Dawn Zulueta replaces Maricel Soriano in Bukas Na Lang Kita Mamahalin; says she didn’t have trouble working with Gerald Anderson before

Dawn Zulueta will replace Maricel Soriano in the ABS-CBN teleserye Bukas Na Lang Kita Mamahalin. This will be the second time that she’ll be working with Gerald and according to her, she didn’t have trouble working with him before. Dawn didn’t want to give the young actor advice about the issue he’s currently involved in. But she advises him to “just continue to strive, and never, never stop learning.”


Pormal nang inanunsiyo ng ABS-CBN at Dreamscape na si Dawn Zulueta na ang panibagong cast ng teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Unang ini-report dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagpasok ni Dawn sa teleserye, bilang kapalit ng Diamond Star na si Maricel Soriano, noong January 21.

Si Dawn na ang gaganap bilang ina ng male lead na si Gerald Anderson.

Napagdesisyunan ng Kapamilya network na palitan si Maricel sa naturang role matapos ang insidenteng naganap sa pagitan nila ni Gerald sa first taping day ng show.

(CLICK HERE for related article.)

SECOND CHOICE. Nakangiti at masiglang binati ni Dawn ang PEP at iba pang entertainment press kanina, Enero 28, sa junket interview na naganap sa 14th floor ng ABS-CBN, ELJ Building, sa Quezon City.

Hindi raw alintana ni Dawn na second choice lamang siya para sa naturang role. Wala naman daw kasi talaga sa plano niya na gumawa ng teleserye sa unang bahagi ng taon.

“I’m set to go campaigning for my husband,” natatawang pagbabahagi ni Dawn tungkol sa kanyang asawang si Anton Lagdameo, na tumatakbo ngayon para sa huling termino ng pagka-kongresista ng Davao del Norte.

“Being second choice or what, no, that’s not really an issue to me.

“When it was offered to me, they pitched the story, I liked it.

"I only needed to figure out my schedule, I have to talk also to my husband about it.

“Hindi naman kami agad nag-agree to do it, I asked them to give me a couple of days to think about it, and I also need to discuss it with my management team.

“So Dreamscape along with ABS-CBN had a discussion with my management team, and then I talked to my husband about it.

“Siyempre when it came to the schedule, medyo hirap siya [Anton], pero we came to a sort of compromise.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TALKING TO MARICEL. Nasa Hong Kong si Dawn nang mabalitaan niya ang isyu sa pagitan nina Maricel at Gerald.

Aminado ang aktres na hindi siya makapaniwala nang mabalitaan ang insidenteng ito.

Pag-alala pa niya, “We were just together that week nga, I was just telling her [Maricel], ‘Wow, congratulations, may teleserye ka ngayon!’

“You know, who would have thought that this is going to happen—it is very unfortunate.

“But I assure you, I have nothing to do with it!” pabirong paglilinaw pa ni Dawn.

Patuloy niya, “But I guess, the question is how did I feel when I heard about this?

"Malungkot, kasi bilang kapwa artista mo, ayaw mong nakakarinig ng ganyan, hindi ba?

“Lalo na sa mga katulad namin na ang dalang-dalang naman na nagkakaro’n tayo ng mga offers to do really meaty roles, to be part of a really big production just like this, must have been some misunderstanding.

“Too unfortunate, but I hope [they could resolve it].”

Hindi pa raw muling nagkakausap sina Dawn at Maricel, lalo na’t abala ang una sa pag-aaral sa kanyang karakter.

Pero kung mabibigyan man ng pagkakataon, nais daw ni Dawn na makausap ang Diamond Star.



WHY ACCEPT THE ROLE? Bago dumating ang offer para sa show na ito kay Dawn, mayroon na siyang plano kasama ang pamilya at para sa kampanya ng kanyang asawa.

Kaya naman ang tanong ng iba, bakit niya tinanggap ang role?

Natawa naman si Dawn nang maisip niya rin na, “Every time I tell myself that I’m gonna rest, something really good comes along the way.

“So I always try to keep my options open, and in my experience, every time I’ve done that, something good always come of it.”

Matapos nito’y medyo naging seryoso na ang tono ng aktres, lalo na nang sabihin niya ang “utang na loob” niya sa network na muling nagbigay sa kanya ng break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Dawn, “Prangkahan lang, kung utang na loob lang ang usapan, mayro’n ako no’n.

“Every time I can grab an opportunity on a good project, I really try to consider it.

“Aminin na rin po siguro natin, prangkahan na lang ano, kung utang na loob ang pag-uusapan dito, mayro’n talaga ako no’n.

“Dahil once upon a time, ako’y isang artista lamang na nangangarap na magkaroon ako ng memorable na klaseng role, na mayro’n akong big project that can never be forgotten—and it came when we had Walang Hanggan.

“It was Dreamscape who offered me that, ABS-CBN who offered me that, who gave me the opportunity and trusted me with that kind of responsibility.

"Of course, it was not just because of me that it became a success... it is a team, a teamwork.”

Pero higit sa lahat, ang nais daw ni Dawn ay maging “proud” si Maricel sa kanya, lalo na at naunang ibinigay dito ang kanyang role ngayon sa teleserye.

“I’ve decided also that I want to do it because I love the role, I want to give back something to the network who trusted me with so much.

“And I think it’s important for me also to say that you know… in all honesty talaga, I really want to make Maricel proud because this is a role that was really dedicated to her.”



WORKING WITH GERALD. Samantala, nabanggit ni Dawn na ito ang ikalawang beses nilang magkatrabaho ni Gerald.

Una silang nagkasama sa pelikula nina Gerald at Sarah Geronimo na Catch Me I’m In Love noong 2011.

Ang insidenteng nangyari sa pagitan nina Maricel at Gerald ay sinasabing dahil sa hindi raw makuha ng young actor ang pag-arte na kailangan para sa eksenang ginagawa nila. Bagamat may istorya ring ang aktres daw ang hindi makagawa ng eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE for related article)

Kaya naman naisip ng ilang miyembro ng press kung kumusta ang karanasan ni Dawn sa pakikipagtrabaho kay Gerald.

Sabi ng aktres, “Sa few scenes that we had sa movie namin na Catch Me I’m In Love, hindi naman ako nahirapan sa kanya, e.

“As a matter of fact, I found that he was very focused, ‘no, and he came to the set prepared.

“After that, I observed him when he was doing Budoy, and I believe that he improved more as an actor.

"Kaya nga, tuwing nakikita ko si Gerald while he was doing Budoy, sabi ko, ‘Sana magkatrabaho tayo ulit. Kasi ngayon ko nakita what else pa pala you are capable of.’

“So I found it so exciting, you know, na ‘Ah, ang galing mo pala talaga. Biruin mo mahuhugot mo pa pala ‘yon?’

"So I get excited to see the young ones who are like him.

“I see how hard they work, I see that they do their research, they’re professional, [and] they come to the set prepared.

“I can’t remember a time that I ever reprimanded a young star. I worked with good kids.”

Hindi na daw nagbigay si Dawn ng opinyon o payo kaugnay sa kinasasangkutang isyu ni Gerald.

Pero bilang aktor, pinayuhan niya ito na, “Just continue to strive and never, never stop learning—I don’t [stop learning].

“I think even other veteran actors today would say the same thing, that it’s one of the secrets in staying and having the longevity in this business.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN