Erich Gonzales on Coco Martin’s attempt to court her before: "Ayoko namang sabihing basted."

Kung bakit hindi nauwi sa totohanan ang tambalan nila ni Coco Martin noon, ito ang pahayag ni Erich Gonzales: “Hindi ko naman masabing ligaw kasi sasabihin kong, ’A, ligaw,” tapos siya naman hindi. Siguro palipad-hangin. Di naman natuloy. Wala, wala namang ganun. Nung shooting days ng Noy, mabilis lang, pero wala talaga. Basta mabait si Coco. Nung time na yun, alam niya na gusto ko magtrabaho lang talaga at ayokong pumasok sa isang relasy


Marami ang nagulat nang aminin ni Coco Martin sa grand presscon ng Juan dela Cruz kagabi, January 28, sa Elements sa Eton Centris, Quezon City, na sinubukan niyang magparamdam sa kaparehang si Erich Gonzales, pero hindi lang niya itinuloy.

(CLICK HERE to read related story.)

Unang nagkatambal sina Coco at Erich sa indie film na Noy (2010) at ngayon ay nagkapareha muli sa Juan dela Cruz.

Open si Coco sa pagsasabing wala siyang lovelife at hindi pa niya nakikita ang babaeng magpapatibok sa kanyang puso sa ngayon.

Ano ang masasabi ni Erich sa kumpirmasyong ito ni Coco?

“Hindi ko naman masabing ligaw, kasi sasabihin kong, ’A, ligaw,” tapos siya naman hindi.

“Siguro palipad-hangin. Hindi naman natuloy. Wala, wala namang ganun.

"Nung shooting days ng Noy, mabilis lang, pero wala talaga. Basta mabait si Coco.

“Nung time na yun, alam niya na gusto ko magtrabaho lang talaga at ayokong pumasok sa isang relasyon.

“Feeling ko naman, hindi rin siya seryoso.

"Ayoko namang sabihing basted… hindi naman, hindi naman dumating sa ganun.”

Hindi ba siya nakaramdam ng pagkailang nang magkita sila uli ni Coco pagkatapos niyang sabihin dito na hindi pa siya handa sa pakikipagrelasyon?

Sabi ni Erich, “Gaya nung nakuwento sa Kris TV, yung look test namin parang, tinginan… tinginan.

“Tinanong ko siya, ‘Okay ka ba? Parang hindi. Ngayon lang tayo nagkita, gusto ko lang okay tayo.’

"Wala, tawa... tawa lang siya. ‘Okay naman, see you sa taping.’"



JUST FRIENDS. Mukhang kahit kaunti nga ay hindi lumagpas sa boundary ng pagiging magkatrabaho ang dalawa dahil ni hindi sila nagkapalitan ng kani-kanilang cellphone numbers.

Sabi ni Erich, “Hindi, nagkikita lang kami sa taping.

"At gaya ng sinabi ko, si Coco, maloko talaga.

"Yung mga biro niya na parang, ‘Wag kang magpakasal, ibibili kita ng singsing.’ Mga ganun.

“Wala, wala akong number niya and ganun din siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahat ng seryeng pinagbidahan ni Coco ay nanguna sa primetime, gaya ng Walang Hanggan na consistent noon sa pagiging number one.

Aminado ang aktres na ramdam niya ang pressure, pero ang mas higit na focus ni Erich ay makapagbigay sila ng isang dekalidad at magugustuhang palabas sa manonood.

“Kasi, ang pressure, lagi namang nandiyan.

"Pero ngayon, mas iniisip namin na makapagbigay ng isang dekalidad at dekalibre na proyekto para sa lahat ng manonood. Mabigyan sila ng magandang papanoorin gabi-gabi.

"Kahit na medyo mahirap, kasi bago, HD [high definition] yung gamit namin, mas kaunti yung mga eksena.

"Saka go, go ang lahat, hindi namin iniinda yun basta makagawa ng magandang project.”

Patuloy niya, “Gaya ng sinabi ko, sobrang blessed ako na maging parte ng pinakamalaking teleserye ng ABS-CBN at makatrabaho ang lahat ng magagaling na artista dito.”

Papuri rin ang sinabi ni Erich sa nakikita niyang pagmamahal, passion, at higit na dedikasyon ni Coco ngayon sa kanyang trabaho.

“Masasabi ko na mas open siya ngayon. Mas lumalim pa ang passion niya sa trabaho niya, yung dedikasyon niya.

“Open siya sa lahat, sobrang hinahangaan ko yung work ethics niya sa trabaho niya. Sobrang passionate sa work, sobrang dedicated.”



ENGAGEMENT RING? Kumusta naman ang relasyon ni Erich sa kanyang non-showbiz boyfriend at sa pamilya nito?

“Okay naman kami, going strong.

"He’s very supportive, magdadalawang taon na kami.

“Masasabi ko ngayon na mas nagwo-work na hindi siya taga-showbiz dahil tahimik lang. Hindi magulo, so okay naman.

“Oo, okay naman, yung parents niya, yung buong pamilya at pamilya ko rin.”

Sapat na panahon at ang hindi maiiwasang pagakaka-link sa mga kapareha ang kadalasang nagiging problema ng isang artista na may karelasyon na hindi taga-showbiz.

“Wala, kasi nung nagkakilala naman kami, alam niya ang priority ko talaga ay work ko at naintindihan din naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi ko sa kanya lahat, ‘May taping ako today, may ganyang eksena.’

“He’s very supportive pa rin talaga.

"Sinasabi niya sa akin, “I can’t wait watching… aabangan ko ‘yan.’

"Walang selos factor, walang ganun.

“Wala, secured yun at saka hindi na siya bata para magselos sa ganyang mga bagay.”

Muling sinagot ni Erich ang issue na engaged na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend dahil sa suot niyang singsing.

“Nasagot ko na ‘yan before—hindi ako engaged.

"Gift lang sa akin yun.

"Bata pa ako. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko at maghihintay siya.

“Siyempre, yung relasyon namin ngayon, nagho-hope ako at nagpe-pray na sana siya na.”



HER MAN. Naging bukas si Erich sa 10-year age gap nila ng boyfriend.

“Ten years, I’m 22, he’s 32. Mas okay dahil matured,” na ang tinutukoy niya ay ang kanyang boyfriend.

“Para sa akin, importante na intellectual, sensible na kausap, marami akong natutuhan, may sarili siyang identity at self-made.

"He doesn’t look his age, mas mukha pa nga akong matanda dun,” nangingiti niyang saad.

Dahil hindi naman itinatago ni Erich ang relasyon nila ng non-showbiz boyfriend, may posibilidad ba na isama niya ito paminsan-minsan sa mga showbiz gatherings?

“He’s very private, so respeto ko na lang sa kanya at sa pamilya niya.

"Wala rin naman siyang alam sa showbiz, so okay na kami sa ganun,” nakangiti pero seryoso niyang pahayag.



KIM AND MAJA. Isa sa miyembro ng barkadahang "Chiurigogobaschu" si Erich kung saan kagrupo niya sina Empress Shuck, Kim Chiu, Kitkat, Melissa Ricks, at Beauty Gonzales.

Nabalita noon na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang grupo, pero sa kabila nito ay sinasabi nila na nandun pa rin ang pagkakaibigan sa kanila.

Nagkaroon ba ng pagkakataong nagbukas ng saloobin si Kim sa kanilang grupo tungkol sa tampuhan nila ni Maja Salvador involving Gerald Anderson?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinasabi kasing mas pinapaboran ng grupo nila si Maja ukol sa usapin.

Sabi ni Erich, “Sorry, I hope you understand. Ayokong mag-comment kasi hindi naman ako kasali.

"Wala akong kinalaman dun, wala akong alam.

“Hindi pa kami nagkakausap, nagkikita kami ‘pag trabaho.

"Wala na, naging busy lang.

“Regarding si Maja ang rason, hindi naman siguro ganun.

"Matured na kami para hindi na mag-isip ng ganyang mga bagay. Pang-high school lang ang mga ganyan.

“Oo naman, panahon lang ‘yan at magiging maayos din ang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN