Carla Abellana not yet ready for boyfriend Geoff Eigenmann’s "proposal"

Inamin ni Carla Abellana na fan din siya ng loveteam ng boyfriend niyang si Geoff Eigenmann at ni Heart Evangelista. Aniya, “Fan ako ng tandem nina Geoff at Heart. Inggit ako sa kanila. Hindi dahil sa magka-loveteam sila—kasi ang ganda ng chemistry nila.”


Pagkatapos ng primetime series na Makapiling Kang Muli ay wala pang kasunod na teleserye sa GMA-7 si Carla Abellana.

Saad niya, “Actually, meron na sana, e. Pero talagang pinag-iisipan pa nang mabuti ng GMA kung itutuloy nila iyon.

“Dahil sobrang matrabaho siya. At bukod doon, magastos pa.

“So yung paghahanda doon, hindi lang linggu-linggo ang kakayanin, although last year pa siya pinag-uusapan.

“Noong nalista na lahat, naplano na lahat, naka-layout na lahat ng plans nila, parang nakita nilang sumusobra yata sa budget at sa preparation pagdating sa oras.

“So parang hindi siya matutuloy. Kaya iyon.

"Naghihintay pa ako ng balita kung ano iyong papalit.”



ALSO A FAN. Nagsimula nang umere ang seryeng Forever na pinagbibidahan ng boyfriend ni Carla na si si Geoff Eigenmann at ni Heart Evangelista. Nanonood ba siya nito?

“Actually, isang episode pa lang ang napapanood ko. Kasi timing na may trabaho ako.

“Nakakaiyak iyong part na binugbog iyong character ni Geoff, tapos pinaghiwalay sila ni Heart.

“Nakakaawa… sobrang convincing."

Dagdag pa ni Carla, “Fan ako ng tandem nina Geoff at Heart. Inggit ako sa kanila.

“Hindi dahil sa magka-loveteam sila... kasi ang ganda ng chemistry nila.”

Maganda rin naman ang chemistry nila ni Geoff as real-life sweethearts, di ba?

“Siyempre maganda. Oo. Totoo iyon!” sabay ngiti naman ni Carla.



VALENTINE PLANS. Kumusta ba silang dalawa ni Geoff?

“Okay naman po… busy siya sa Forever.

“Ako naman, busy sa mga other works at endorsements.”

Malapit na ang Valentine’s Day, ano ang plano nila?

“Wala pa, hindi pa namin napag-uusapan.”

Last year ba, paano nila ito nai-celebrate?

“Hindi ko na maalala kung ano ang ginawa namin sa Valentine’s Day last year... I think may taping ako noon.

“At saka… hindi naman kasi kami yung type na ma-date, e.

“Kapag ano lang… anniversary, ganyan. Pero pag Valentine’s Day, hindi masyado.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MOST MEMORABLE. Ano ang pinaka-sweet na nagawa sa kanya ni Geoff na talagang nagmarka sa kanya?

“Yung nagharana siya.

“Hindi siya mismo, pero nag-set siya ng harana sa taping one time.

“Birthday ko iyon, noong mismong midnight, nasa taping kami.

“Habang nagse-set up pa sa susunod na eksena, may in-arrange siyang harana sa balcony ng location kung sa kami nag-taping.

“Cute… super-cute!

“Harana na may violin pa! Ganyan... tapos may flowers pa.

“Iyon ang pinaka-tumatak talaga.”

THE PROPOSAL. Sa ngayon, ang hinihintay ng marami na sunod na mangyayari ay yung proposal ni Geoff sa kanya.

“Ewan ko. Bakit ako ang tinatanong ninyo?” sabay tawa ni Carla.

Sa isang recent interview ay may nasabi si Geoff na kapag nag-propose daw siya, gusto nitong within three to six months ay kasalan na.

Sabi ni Carla tungkol dito, “So that means na, kumbaga, we’re taking our time.

“Para kung dumating man iyong day na iyon, dire-diretso na.

“Na bago pa siya magpo-propose, dapat nakaayos na lahat… or secured na lahat.

“So… matagal pa bago iyong time na yun dumating.”

Ang feeling ng marami, sina Carla at Geoff na ang magkakatuluyan. Ano ang masasabi ng Kapuso actress dito?

“E, di sana naman! Di ba?

“Huwag lang nila feeling... ipagdasal din sana nila.”

Pero ready na siya in case mag-propose na si Geoff?

“Hindi pa. Definitely not now, not soon.

“So, hindi pa. Ang dami pang kailangang ayusin bago ako maging prepared for that.”

May dream wedding set-up na ba siyang naiisip?

“Sus! Bata pa ako, may dream wedding na ako. Dalawa kami ng ate ko!” sabay tawa na naman ni Carla.

“Alam ko na kung sino ang videographer, ang florist, ang photographer.

"Groom na lang ang wala, at saka date.

“Siyempre church wedding ang gusto ko dahil ako’y Catholic.

“Importante iyon… kahit sa pinakamaliit na simbahan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN