.

“Ako, ilang Valentines na rin akong ganyan.

“Pero okay naman, kasi very promising yung project namin, maganda rin yung tambalan namin ni Marian,” kuwento ni Richard.

May butt exposure si Richard sa Seduction, na idinirihe ni Peque Gallaga at ipapalabas na sa January 30 sa mga sinehan.

Sa next project ba niya ay mas matindi ang ipapakita niya?

“Well, depende sa project, depende sa script... sa director,” sagot niya.

“Parang dito kasi sa Seduction, parang iba yung naging energy ko dahil parang binigay ko na lahat in terms of acting.

“Pinush ko na talaga yung sarili ko, tapos sa mga love scenes naging daring din ako.

“And then... yun, hiningi sa akin ni direk Peque yung eksenang iyon...

“And na-realize ko na kung binigay kong lahat sa Seduction, at kung gagawin ko din naman in the future, might as well gawin ko na sa project na ito.

“At least magandang project with direk Peque Gallaga and iyon nga... parang sa pelikulang ito, kumbaga binigay ko nang lahat, so…”

Itinodo na niya?

“I think so, I think so. I mean, from the other movies that I’ve done, ito na talaga yung pinaka-pinush ko yung sarili ko,” dagdag niya.

So, hindi na siya magiging mas daring pa sa mga susunod?

“Siguro, puwede, kung magandang-magandang project why not?

“Kung magandang script, magaling na direktor,” ulit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw niya napanood ang Scorpio Nights ni Direk Peque.

“Pero balita ko medyo extreme yung mga eksena dun,” kuwento niya.

WORKING WITH DIREK PEQUE. Dahil ba kay direk Peque kaya siya napapayag sa butt exposure; na kung iba ay hindi siya papayag?

“Pinag-usapan namin ni direk Peque, and kinuwento niya sa akin yung magiging treatment and I felt very comfortable with direk Peque.

“Tsaka all throughout the movie talagang naging smooth yung takbo ng pelikula.

“Hindi ko masasabi kung ibang direktor... kung magagawa ko yung ganun kasi so far talagang hanga talaga ako kay direk Peque,” sinabi pa ni Richard na first time nakatrabaho ang nabanggit na direktor.

“Ten years siyang hindi gumawa ng movie and then parang honor nga sa amin na yung first movie niya sa pagbabalik niya, kami pa yung artista.

“Alam ko na matagal na naming gustong magtrabaho ni direk Peque for a movie... matagal na.

“So, nung tinawagan si Mommy ng Regal Films and direk Peque wants to do a movie, talagang na-excite ako.

“So, nung sinabi na si direk Peque yung gagawa, hindi na ako nag-hesitate.

“Sabi ko, ‘Game! Gawin na kaagad natin!’”

MORE DARING, MORE BARING? Since daring siya dito, nangangahulugan bang sa susunod na Bench show ay mas higit pa ang pagpapaseking gagawin niya?

“Ahh, depende... depende. Pero depende rin sa concept, di ba?” paliwanag niya.

“So far, mas comfortable ako in portraying a character and actually doing the scenes.

“Pero let’s see, if Bench asks for it at the right time siguro.”

Kaya na ba niyang mag-trunks for a pictorial or a fashion show na never pa niyang ginawa?

“Hindi ko pa alam, e.

“Hindi ko masasabi. Siguro may tamang panahon sa mga projects.

“Siguro, yung Seduction talaga I think came at the right time... it came at the right time in my life na prepared ako to portray a character like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi I feel like if it came earlier in my career baka hindi ko ma- justify yung character.

“At least dumating siya handa ako talagang bigay lahat.

“Si direk Peque talaga, nagkaroon kami ng mga workshops and he really pushed us to develop the character.

“Pero siyempre, hindi mo rin maaalis yung minsan dala mo yung character hanggang pagkatapos ng eksena... pag-uwi, parang you stay in the zone, e.

“So may pagka ganun,” eksplika ng binata.

Kuwento pa ni Richard…

“It’s my first serious, serious movie talaga. I feel like ito talaga, mas pinush talaga ako dito.”

CHOOSING HIS SEDUCTRESSES. Kung may mga babaeng artista na gusto niyang i-seduce niya or i-seduce siya, sino ang mga yun?

Hindi na siyempre kasali ang girlfriend niyang si Sarah Lahbati na nasa Seduction rin bilang female lead along with Solenn Heussaff…

“Si Bar Rafaelli,” mabilis niyang sagot.

“Local? Sino ba locally?”

Puwede kaya si Marian, na leading lady niya sa My Lady Boss?

“Si Yanyan!” ang natatawang sagot ni Richard. “Si Yanyan, may eksena kami sa movie [My Lady Boss], so…”

Sine-seduce niya or siya ang sine-seduce ni Marian?

“Pareho... ako may eksena, may eksena siya.

“Isama na natin si Marian.

“Foreign, sino pa ba? Si Natalie Portman.

“Sino pa ba locally?”

Si Angel Locsin kaya na naging ka-loveteam rin niya?

“Puwede si Angel, kasi matagal ko na siyang hindi nakakatrabaho, and I wanna do a movie with her.”

May communication pa ba sila ni Angel?

“Recently, wala masyado,” banggit niya.

BIRTHDAY CELEBRATION. Ipinagdiwang nina Richard and Raymond ang kanilang birthday noong January 21.

“Okay naman. Simple lang, biglaan na celebration on a Monday night so masaya pa rin kami ni Mond, pero si Mond more yung nag-organize,” masaya niyang kuwento.

“Sa Cabana Club sa Resorts World.

“Biglaan lang pero masaya kami dahil maraming pumunta kahit Monday night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos marami ring nag-stay ng late kahit na Monday so enjoy naman, simple lang.”

Present ang pamilya ng Gutierrez twins maliban kay Elvis na nasa Cebu that time.

Binati rin daw siya ni girlfriend na si Sarah Lahbati.

“Oo, tumawag siya before mag-gabi kasi lumipad siya, e... may flight siya, e.

“So, ayun... nag-usap kami after ng celebration ko.

“Ginreet lang niya ako ng happy birthday tapos kinumusta niya yung celebration.”

Bago umalis si Sarah, isang bukod na celebration ang regalo ng dalaga sa binata, a small gathering ng kani-kanilang pamilya over dinner.

Ang mommy niyang si Annabelle Rama, ano ang regalo sa kanya?

“Wala pa, ewan ko kung bibigyan niya ako ng regalo,” ang natatawang sabi ni Richard.

“Kasi, kaka-Pasko lang... kaya feeling ko, pinagsabay... dikit sa Pasko, e.

“Pero okay lang, masaya na ako sa simpleng celebration.

“Hindi rin naman ako nage-expect ng kung anu-anong mga regalo.

“Masaya na ako na andun sila, nakasama ko sila... iyon.”

Kung reregaluhan niya ang sarili niya ng materyal na bagay, ano yun?

Meron pa bang materyal na bagay na gusto niyang makamit, kahit halos nasa kanya na ang lahat?

“Hmmm… ano ba? Hindi ko alam, e. Hindi ako nagko-concentrate masyado sa ganun, e.

“Pero gusto ko sanang magka-motor ulit,” asam niya.

May Ducati siyang motor dati.

“Pero binenta ko din kasi kamuntikan na akong maaksidente.

“Kaya ayaw na nila, everyone around me,” sabay-tawa ni Richard.

GEARING FOR ELECTIONS. Malapit na ang eleksyon, at tatakbong Congresswoman sa Cebu si Tita Annabelle.

Kinakabahan na ba si Richard?

“Kinakabahan ako na excited kasi maganda yung rating ng mommy ko sa Cebu ngayon.

“So, very positive and talagang hardworking siya.

“Every day... umaga, hapon, gabi... pumupunta siya sa mga barangay... ganun.”

Gusto niyang manalo ang mommy niya?

“Siyempre gusto ko siyang manalo.

“Na-realize ko na gusto niya talagang tumulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung North District kasi ng Cebu, dun din siya lumaki, e.

“Yung orphanage dun... dun siya lumaki.

“Tapos, naramdaman ko talaga sa kanya na gusto talaga niyang mag-connect sa mga tao sa Cebu and gusto niya talagang makatulong.

“Nakita niya yung situation sa Cebu and naramdaman ko talaga na she really wants to give back and yun yung nag-convince sa akin na, ’okay, I’m gonna help her win.’”

Noong una kasi ay hindi siya pabor sa pagtakbo ng mommy niya. Ngayon daw ay one hundred percent na payag na siya.

“Oo, ngayon hundred percent tuloy na yung support namin sa kanya.

“Nakita ko yung dedication and hardwork na ginagawa niya.

“And then yung team niya, yung naka-surround sa kanya na mga Rama din, mga ex-politicians, ex-governor so maraming naga-advise sa kanya na kung ano yung mga dapat gawin.

“So, marami siyang magaling na advisers, pati yung Tito ko na si Mayor Mike Rama who has a very good record in Cebu also,” dagdag niya.

Kaya sa panahon ng kampanya ay magpapabalik-balik si Richard sa Cebu sa pagtulong sa campaign ng Mommy niya at sa pagharap sa kanyang showbiz career.

“Salitan kami, kung sino ang walang trabaho at this day, minsan balikan lang.

“Pumunta na ako doon ng balikan lang, so iyon,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN