Solenn Heussaff on being a sex symbol: “Hindi ko prayer yun na, ‘Oh, Lord, sana maging sex symbol ako dito sa Philippines!’”

Dahil sa kaseksihan ni Solenn Heussaff, hindi malayong may mambastos sa kanya. May nagantihan na ba siyang lalaki na sumubok mambastos sa kanya? Sagot niya: “Never akong nakasampal ng boy… yun ang dream ko! Yun ang pangarap ko!”


Pinatunayan ni Solenn Heussaff ang pagiging totoo at prangka niya sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa promotion ng kanyang pelikula na Seduction.

Ginanap ang pocket interview kay Solenn sa Greenwich, Robinson’s Galleria kamakailan.

Walang inatrasang tanong si Solenn, personal man o tungkol sa kanyang career, kaya binusisi agad namin kung naapektuhan ba ang social life niya sa pagpasok sa showbiz.

Sagot niya, “A, pareho. I just have to censor my mouth.

“Meaning, I can’t always say what I think… I really say what I think, but I have to censor.

“I can’t, to be honest. Dati akong super out on the table—out lahat.

“So ngayon, I just have to adjust nang konti.

“I’m not changing my personality or who I am. Pero may compromises.”

Mataray ba si Solenn?

“Hindi. Hindi ako mataray. Pero if I need to say something, nagsasalita naman ako.”



SEXY IMAGE. Nahirapan ba siyang mag-adjust sa showbiz?

“Hindi. Mabilis akong mag-adjust sa anong mangyari—I’m very adjustable,” mabilis niyang sagot.

Kumportable na ba si Solenn na isang sexy star ang tingin sa kanya?

“Okay lang naman. Kasi sa totoong buhay, ganito ako [turo niya sa sarili]—naka-jeans, T-shirt, tsinelas.”

Hindi ba siya natatakot na baka ma-take advantage, o mabastos ng mga lalaking nag-iilusyon sa kaseksihan niya?

“I don’t surround with people like that. I don’t surround with negative people.

“And I’ve already experienced na ganoon noong nagtrabaho ako sa Paris. So, I know how to handle myself."

Patuloy niya, “Nagtrabaho ako sa bar dati, bartender ako.

“And may mga guys na yung mga salita nila, medyo bastos or nasa kalye ako, they spot on me.

“May mga maliit na ganoon.

"So yun. You have to learn how to fight back.”

Nakasapak, nakasuntok, nakasampal na ba siya ng lalaki dahil sa pambabastos sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Never akong nakasampal ng boy… yun ang dream ko! Yun ang pangarap ko!” ngingiti-ngiti niyang sabi.

Sa Pilipinas naman, ano ang pinaka-worse na nangyari sa kanya sa isang lalaki?

“Wala,” mabilis niyang sagot.

“Like what I said, pag wala akong work, nasa bahay lang ako.

“Kung hindi nasa bahay, movie house… kasama ako ng friends ko, ng boyfriend ko, ng brother ko.

“So, never… and respectful naman yung mga tao so far, sa akin.”

Gaano niya ini-enjoy or kung ini-enjoy man niya ang pagiging sex symbol?

Agad niyang sagot, “Ako, I don’t get the whole sex symbol thing, to be honest.

“Ah… yung nasa magazine ko, I guess. Pero in the magazine, there’s a concept.

“So, it’s like acting yung sa concept.

“If you look at me in real life, I never dress up na super-tight short dress.

“Pag may event ako, pag kailangan, gown ang suot ko. I always adjust to what has to be done.

“Pero pag real Solenn, this is what you get.”

Ayaw ba niyang maging sex symbol?

“Keber ako pag sex symbol or not… I don’t really care… I don’t know.

“It’s not important to my life. Hindi ko prayer yun na, ‘Oh, Lord, sana maging sex symbol ako dito sa Philippines!’

“I don’t care. I don’t really care.”

Sabi pa ni Solenn, ang cover pictorial niya para sa Esquire na ang pinakahuli niyang sexy pictorial.



SHOWBIZ APPEAL. Ginusto ba niya talagang mag-artista?

“Never, never! Kahit yung model, never.

"Kasi I’m working. Nasa office ako there [Paris]... it just happened.

"I never dreamt to be… I never went to VTRs. Pag meron… okay. VTR ka dito, okay-okay.

“Pero ayoko… I never went. Pero pag nandun na, okay, game ako. Ganoon.”



POSING NUDE. Maliban sa pagiging make-up artist, magaling din mag-pinta si Solenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, naipinta na niya si Richard Gutierrez bilang regalo niya sa aktor dalawang taon na ang nakararaan.

Bilang isang artist, open ba siya sa ideyang puwede siyang mag-pose nang nude?

“Ah…no! Because it seems different here in the Philippines.

“For example, yung Seduction. Ang first question ng lahat ng press, ‘Gaano ka ka-sexy dito?’

“Like for example, pag may showgirl movie sa States, parang that won’t be a question. Ganoon.

“Iba kasi yung tingin dito. Of course, mas conservative yung mga Pinoy. You have to… for me, I wouldn’t do it here.”

Pabor ba si Solenn sa pagpo-pose nang nude?

Sagot niya, “Yeah. I’ve done, I have private shoots for myself pero it won’t come out! Just for pictures.

“Yeah, okay lang for myself lang.

"Para when I’m old I can look at the picture na, ‘O, yung nanay mo, okey lang, o.’”

Sinabi ni Solenn na meron siyang nude photos pero ayaw niyang banggitin ang pangalan ng photographer na kumuha sa kanya.

Lahad pa niya, “Pag buntis ako, gusto ko may nude photos rin ako.

“Pero gusto ko maganda, nakaharap, pero lahat ng private part ko takpan.”

Kailan ba kinunan yung nude photos niya?

“Tagal na, three years… Totoo, I’m not lying. Why would I lie?” pilit niya.

Nakakasiguro rin siyang hindi ito mapapasakamay ng iba dahil wala ito sa kanyang computer device o mobile phone unit.

“Alam ko ‘yang lahat ng mga techie-techie [technology] ngayon kaya I’m very careful, don’t worry”.

Paglilinaw pa ni Solenn, “Walang frontal ito, basta, maganda. Pag buntis rin pareho.

“I’ll do it with a professional photographer, same [private nude photos] as what I have now.”



M.U. WITH RICHARD. Si Richard ang leading man niya sa latest movie nilang Seduction at naging leading lady rin siya ng aktor sa My Valentine Girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panay ang iling ni Solenn sa mga pag-uusisa namin sa kanya kung nagkaroon ba sila ng mutual understanding ni Richard noon.

Matapos ang paglabas niya sa Survivor Philippines bilang castaway, pinag-usapan ang pagiging close nila ni Richard na host ng franchise show.

Sabi niya, “Never kami together… never kaming nag-date. No. Even just the two of us.

“Ako, meron akong friends na lalaki. So, I go out with my friends, I travel with my guy friends.

“Very kumportable ako… actually, most of my friends, lalaki.

“So, if you see me with another guy, hindi ibig sabihin na I’m cheating with my boyfriend. Ganoon.

“We’re very close hanggang ngayon,” patungkol niya kay Richard.



ARGENTINIAN BOYFRIEND. Gaya ng mga naunang interviews niya, hindi na itinago ni Solenn ang pagkakaroon niya ng foreigner boyfriend, isang Argentinian businessman—si Nico Bolzico.

Hindi ba ito nagseselos na malapit siya sa mga lalaking kaibigan niya?

“Hindi. Kasi alam niya kung paano ako… na ganito talaga ako, na friend talaga ako with the boys…

"He trusts me.”

Hindi raw madaling matukso o magkaroon ng pagtatangi si Solenn sa lalaki.

“I’m very choosy,” dahilan niya.

“When it comes to boyfriend, I’m very choosy.

"Dating, I don’t mind, I tried whatever. I like to know different personalities.

"Pero pag boyfriend, very choosy ako.”

Argentinian-Italian ang boyfriend ni Solenn at ito raw ang kauna-unahang kasintahan niya na walang Filipino blood.

Ang mga ex niya lahat ay mga half-half, o half-Pinoy.

“Pero yung upbringing nila, parang sa Pinoy rin.

"Kasi sa farm siya sa Argentina so very good upbringing,” sabi pa ni Solenn tungkol sa kanyang boyfriend.



WEDDING PLANS. Ipinapangalandakan ni Solenn na 28 years old na siya samantalang 30 years old naman ang kanyang boyfriend.

Wala pa ba silang planong magpakasal?

“Walang plano… what happens, happens.

"When you plan, it never happens. So…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okey ba sa kanya ang magkaroon ng anak bago ikasal?

“Yeah, for me marriage is just a piece of paper.”

Kung magpapakasal siya, gusto ba niyang dito o sa abroad manirahan at palakihin ang mga anak?

“For now, dito. Pero before my family, gusto ko ng konting abroad. Pero for my children to grow up, dito.

“Actually, ang dream ko, six months here, six months somewhere, every year. Dapat may business na sa dalawang bansa.

“So, I’m working on a business here. I’m importing dulce de leche here from Argentina… yung mga papel.”

Kasosyo ba niya ang boyfriend?

“For a start, pero ang gusto niya, ako na lang ang maghawak ng business na yun kasi may business siya.

“At least, may something else ako to keep me thinking.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN