Miles Ocampo on real score with Marco Gumabao: “Getting to know and more than friends!”

Masaya si Miles Ocampo dahil naka-isang taon na ang teen comedy show nilang LUV U. Ang magandang takbo ng kanyang career, ayon kay Miles, ay dahil na rin sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz.


Masaya at puno ng pasasalamat si Miles Ocampo dahil naka-isang taon na ang teen-comedy show nila sa ABS-CBN na LUV U.

Sinabi ni Miles sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press kanina, Enero 29, na hindi nila inaasahan ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanilang show.

“Nakakakilig!” bulalas ng teen actress nang makausap siya ng PEP sa Dolphy Theater para sa anniversary presscon ng LUV U at Goin’ Bulilit.

“Siyempre iisipin mo na ‘yong show tumagal ng isang taon, parang ang sarap-sarap sa feeling!

“Kaming lahat, hindi namin ine-expect kung paano magiging resulta niya, so masaya kami na ganito ang naging pagtanggap ng tao—tinanggap nila yung show, yung concept.

“So masaya po kami sa suporta na ibinibigay nila sa show.”



SUCCESSFUL CHILD STAR. Naging tanyag si Miles nang mapabilang siya sa kiddie gag-show na Goin’ Bulilit.

Pero dahil na rin sa kanyang edad, kinailangan nang lisanin ni Miles ang naturang show.

Pero masuwerte siyang napabilang sa current Sunday teen show ng ABS-CBN na LUV U.

Ang tagumpay niyang ito, sabi ni Miles, ay dahil na rin sa direktor na si Direk Edgar “Bobot” Mortiz.

Aniya, “Ang saya kasi nabigyan ako ng opportunity na makasama sa dalawang proyektong ‘yon.

“Tapos ang saya ko po at thankful po ako kay Direk Bobot, kasi simula Goin’ Bulilit nagtitiwala siya sa akin.”



REEL AND REAL LOVETEAM? Samantala, dumako naman ang usapan sa on-screen partner ni Miles na si Marco Gumabao.

Marami kasi ang nakapansin sa magandang chemistry nila ni Marco, kaya naman iniisip ng ilan na tila nagiging totohanan na ang kanilang loveteam.

“Ano, si Marco po kasi sobra siyang maalaga, mabait,” tugon ng 15-year-old actress nang tanungin ang “real score” sa pagitan nila ng kanyang ka-loveteam.

“At saka, ayun, nakikita naman po na ano siya, yung respeto niya po nando’n.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong stage na ba sila?

“Getting to know and more than friends, wow!” pabirong sagot ni Miles, na sinundan ng malakas na pagtawa.

Pagpapatuloy niya, “Siyempre getting to know each other, kasi siyempre every taping namin, mas lalo namin nakikilala ang isa’t isa.

“So masaya po ako na kada taping, mayro’n kaming na-explore sa isa’t isa.”

Parehong first time nina Miles at Marco na magkaroon ng ka-loveteam. Kaya naman masaya si Miles dahil natututo sila sa isa’t isa sa bawat eksenang ginagawa nila.

“Kasi kami ni Marco kapag may eksena kaming kilig, hindi na po kami masyadong nahihirapan,” pagtukoy niya sa sweet scenes nila ni Marco.

“Kasi parang kumportable na po kami sa isa’t isa, so ayun po.

“Nakakatuwa kasi hindi po ba kapag ganyan nahihirapan ka mag-eksena kasi yung mga kilig-kilig… so masaya po ako na kami po ni Marco wala pong gano’n.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN