Cristine Reyes on ongoing feud with sister Ara: “Ako as much as possible, mas gusto ko na wala nang dala-dalang bagahe, kaya hindi na lang tayo dapat magsalita at sana matapos na din ito.”

Cristine Reyes on her being loveless on Valentine’s Day: “Bakit, pag Valentine’s ba kailangang may date? Di ba puwedeng wala? Madami akong kaibigan, ’tsaka mga pamangkin ko lang masayang-masaya na ako, ’no... yun lang masaya na ako.”


Dalawang linggo na ang nakaraan mula noong lumabas ang interview ng The Buzz kina Cristine Reyes at Rayver Cruz kung saan inamin ng dalawa na hiwalay na sila noong isang taon pa.

Hindi nila nilinaw kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan pero mariing itinanggi ng dalawa ang pagkakaroon ng third party.

Lumabas kasi ang mga kuwentong si Derek Ramsay daw ang dahilan ng kanilang break up dahil marami daw sightings na magkasama nga sina Cristine at ang Kidlat star.

Pero nilinaw na ng tatlong kampo ang tungkol dito.

Last Tuesday, January 15, 2012, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristine sa pictorial nito para sa Calayan Surgicentre sa isang studio sa Makati.



STILL FRIENDS WITH RAYVER. Kinumusta muna namin kung okay na nga ba siya sa ngayon after the break-up.

Tugon ni AA, palayaw ni Cristine, “Okay naman, masaya. Nag start na ako nang work yesterday.”

Ang tinutukoy ni Cristine na "work" ay ang second day taping ng kontrobersiyal na action-serye ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin kung saan kapareha niya si Rayver.

So paano kaya ang turingan nila sa set ng ex-boyfriend?

Kuwento ni Cristine, wala naman daw nabago dahil mimi-maintain daw nila ang kanilang friendship.

Aniya, “Oo, kasi kahit naman na naghiwalay na kami ni Rayver ay nag-uusap pa rin kami, nagti-textan pa rin kami.”

Dagdag pa niya, “Yes, ganun naman talaga dapat, e... kasi may pinagsamahan kayo ng tao, hindi lang kay Ray... sa lahat na.”

Nang tanungin namin kung kailan sila naghiwalay, tumanggi si Cristine na ibigay ang eksaktong petsa ng kanilang hiwalayan.

Sabi nito, “Hindi na namin idedetalye, dahil sa amin na lang yun.”

Pero, mutual decision daw nilang dalawa ang paghiwalay muna ng landas.

Lahad niya, “Hindi gusto na kasi, na parang na-realize ko na parang ambata-bata ko pa, tapos bata pa kami ni Rayver, so parang na-realize ko na parang sayang yung time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sayang yung kabataan namin, di ba? So parang focus muna kami sa work, priorities sa life, para in the future hindi kami magsisi.”

Parehong 23 years old sina Cristine at Rayver.

RAYVER’S FAMILY. Marami ring mga espekulasyon kaugnay sa hiwalayan nilang dalawa.

Isa nga rito ay ang tungkol sa pagtutol diumano ng pamilya ng lalaki sa kanya.

Ano kaya ang masasabi niya dito?

Gulat na patanong na sagot ni Cristine, “Hindi gusto ng family? A talaga? E kasi, palagi naman kaming nagdi-dinner, and... alam mo yun, nagbibigay sila ng food sa akin, ako din nagbibigay ng food sa kanila.”

“Anytime, pumupunta ako dun so paano nila masasabing hindi okay yung family ni Rayver sa akin.

“As much as possible kasi huwag tayong makikinig sa mga write ups and everything kasi wala naman kayo... hindi naman ninyo kami nakikita araw-araw di ba?”

Pangalawa, diumano ay nakahinga na ng maluwag ang mga kapamilya ni Rayver sa balitang wala na silang ugnayan sa isa’t isa.

Pero nagkibit-balikat lang ang dalaga dito sabay sabing, “Talaga? E di okay, nakahinga sila ng maluwag.”

Nauna nang lumabas dito sa PEP ang panayam naman sa kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz na nagsabing parang hindi naman daw apektado ang kapatid sa hiwalayan.

DEREK RAMSAY AND DENNIS TRILLO. Naipaliwanag na rin ni Cristine sa ulat ng PEP dito last Tuesday, January 15, na talagang walang katotohanan yung pagli-link sa kanila ni Derek Ramsay.

Pero dagdag na kuwento dito ni AA, “Nakakatawa talaga yung kay Derek.

“Feeling ko kasi nabibigyan lang nila ng kulay yung sa amin ni Derek dahil nag break na kami ni Rayver, siya with Angelica Panganiban.

“Gumigimik talaga kami pero hindi ko masasabing nagdi-date kami.”

Dati daw parang group dates sila kung lumabas.

Aniya, “Noon, kasama pa ni Derek yung girlfriend niya... ako si Rayver, wala namang ano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangalawang lumabas na isyu ay ang muli nilang pagkakamabutihan daw ng ex-boyfriend na si Dennis Trillo. Pero tahasang itinanggi ito ni Cristine.

Kuwento niya, “Alam mo, siguro naglalabasan lahat yan kasi break na kami ni Rayver.

“Pero ever since naman, nagko-communicate na kami... so hindi na yun bago sa amin na nag-uusap pa kami o nagkikita.”

NO LOVELIFE BUT MORE PROJECTS IN 2013. Sa ngayon daw, magpo-focus na daw muna sa kanyang mga trabaho si Cristine at medyo iiwasan muna daw nito ang pagkakaroon ng lovelife.

Kuwento niya, “Ngayong 2013, ang inaasahan ko ay mas marami pang gagawin na work, marami pang projects, kasi promise ko sa sarili ko ngayon ay work muna.”

So, wala munang lovelife?

Madiing sagot nito, “Yes, wala munang lovelife... wala talaga, promise ko talaga sa sarili ko sana talaga.”

Isa din daw sa wish niya ngayong taon ay ‘less intrigues in 2013.’

Tugon niya, “Siyempre oo, pero hindi naman siguro maalis yun kasi, di ba artista, kasama talaga sa trabaho namin yun... yung intrigahin kami so okay lang din.”

Goal din ba niya na huwag pumatol masyado sa intriga?

Sagot niya, “Oo, wala eh, wala ka rin namang mararating…walang patutunguhan.”

Gaano karami ang naka-lineup na projects para sa kanya this year?

Masayang banggit niya, “Ah, may gagawin akong teleserye, may gagawin akong pelikula, may mga endorsements, photo-shoots, itong Calayan at isa pa.

“Tapos maraming out-of-town shows.”

Ano pa ang mga gusto niyang makamit sa taong ito?

Sagot nito, “Well, kakakuha ko lang ng bagong house, e... so this 2013, sana maraming projects pa talaga.

“Sobrang gutom na gutom talaga ako ngayon sa projects e, kasi parang masulit ko ‘tong pagiging 23, kasi I’m turning 24 na next month, e.”

BIRTHDAY AND VALENTINE’S DAY PLANS. Bago pa man ang Valentine’s Day next month ay mauuna munang i-celebrate ni Cristine ang kanyang kaarawan sa darating na February 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan kaya niya ise-celebrate ang kanyang kaarawan?

Aniya, “Kasama ko buong family ko, ang mga friends ko sa Boracay.”

Ano naman kaya ang wish niya sa kanyang birthday?

Tugon niya, “Kahit ano, ayoko na lang mag wish-wish, issue pa yan, e.

“I-headline niyo pa yan. Birthday wish ni Cristine ganito... Ayoko.”

Pero bawi naman niyang sagot, “Birthday wish ko sana mapanindigan ko ‘tong desisyon ko sa sarili ko na mag-focus muna sa mga dapat pagtuunan ng pansin.”

Paano naman kaya ang Valentine’s Day niya ngayong single na siya?

Balik tanong niya sa amin, “Ngayon Valentine’s... bakit pag Valentine’s ba kailangang may date?

“Di ba puwedeng wala? Madami akong kaibigan, tsaka mga pamangkin ko lang masayang-masaya na ako ’no... yun lang masaya na ako.”

NEVER-ENDING FEUD WITH SISTER ARA. Isa rin sa gustong tuldukan ng issue ni Cristine ay ang tungkol sa away nila ng kapatid na si Ara Mina.

Sinabi ni Cristine sa interview nito na lumabas dito sa PEP last Tuesday na, “Mahirap humingi ng tawad sa isang taong ayaw makipagpatawaran.”

Ikinuwento din nitong never silang naging close ni Ara, pero gusto daw niyang maayos na ang gusot na ito between them.

Aniya, “Well, siyempre pag ako ang tatanungin niyo mas gusto kong magkaayos kami, kasi anuman ang mangyari kahit hindi man kami ganun ka close ni Ate, magkadugo pa rin kami.”

Nilinaw din namin kay AA ang tungkol sa diumano’y away din nila ng isa pa niyang kapatid.

Pero ayaw niya itong pag-usapan dahil, “Kasi as much as possible, gusto ko sana yung problem ng pamilya sa amin na lang, yun lang naman yung gusto kong mangyari... hindi na dapat natin i-publicize, di ba?

Gagawa pa ba siya ng paraan para magkaayos na sila totally?

Nauna na kasing nagpahayag ng sorry si Cristine noon sa Ate Ara niya, pero humantong pa rin sa demandahan ang kanilang hindi pagkakaintindihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa ngayon, parang napapagod na daw siyang gumawa ng mga hakbang upang maging okay sila.

Saad nito, “Matagal na akong nagi-insist na magkabati kami na pumunta ako sa house niya pero kung sa mga nangyayari sa ngayon na every move I make, masama...

“Pag di ako mag-move, masama pa rin ako... so hindi ako makagagalaw.

“Sana hindi siya magi-expect ng anything from me kasi lahat na lang ng ginagawa ko, parang pinapa-diyario...

“Parang... nire-report tapos sasabihin nila na hindi daw sa kanila galing yun, so parang ako anong gagawin ko?”

Dagdag pa niya, “Kasi ako direkta ako sa family ko, hindi ako dumidirekta sa media.”

So, inaantay na lang niya na tadhana na lang ang gumawa ng paraan para magkaayos sila?

Atubili niyang tugon, “Well, hindi ko alam e, yung parang hindi ko rin talaga matantiya... hindi ko matantiya.”

Sa ngayon daw, wala na daw sa puso niya ang hinanakit, wala na daw siyang galit dahil ayaw daw niyang magkakaroon ng dinadala sa kanyang dibdib.

Pahayag niya, “Ako as much as possible, mas gusto ko na wala nang dala-dalang bagahe, kaya hindi na lang tayo dapat magsalita at sana matapos na din ito.”

Bali-balita na din ngayon na malapit na daw magpakasal si Ara sa boyfriend nitong si Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Ano naman ang masasabi niya dito?

Sabi niya, “I’m happy for her, and sana bago siya ikasal magkaayos kami para andun ako sa wedding niya.”

Dagdag pa niya, “Di ba kasi, ang sad, e... like nung wedding last year nung sister ko wala siya kasi hindi kami okay.

“Yung parang ako naman willing naman ako na maging okay kami for the sake of the family.”

“Kahit hindi niya ako gusto maging okay, sana maging civil man lang kami, di ba? Di ba?

“Para namang naawa na ako sa family ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, sabi ko naman sa kanila, okay lang ako... willing talaga ako kahit civil lang, kahit hindi niya ako kayang sikmurain, alam mo yun?... masikmura, makita... basta okay kami, sana man lang.”

Sa huli, umaapela pa rin ng suporta si Cristine mula sa kanyang mga tagahanga.

Mensahe niya, “Sana suportahan niyo ako at mga gagawin kong mga projects to come at ayun... sana maging tuloy-tuloy na ’to na happy and positive 2013.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN