Zsa Zsa Padilla on loving again: “Hindi ko pa naman siya hinahanap.”

Zsa Zsa Padilla says she does not have any plan for Valentine’s Day yet. “Nakakalungkot pa, e. Siyempre, magdadrama moments pa ako kasi walang magbibigay sa akin ng flowers. May mga ganun lang na little things, wala akong susulatan ng love notes. But ‘yon na nga, ‘yong energy na ganun, puwede mo namang ilagay sa mga anak mo.”


Bagamat malapit na ang Pebrero, hindi pa rin naiisip ng singer-actress na si Zsa Zsa Padilla kung ano ang gagawin niya sa Araw ng mga Puso.

Anim na buwan pa lamang ang nakalilipas nang pumanaw ang kanyang partner na si Comedy King Dolphy, kaya aniya, “Nakakalungkot pa, e.”

Katuwiran pa niya, “Siyempre, magdadrama moments pa ako kasi walang magbibigay sa akin ng flowers.

“May mga ganun lang na little things... wala akong susulatan ng love notes.

“But ‘yon na nga, ‘yong energy na ganun, puwede mo namang ilagay sa mga anak mo."

Sa ngayon, ani Zsa Zsa, kung hindi sa kanyang mga anak na sina Karylle, Zia, Nicole, nakatuon naman ang kanyang pansin sa trabaho.

Kasama siya sa cast ng bagong fantasy series ng ABS-CBN na Juan dela Cruz.

Kuwento pa niya, “Basta nagiging busy ako sa trabaho, mas nagiging okay para sa akin.

“Minsan nagbabakasyon kami ng mga bata.

“Not that I enjoy being at home, pero sometimes kapag nawawalan ako ng taping, nakakalungkot din.

“Mas lalo mong naiisip, di ba, kung ano yung nawala sa buhay mo.

“Siguro darating din ang panahon… Kasi minsan, kahit hindi mo sinasadya, bigla ka na lang tatahimik, bigla ka na lang tatamaan.”



NOT LOOKING FOR LOVE. Bagamat nangungulila pa rin si Zsa Zsa sa pagmamahal ng kanyang yumaong partner, hindi naman daw naiisip sa ngayon ng Divine Diva na magkaroon ng panibagong pag-ibig.

Nang tanungin siya tungkol dito, nabanggit niya ang video ng magkasintahang kilala sa Internet bilang JaMich na nagpaalala sa kanya tungkol sa pagmu-move on.

Aniya, “May nabanggit doon na how to move on, parang sinasabi nung babae yung breakup.

“Ako naman, siyempre, moving forward with my life, di ba?

“Ang na-pick up ko talaga, ang na-retain talaga sa akin, ‘Don’t be afraid to fall in love again. Ang sarap magmahal, di ba?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga naman. Pero siyempre, wala pa ako doon, e. Sa ngayon, hindi pa.”

Dagdag na kuwento pa ni Zsa Zsa, “I was thinking about it this morning, it’s not about closing my doors, I was having my usual talk with Dolphy and I was like, ‘Oh, my God, I will be 49 this year.’

“I think I met him when I first started to work with him, he was 57 or 58 years old.

“Sabi ko, hindi ko pa nga nadarating yung edad niya noong nag-meet kami.

“So, sabi ko, kung papalarin ako at mabubuhay din ako in my 80s, mahaba pa din talaga ang buhay.

“Some say that life is short but then it could be a very long life also for us.

“So sabi ko, sana din ay maging happy ako kung ano man ang maging state ko in the future.”

Gayunman, inulit ni Zsa Zsa, “Pero I will not seek this out.

“I want to say this right now, hindi ko isi-seek out ang love kasi hindi ko naman siya hinahanap.

“Ngayon, masaya ako in the company of my children, who are with me, and I’m very much dedicated to them.

“Maganda ’yon kasi lahat ng panahon ko, earnings ko at dedication ko ay sa kanila napupunta, sila ang inspirasyon ko.”

Napag-uusapan din ba nila ito ng kanyang mga anak?

“We don’t talk about it, actually,” sagot ni Zsa Zsa.

“I think they’re the coolest children anyone could have.

“Siyempre, darating yung panahon. Zia is 21, Nicole is 22, so parang darating din yung panahon na aalis din sila sa bahay at magkakaroon din sila ng sariling buhay.

“Siguro, kapag dumating doon, doon na lang. Hindi natin masasabi."

Sa huli, sinabi na lamang ng 48-year-old singer-actress, “It’s very peaceful right now. I’m very much at peace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, in the 21stcentury pa na mga babae, we are all very independent.

"Of course, may plano kayo of raising children and having your own family, darating din doon.

“Pero nakasentro pa rin sa career mo yung mga pangarap mo.

"So, marami akong mga pangarap sa mga girls ko, doon ako naka-concentrate ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN