Julie Anne San Jose on risking her career for a shot at Miss Saigon: “Life-changing talaga siya... Kumbaga, if ever man na sumampa ako doon, tapos pagbalik ko ulit dito, di ba?... Parang ibang Julie Anne na siguro iyon.&

Julie Anne San Jose regrets that her scheduled audition for Miss Saigon here in Manila didn’t push through because she got sick. But if another set of auditions opens up in London in 2014, she would be willing to try her luck once more.


Kauumpisa pa lang ng 2013 pero malaki na ang pasasalamat ng GMA Artist Center talent na si Julie Anne San Jose dahil sa pagkakaroon niya ng bagong product endorsement.

Siya ang newest endorser ng Black Beauty hair products.

“Sobrang nagpapasalamat po ako sa mga sumusuporta sa akin.

“Sobrang blessed ko po talaga kasi binibigyan po ako ni Lord ng mga blessings, projects, opportunities.

“Yun... sunud-sunod siya. And then eto na nga po... bagong endorsement sa buhok naman.

“Maganda po siyang gamitin sa buhok,” sabi ni Julie Anne San Jose.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa contract signing at press launch niya para sa Black Beauty na ginanap sa Citybest Restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City kahapon, Enero 25.

Bukod kay Julie Anne, present din sa contract signing si Daryl Miko Chan, ang marketing manager ng Black Beauty, at si Simon Ferrer, ang AVP for Imaging and Branding Division ng GMA Artist Center.

Sinasabing isang patunay ng pagsikat ng isang artista ang pagdami ng endorsements niya. Ramdam na ba ni Julie Anne ang pagsikat niya?

“Hindi ko po iniisip na ganun, e,” mapagkumbaba niyang sagot.

“Basta kasi, ako naman po kung ano po yung dumating sa akin tanggap lang po ako nang tanggap.

“Tapos, siyempre talagang ipinagpe-pray ko po kay Lord na sana magtuloy-tuloy pa.”

Mas maingat ba siya ngayon sa image niya dahil sa endorsements niya?

“Oo naman po. Siguro iniiwasan ko rin muna yung medyo mga sexy and daring,” saad ng dalaga.

CONCERTS. Masaya ring ibinalita ni Julie Anne na Platinum na ang kanyang debut self-titled album under GMA Records.

Magkakaroon din daw siya ng dalawang concerts ngayong taon.

“Yung isa po dito po sa Manila, yung isa sa L.A. (Los Angeles),” masaya niyang ibinalita.

“Yung sa Manila po tentative po sa April sa Music Museum. And then yung sa L.A. naman sa May.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bale, yun po... siguro yun po yung magiging birthday concert ko. So, parang birthday gift ko na rin po yun sa sarili ko.”

Sa May 17 ang 19th birthday ni Julie Anne.

Paano niya pinaghahandaan ang concerts niya?

“Siyempre, nagpe-prepare ako ng mga songs na kakantahin ko.

“Yun... pinipili ko na, nagsusulat na ako ng mga kanta na gusto ko talaga.

“Tapos, kung paano yung arrangement. Tapos, yung concept siyempre tinutulungan din ako nila Direk Mark (Reyes),” patuloy niyang kuwento.

Naglilista na rin daw siya ng mga pangalan ng mga magiging guests niya sa concert.

Siyempre siguradong kasama doon ang ka-loveteam niyang si Elmo Magalona.

“Oo naman! Oo, definitely nandun siya,” pagsang-ayon niya.

Magiging guest din ba niya ang nali-link sa kanya ngayong si Alden Richards?

Natawa muna si Julie Anne bago sumagot, “Okay lang naman.”

ALDEN RICHARDS. Totoo bang bubuwagin na raw ang loveteam nila ni Elmo at kay Alden na siya ipapareha?

“Ay, sa ngayon po hindi ko pa po masasabi iyan, e,” paglinaw niya.

“Kasi wala pa naman pong final na talaga na sinasabi po sa amin. Pero if ever naman po, syempre tatanggapin ko naman po.”

Ano ang reaksyon ni Julie Anne na nagkakaroon umano ng haters si Alden galing daw sa fans ng JuliElmo?

“Hindi ko rin po alam, e. At saka ako po kasi kaming dalawa po ni Alden talagang professional po talaga kami.

“At saka parang hindi naman namin iniisip yung ganung bagay talaga.

“Siyempre, it’s up to the people na lang kung paano nila gusto isipin yung parang treatment namin sa isa’t isa.

“Parang wala namang malice... we’re okay. And wala naman pong magbabago po dun, e.

“At saka si Elmo naman wala naman siyang say na bawal akong makipagkaibigan kung kani-kanino.

“Kasi lahat naman po kami ay magkakaibigan po talaga,” dagdag niyang paglinaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya ide-describe ang samahan nila ni Alden?

“Okay naman kami. We’re friends.

“Siguro, aminin natin na gasgas na gasgas na yung friends na iyan, na palaging sinasagot sa showbiz. Pero yun po talaga yung totoo,” diin ng dalaga.

Crush ba niya si Alden?

“Wala naman pong taong hindi magkaka-crush sa kanya or magkakagusto sa kanya.

“Kasi yun... first of all, professional nga siya. Tapos magaling siyang actor. Tapos, focused siya sa trabaho niya,” mabilis niyang tugon.

Hindi ba nanliligaw si Alden?

“Hindi po siya nanliligaw.”

Pero para sa kanya ba boyfriend-material si Alden?

“Siguro para sa isang babae, oo naman. At saka makikita mo naman na ideal naman siya.”

NOT YET READY FOR LOVE? Ready na ba siyang ma-in love?

“Hindi pa po ako ready,” pagklaro niya.

“Kasi yun... since marami nga po akong opportunities na dumarating, wala pa po akong time na pumasok sa relationship o ma-in love.”

Pero meron na bang nagpaparamdam na boys sa kanya ngayon?

“Hindi ko po alam, e. Siguro merong nagpaparamdam, umaali-aligid,” natatawa niyang sagot.

“Pero ano po, parang wala… hindi ko muna po pinapansin talaga.”

Hindi ba siya binabawalan ng parents niya na magka-lovelife?

“Ahh… opo, medyo. Kasi hindi pa po kasi talaga sila ready.

“Parang siguro iniisip din nila na yung baby girl nila na panganay magkakaroon na ng someone, di ba? Parang hindi pa sila ready,” eksplika niya.

Ayaw ba niyang matulad kay Sarah Geronimo na balitang pinapakialaman ng parents sa lovelife?

“Hindi naman po kasi ganun sina Mama at Papa sa akin, e,” paliwanag niya.

“Hindi naman po sila yung ganung-ganung-ganun talaga kahigpit. At saka kunwari yung mga request ko naibibigay naman nila sa akin.

“Pero siyempre, hindi rin naman po ako solve na kung ano yung gusto, ibibigay.

“Siyempre, kung ano lang po yung nandiyan at saka yung support nila, siyempre parang gini-give back ko rin sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISS SAIGON AUDITIONS. Samantala, nanghihinayang ba siya na hindi siya natuloy na mag-audition para sa Miss Saigon lalo na’t maraming Kapuso singers ang pumasa rito?

“Ako po, nanghinayang po ako,” kuwento niya.

“Honestly, nanghinayang po ako sa Ms. Saigon auditions kasi nga po, bale nagpa-register po ako ng Sunday afternoon.

“And then nung Sunday po kasi talagang hindi na maganda yung pakiramdam ko hanggang sa tuloy-tuloy na akong nagkasakit, like three days or four days.

“Tapos, naka-register po ako ng Wednesday ng 11:37 (am) po yata. May slip pa nga po ako noon.

“Tapos, ayun... hindi ko na talaga kinaya. Hindi na talaga kinaya ng katawan ko.

“So, unfortunately hindi po talaga ako nakapunta. So, sayang. Siguro naisip ko rin na hindi para sa akin iyon.

“At saka marami naman talagang deserving, e. Especially ngayon, madami nang napili sa Kapuso network.”

Magkakaroon pa naman daw ng London auditions ang Miss Saigon. Gusto niya bang i-try at i-pursue ito?

“Kailan po ba? Sa 2014?” sabik niyang tanong.

“Siguro... let’s see kung saan ako dadalhin ng career path ko.

“At saka kung talagang meron naman talaga, siyempre gusto ko rin naman talagang mag-try.

“Wala namang masamang mag-try. Pero syempre mahirap din na may career ka rito sa Philippines tapos magkakaroon ka pa ng career (sa abroad).

“So, kailangan mong mag-sacrifice ng isa para sa isa.”

Willing ba siyang i-sacrifice ang career niya rito sa Pilipinas?

“Hindi ko pa po masasabi yun, e. Syempre hihingi pa po ako ng guidance kay Lord,” pag-amin niya.

“Kasi, if ever po na itutuloy ko ito talaga, maraming mawawala, siyempre yung studies ko, tapos yung career ko dito sa Philippines, tapos yung sa family ko... mawawalay ako sa kanila.”

Alam naman daw niyang life-changing talaga kung sakaling ituloy niya ang Ms. Saigon.

“Oo naman po, life-changing talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, if ever man na sumampa ako doon, tapos pagbalik ko ulit dito, di ba?... parang ibang Julie Anne na siguro iyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN