John Lapus on his launching movie: “Mas priority ko na mas maging maganda ang pelikula namin kaysa maging box-office.”

Hindi itinatanggi ni Vice Ganda sa kanyang interviews na malaki ang naitulong sa kanya ni John “Sweet” Lapus (nasa larawan) noong nagsisimula pa lamang siya. Kaya naman, seryosong biro ni Sweet: “Kaya ngayon, paulit-ulit akong nananawagan, ngayon na mas mayaman na siya sa akin, mas nakakaluwag-luwag siya, nandito lang ako Vice… Yung bahay ko, kulang yata ng isang painting. Alam ko yung van niya, luma na, balak na niyang palitan, okay na ibigay ni


Para kay John “Sweet” Lapus, ang alok sa kanya ng ABS-CBN para magbalik-Kapamilya ay isang patunay na kapag may nawala ay tiyak na may magandang kapalit.

Kasama si Sweet sa bagong romantic-comedy series na Kahit Konting Pagtingin na tinatampukan nina Sam Milby, Paulo Avelino, at Angeline Quinto.

Nagsimula sa ABS-CBN bago nangibang-bakod sa GMA-7 at panaka-naka ay napapanood sa TV5, para kay Sweet ay isang patunay lang ang pangyayari na hindi pala siya nakakalimutan ng mga totoong kaibigan na naiwan niya noon sa ABS CBN.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sweet, nagpahayag siya ng pasasalamat sa “very timely” na proyekto na ibinigay sa kanya ng binalikang network.

“Masaya at the same time really very flattering.

“I am so grateful that ABS gave me the opportunity to do what I know best—which is acting.

“Aminado naman ako I was so devastated, at the same time very sad every time na wala akong trabaho.

“Bukod sa kailangan nating lahat magtrabaho, we need to work.

“Alam ninyo namang lahat na mayroon akong pamilya, mayroon akong biniling bahay.

“But at the same time, artist ako, I need to express my passion, which is acting.

“When I got a call from ABS, touched na touched ako kasi tumawag sila on the time na wala na naman akong ginagawa.

“I have Klownz and Talentadong Pinoy… nung tumawag sila, tinatapos ko yung Si Agimat, Enteng Kabisote at Si Ako.

“Pero yung regular, wala na nung time na tumawag. So I was really flattered and touched.

“And, at the end of the day, yung mga kaibigan ko pala nung araw, for almost twenty years, sa may twenty years na ako sa showbiz, yung mga kaibigan ko from the very beginning ang makakaisip na kunin ako o naniniwala pa rin sa talent ko until now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KAPUSO FRIENDS. Kinumusta rin ng PEP kay Sweet kung may komunikasyon pa ba siya sa mga naging kaibigan at katrabaho na iniwan sa GMA.

Saad ni Sweet, “Sa mga kaibigan ko lang, but in all fairness naman, bago naman ako lumipat, nagpaabiso naman kami—sila yung priority ko muna.

“Natapos yung Showbiz Central at yung soap namin ni Richard, yung Makapiling Kang Muli.

“Sinabi naman ng manager ko sa GMA na sila ang priority ko. E, wala daw talaga maibigay.

“Pero naintindihan ko naman yun, di ba? Hindi naman lagi mayroon.

“Sabi nga, itong showbiz, hindi permanente, hindi naman lagi mayroon ka—so perfect timing.

“Super grateful ako na yung dalawang network, tumawag agad-agad sa akin at nagkainteres.

“Yung TV5 nga, mayroon agad-agad, may Talentadong Pinoy.”

EXCLUSIVE CONTRACT. Hindi rin itinago ni John na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pormal na pumipirma ng kontrata sa ABS-CBN. Hindi rin niya alam kung exclusive or per project basis ba ang magiging lagay niya sa Kapamilya network.

“To be honest, ganun kabongga ang offer na ito [Kahit Konting Pagtingin] sa akin ng ABS kasi maganda yung role ko.

“Tinanggap ko kahit wala pa akong pinipirmahanng kontrata.”

Dagdag niya, “Meanwhile, I’m doing Talentadong Pinoy [sa TV5] pa rin as well.

“Pag tinatanong ako, ‘Technically, puwede ka pa rin bang mag-guest sa GMA?’

“Technically, puwede naman kasi wala pa akong contract.

“Niloloko nga ako ng mga kaibigan natin sa press na si Eugene Domingo raw ang ‘Crossover Queen,’ ako raw ang ‘Crossover King…’ okay na yun.

“Wala naman akong exclusive contract with any network for that matter, hindi ako nagsusunog ng tulay, which is very important.

“So kahit saan, puwede.

“Anytime I can go to GMA and visit my friends there and guest for that matter.

“Sa TV5, twice a month lang ang taping namin ng Talentadong Pinoy, pero I’m still welcome and of course part of the family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although nagge-guest naman ako sa ilang shows ng ABS kahit nung may show pa ako sa GMA.”

VICE GANDA. Bago pa man narating ni Vice Ganda ang katayuan niya bilang “Phenomenal Box-Office Star” ay ikinukumpara na siya kay Sweet.

Ngayong balik-Kapamilya muli ang komedyante ay posibleng mabuhay na naman ang pagsasabong sa dalawa.

Sabi ni Sweet tungkol dito, “Hindi naman maiiwasan kasi nung three years ago or four years ago, nung nagsimula nang sumikat si Vice, issue na ‘yan.

“Dahil wala kaming issue bilang mag-ate, kaya siguro hindi siya nagpo-prosper kasi wala talaga, e.

“I still treat him as my little sister, ako pa rin ang ate niya.

“At the same time, magkaiba naman kami.

“Ako, I’m an actor. Si Vice naman, a comedian and a very good comedian at that—so magkaibang-magkaiba.”

Mismong si Vice ang nagkuwento sa ilang interviews na malaki ang utang na loob niya kay Sweet dahil ito ang nagpahiram ng mga outfits na kailangan niya nung nagsisimula pa lang siya.

Ayon nga kay Vice, malalim na rin ang itinakbo ng pagkakaibigan nilang dalawa kung kaya’t hindi siya papaapekto sa anumang issues sa kanila ni Sweet.

Kuwento naman Sweet, “Binigyan ko ng damit ‘yan, nanghihiram ng outfit ‘yan nung panahon na…

“Ganun naman talaga, mentoring ‘yan.

“Bilang ate, responsibilidad mo ‘yan sa mga nakakabata, lalo na sa mga baguhan, lalo na bakla.

“Nung baguhan ako, maraming bakla ang sumuporta sa akin—mga direktor, mga kaibigan kong writers, mga executives.

“I’m just returning the favor sa ibang bakla naman.

“Parang ano lang ‘yan, e, paying forward para maging maganda rin ang balik sa akin.

“Yung classic case ni Vice ngayon, naaalala niya yung mga tulong ko sa kanya.

“Kaya ngayon, paulit-ulit akong nananawagan, ngayon na mas mayaman na siya sa akin, mas nakakaluwag-luwag siya, nandito lang ako Vice…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung bahay ko, kulang yata ng isang painting.

“Alam ko yung van niya, luma na, balak na niyang palitan, okay na ibigay niya ng mas mababa,” seryosong biro ni Sweet.

LAUNCHING MOVIE. Kumpirmadong nakalinya na ang supposed to be ay launching movie ni Sweet kung saan ang magdidirek ay si Wenn Deramas. Ang kundisyon lang na hinihingi ng direktor ay pumayat ang komedyante.

Kaya ngayon ay abala muna si Sweet sa shooting ng launching movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sabi ni Sweet, “Uunahin ko lang muna ang Star Cinema kasi bibihira lang naman tayo makagawa sa Star [Cinema] at napakaganda talaga ng role.

“Kasama ako sa movie nila Kathryn and Daniel Padilla, yun na muna, maganda ang role ko.

“Directed by Direk Dado Lomibao, na magsu-shoot pa kami sa Cebu and launching ito ng loveteam ng dalawa.

“Magandang sumuporta sa loveteam na malakas na malakas sa ngayon.

“Nag-look test na kami, at the same time, nag-one-on-one talk na kami last Sunday ni Direk Dado.

“Napakaganda talaga ng role para tanggihan.

“Nakiusap naman ako sa Viva, which is mayroon akong kontrata, na gagawin ko lang muna ito.

“Naiintindihan naman nila.”

Patuloy ni Sweet, “Kay Direk Wenn, sabi ni Direk, yung launching ko, kailangan kong magpapayat naman muna.

“Kailangan ko munang mag-lose ng weight for my launching.

“So kailangan muna naming mag-pause at habang naka-pause, mayroon akong gagawin.

“Although, kailangan ko rin namang magpapayat dito na ginagawa ko naman.

“Ang tagal kong hinintay, karerin mo na.

“E, ako naman, lahat ng pelikula ko, kina-career ko—acting-wise, look, story nito… ibang-iba naman.”

Sunud-sunod ang pagiging blockbuster ng mga pelikulang ginawa ni Direk Wenn, tulad ng Praybeyt Benjamin at Sisterakas—na dalawa sa highest-grossing Filipino films of all-time.

Hindi kaya napi-pressure si Sweet sa pelikulang gagawin nila ni Direk Wenn?

Sagot niya, “In a way, may pressure, pero alam naman ni Direk Wenn ‘yan na artist ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas priority ko na mas maging maganda ang pelikula namin kaysa maging box-office.

“Ganun yata talaga kaming mga artists. But, of course, gustung-gusto ko ring maging box-office [hit].

“Pero mas pressure sa akin na mas maging maganda yung pelikula kaysa may manonood.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN