Alden Richards on courting Julie Anne San Jose: “Hinihintay ko lang po yung tamang panahon. I’m not closing my door. I’ll never say never.”

Bagamat nakakatanggap siya ng pagbabanta mula sa fans ng tambalang Julie Anne San Jose at Elmo Magalona, nauunawaan daw ito ni Alden Richards. Pahayag ng young actor, na nali-link ngayon kay Julie Anne, “Kasi I understand naman po the feeling na… of course, yung talagang solid nilang supporters, gano’n ang mapi-feel. Dahil ang JuliElmo talaga, sa lahat ng loveteams ng GMA, iyon ang pinaka-solid… I should say. And marami talagang fans ang JulieEl


Natutuwa si Alden Richards na may mga karagdagan pang eksena siyang gagawin sa Indio, ang fantasy series ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla Jr.

Dapat sana ay huling episode na niya yung umere last Monday, January 28. Pero magkakaroon daw ng mga flashback kaya mai-extend ang kanyang role.

Ginagampanan ni Alden ang younger version ng character ni Bong.

Kapareha niya rito si Bea Binene, na gumaganap namang mas batang karakter ni Maxene Magalona na kasintahan ni Indio.

“Gusto raw na bigyan pa ng maraming flashback scenes yung character namin ni Bea. Kasi masyado raw bitin, sabi ng mga bosses po,” ani Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, January 27.

Patuloy niya, “Maganda naman po ang feedback sa team-up namin ni Bea sa Indio. Wala naman pong against.

“Natuwa rin naman po ako kasi talagang nag-enjoy kami ni Bea sa pakikipagtrabaho sa isa’t isa.

“Happy rin po ako na maganda lumabas yung mga scenes namin, na wala naman pong hindi nagkagusto.”

LOUISE DELOS REYES. Dahil sila na ni Bea ang pinagpapareha, ibig kayang sabihin ay wala na ang nabuong loveteam din nila ni Louise delos Reyes sa pinagbidahan nilang seryeng One True Love?

Tugon ni Alden, “Hindi ko lang po alam.

“Kasi sa ngayon naman po, open naman kami ni Louise to be paired with different loveteams.

“Pero hindi pa rin po sure sa management kung yung next project namin is… we’re gonna be together po ulit.

“Okey naman po kami ni Louise.

“Madalang na nga lang po kaming magkita, every Party Pilipinas na lang.

“So, medyo left behind na sa updates.”



JULIE ANNE SAN JOSE. Sa kabilang banda, may mga fans na ang gusto naman ay sina Alden at Julie Anne San Jose ang sunod na magkapareha.

Na-link kasi silang dalawa mula nang maging close sila at madalas silang tuksuhin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng young actor, “‘Yon nga po, tinutukso-tukso. Tapos binibigyan po kaming dalawa ng exposure together, like production number sa Eat Bulaga! at saka sa Party Pilipinas.

“Pero of course, siguro better na, as of now po, huwag munang i-push through.

“Kasi parang… marami rin po ang ayaw.”

Balita ngang may mga threats na natatanggap si Alden sa Twitter mula sa fans ng loveteam nina Julie Anne at Elmo Magalona.

“Okey lang naman po ‘yon sa akin.

“Kasi I understand naman po the feeling na… of course, yung talagang solid nilang supporters, gano’n ang mapi-feel.

“Dahil ang JuliElmo talaga, sa lahat ng loveteams ng GMA, iyon ang pinaka-solid… I should say.

“And marami talagang fans ang JulieElmo.

“So respect na lang po muna siguro, ayoko pong makisawsaw,” sabi ni Alden.

Naba-bother ba siya sa mga threats na natatanggap mula sa JulieElmo fans?

“Hindi naman po… it’s not big of a deal.

"Kasi in the first place po, naiintindihan ko naman.

“Hindi naman po talaga ako original na ka-loveteam ni Julie Ann.

“Kaya in short, parang nakikisawsaw—parang gano’n po ang dating sa mga fans nila.

“Pero I assure them na wala talaga. I have no plans of destroying some solid foundation na nabuo na dito sa GMA… that came before me.

“Nauna naman sila sa akin so I have no right.

“Kaya rest assured na wala pong mangyayaring, I should say, lipatan ng loveteam.”

Anong worst threat na natatanggap niya?

“Mga very negative reactions. Pero ano na lang po… better keep quiet na lang.

“Kasi talagang parang they provoke do’n sa mga tweets nila na below the belt na.

“Pero kailangang masanay, kasi marami pong gano’n dito sa industriya natin.

“So ‘yon po… quiet na lang. And huwag na lang mag-comment.

“Kasi kapag nag-comment ka, lalaki nang lalaki.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GOOD FRIENDS. Pero talagang close na nga sila ni Julie Anne?

Tugon ni Alden, “We’re very good friends po talaga off-cam.

“And we talk a lot sa Party Pilipinas kapag nakikita po namin ‘yong isa’t isa.

“Ano naman… mabait po kasi si Julie Anne, e.

“She’s very accommodating that’s why hindi siya mahirap pakisamahan.

“Kaya… ‘yon po.”

Kung may mga umaapela at kumukontra, meron din daw naman na okey lang sakaling may mabuong loveteam sa kanila ni Julie Anne.

“May mga good comments din naman po regarding that. And… okey naman po.”

Paano kung halimbawa ay bigyan nga sila ng GMA-7 ng project together?

Sabi ni Alden, “Basta sa akin po, trabaho lang.

“Itong industriya naman po natin ngayon is all about changes—all about different experiences.

“Kaya… basta ako po, magtatrabaho lang ako nang magtatrabaho for the sake of my career, for the sake of me and my family, of course. Nothing else.”

Si Julie Anne kapag natatanong tungkol sa kanya, parang kinikilig nga. Sagot nga ng dalaga nang matanong ng media recently kung type nito si Alden, sinabi nitong sino raw bang babae ang hindi magkakagusto sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

“Naku!” nangiting reaksiyon ni Alden.

“Siyempre, happy ako.

"Kasi yung ipinapakita ko naman with Julie Anne and to all the other girls, talagang it’s just being a gentleman all the time.

“Basta I respect girls talaga to the highest level. Sila yung priority para bigyan ng magandang treatment.

“Pero wala pong nabubuong something special… wala pa,” sabay ngiti ng Kapuso heartthrob.

Kahit parang type nga siya ni Julie Anne, wala pa ring nabubuong interes sa kanya na ligawan ito?

“Kasi parang ano… ayoko po kasing ipilit, e.

“Kung hindi pa po talaga time, baka masayang lang. Kasi hindi pa ito ‘yong right time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So hinihintay ko lang po yung tamang panahon.

“I’m not closing my door. I’ll never say never.”



VALENTINE’S DAY. Wala ba siyang ka-date sa nalalapit na Araw ng mga Puso?

“Wala po and okey lang naman sa akin, kasi trabaho muna nga ang priority ko.”

May ibang projects ba siya ngayon?

“May naririnig po ako na… there’s gonna be a new soap sa March.

“I think March 4 po ang target airing.

“Pero confidential pa po ang mga information about it, so abangan na lang po natin.

“May ka-loveteam po ako sa soap na ‘yon. Hindi ko pa lang po alam kung sino.

“And of course, drama po ang tema. Heavy drama pa rin.

“Nakakaramdam po ako ng pressure, kasi kailangang mahigitan kung anuman ‘yong nagawa ko sa One True Love.

“Kung paano ko kaya malalampasan ang naipakita kong acting do’n, kasi you’re in competition with yourself always, e.

“Parang all the time, kailangan… something na bago, something beyond what you have shown.

“So… reinvent lang po nang reinvent.

“And prayers lang po talaga na sana you always come up with your best sa bawat trabahong gawin mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN