John Prats on Isabel Oli: “Siguro, mas magandang nagsimula kami sa pagkakaibigan at kung anuman ang mas hihigit pa do’n, e, mas ikatutuwa ko pa.”

Hindi itinatanggi ni John Prats na crush niya ang Kapuso actress na si Isabel Oli. Sabi niya, “Fan ako ng ganda niya. Sobra akong name-mesmerized. Si Isabel naman talaga ang babaeng sobrang nagagandahan ako. Si Isabel, when it comes to attraction, attracted akong talaga sa kanya.”


Madalas maibalita ngayon na nakikitang magkasama sa mga pampublikong lugar ang Kapamilya actor-TV host na si John Prats at ang Kapuso actress-TV host na si Isabel Oli.

Madalas ding makita ngayon ang pagpapalitan nila ng mensahe sa kani-kanilang Instagram accounts.

Ito ay pagkatapos aminin ni John na crush niya si Isabel.

Sa panayam ng The Buzz kay John—na ipinalabas kahapon, January 27—ay tinanong siya kung ang madalas na pagsasama nila ngayon ni Isabel ay matatawag na bang pagdi-date.

Nakangiting sagot niya, “Sana… sana soon.

“Pero ano naman, kung nakita ninyo ang mga pictures, may mga kumukuha, mga friends namin.

“Parang fan ako, e.

“Whenever I’m with her, I’m such a fan.

“Fan ako ng ganda niya. Sobra akong name-mesmerized.

“Si Isabel naman talaga ang babaeng sobrang nagagandahan ako.


“Si Isabel, when it comes to attraction, attracted akong talaga sa kanya.

“And so far, lumalabas naman talaga kami, but always in a group.

“Nag-e-enjoy ako sa company niya, wala akong masabi.”

Pormal na ba siyang manliligaw kay Isabel?

Sagot ni John, “Hindi kasi ako nanliligaw… I hate that word. Parang it’s always best foot forward.

“So, siguro, mas magandang nagsimula kami sa pagkakaibigan at kung anuman ang mas hihigit pa do’n, e, mas ikatutuwa ko pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN