Solenn Heussaff plans to leave showbiz in three to five years: "I love doing what I do pero hindi ako born sa showbiz. Feeling ko hindi ako magtatagal."

Solenn Heussaff on working with Direk Peque Gallaga: "Actually, I didn’t know who he was at first kasi when I started in showbiz, I did not know anyone. So, sabi nila, si Direk Peque, ang galing niya, respetado na direktor. Tapos si Anne [Curtis] told me... yung first movie ni Anne, Direk Peque rin. As in Direk Peque chose her in the middle of the crowd. Parang he has the eye. So Anne told me, ’He’ll make you look good in the screen.’"


Noong Sabado, January 26, ay naganap ang press preview para sa pelikulang Seduction sa isang editing studio sa San Juan. Dumalo rito ang ilang miyembro ng press, pati na rin si Solenn Heussaff na isa sa cast members ng pelikula.

Matapos ang pelikula ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress.

Dito ay ipinahayag ni Solenn ang excitement sa nakita niyang "finished product."

Aniya, ito ang pinakamagandang role na nakuha niya sa halos tatlong taon niya sa showbiz.

Gumaganap si bilang Sophia sa pelikulang ito na idinirek ni Peque Gallaga. Si Sophia ay isang psychotic na Filipina-French woman na manse-seduce sa character na ginampanan naman ni Richard Gutierrez.

"Kasi yung sa ibang mga roles, mas comic, comedy movie. Ito yung pinaka-challenging," pahayag niya.

Gusto raw kasi ni Solenn na risky ang roles na kanyang gagawin. Malayo ito sa mga karakter na ginampanan niya sa mga pelikula niya noong 2012 na Boy Pick-up at sa D’ Kilabots.

"Actually, gusto ko horror, gusto ko, drug addict... Gusto ko ganun, yung mga dark, so yun," dagdag pa niya.

Hindi nag-audition sa role si Solenn para sa Seduction. Ang Regal Films na mismo ang pumili sa kanya para rito.

"Nung nabasa ko yung script, sobrang excited ako, kasi siyempre, ibang-iba ’to.

"Favorite movies ko yung Wicker Park, Unfaithful—mga psycho na girl, gusto ko yung ganun.

"Yung parang psycho siya, pero wala siyang masamang ugali. Kasi loner talaga siya.

"Tapos pag nagmahal siya, she gives everything, so I think a lot of people can relate," kuwento niya.

Mas lalo raw siyang na-excite nang malaman kung sino ang direktor ng Seduction.

Kuwento niya, "Actually, I didn’t know who he was at first kasi when I started in showbiz, I did not know anyone.

"So, sabi nila, si Direk Peque, ang galing niya, respetado na direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos si Anne [Curtis] told me... yung first movie ni Anne, Direk Peque rin.

"As in Direk Peque chose her in the middle of the crowd. Parang he has the eye.

"So Anne told me, ’He’ll make you look good in the screen.’"

Kahit medyo baguhan man siya sa pag-arte ay hindi siya nahirapan sa shooting. Hindi naman daw kasi terror katrabaho ang batikang direktor.

"Actually, yung mga takes, mga two to three lang. Kasi kapag nakuha na niya yung gusto niya, wala nang safety shot.

"I really want to do my best kasi Direk Peque and his team were so hands-on, and ito yung first script na pinakagusto ko.

"I really had to work hard. Gusto ko nga mag-step out of what I’m used to doing," pahayag ni Solenn.

At nagbunga ng maganda ang pag-arte ng role dahil tiyak na siya ang pag-uusapan ng sinumang makapanood ng pelikula.

Sa pagkakataong ito ay naging humble si Solenn.

"I think baka yun sa tingin nila, iba yung role.

"Baka kasi nandito ako sa promotion. I’m sure naman na pag nandito si Sarah [Lahbati], pantay.

"E, super-galing niya rin sa movie. Nineteen lang siya pero mature siya sa movie," sabi niya.



NEXT MOVIES. Matapos ang Seduction, gaganap pa ba si Solenn ng mga kakaibang karakter sa pelikula?

Sabi ng Kapuso star, marami nang naka-lineup na pelikulang maaaring sumakto sa gusto niyang roles.

"May isa pang movie with Direk Peque... I don’t know what that’s about.

"May isa akong Cinemalaya na horror, pero I’m still thinking about it," sabi niya.

Natatakot daw kasi si Solenn na gawin ang Cinemalaya movie.

Paliwanag niya, "Maganda yung story, pero totoong gubat, kaya I’m still thinking about it.

"Hindi ako ganun katigas, katapang, so feeling ko it will mess with my brains."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod pa riyan ay ang isang offer na gumawa siya ng pelikula sa Indonesia.

"May in the talks pa na isang movie sa Indonesia. Pero I don’t know, pero baka two months ako titira sa Indonesia," sabi niya.



LEAVING SHOWBIZ? Sa dami ng offers kay Solenn ay ganap na nga ang pagsulong ng kanyang career ngayong taon.

Gayunpaman, hindi pa rin mawala sa kanyang isip na hindi para sa kanya ang showbiz.

Itinanong ng PEP kung nakapag-adjust na siya sa showbiz matapos ma-discover sa reality show na Survivor Philippines noong 210.

"Okay naman," sagot niya.

"It’s not a life-long job for me. Tingin ko, mga three more years.

"I love doing what I do, pero hindi ako born sa showbiz.

"Feeling ko, hindi ako magtatagal."

Hindi naman kasi pinangarap ni Solenn na maging artista. Sa katunayan, nasa fashion design ang linya ng kanyang career bago siya maging artista.

"I want to go back to designing, so baka five years pa. Hindi ko alam," sabi niya.

Sa ngayon, ninanais lamang ni Solenn na pagbutihin ang kanyang pag-arte. Isa na rito ang pag-aaral para maging matatas ang kanyang Tagalog.

"I like movies. Feeling ko, magagawa ko yung mga teleserye kung mai-improve yung Tagalog ko.

"E, ayoko kasi maging cause of delay sa ibang artista. I still have to work on my acting.

"Three years pa lang ako, and wala akong dream na mag-artista.

"Sa mga crying scenes, I’m always... pag alam ko na may crying, sobra yung palpitation ko sa gabi. I’m always nervous.

"So, baka pag nagkaroon na ng day na magaling na ako sa Tagalog, and alam ko na yung technique sa pag-iyak sa 760 scenes per day, baka mag-iba yung isip ko," saad niya.

Kung tumigil man siya sa pag-aartista, nais sana ni Solenn na magka-pamilya na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, kasi 28 na ako this year. Sana gusto ko magkaroon ng family, ganun.

"We’ll see. Things come.

"I always change my mind—that’s who I am.

"So who knows, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN