Oyo Sotto on dad Vic Sotto’s relationship with Pauleen Luna: "Hindi naman ako galit… siguro nandun lang ang konting ilang, di ba?"

Kung saan daw maligaya ang kanyang ama na si Vic Sotto ay susuportahan ni Oyo Sotto. Sabi ni Oyo, “Yung mga ganung bagay naman, pagdating sa mga relasyon, hindi naman namin puwedeng pakialaman si Daddy dahil siyempre, as his son, and tatay ko siya, nandun ang respeto ko sa kanya. Hindi mawawala yun. Kahit ano’ng gawin niya, nandito lang kami para maging ano niya… Kumbaga, kung may problema siya, puwede niya kaming lapitan. Pero still, nangingibabaw ang respe


Naging mailap si Oyo Sotto na pag-usapan ang tungkol sa lovelife ng kanyang amang si Vic Sotto.

Naunahan na kasi ito ng intrigang kontra siya sa pakikipagrelasyon ng ama kay Pauleen Luna.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Oyo kahapon, January 29, sa story conference ng bagong sitcom nito sa GMA-7 kasama si Bossing Vic—ang Vampire Ang Daddy Ko.

Excited ang aktor dahil first time daw niyang makakasama ang kanyang ama sa sitcom at mag-ama sila rito.

Pero baligtad ang sitwasyon dahil siya pala ang ama ni Vic sa naturang sitcom.



PAULEEN LUNA. Doon sa story conference ay hindi na naiwasan ni Oyo na sagutin ang tungkol sa relasyon ng kanyang ama kay Pauleen.

Nilinaw ni Oyo na hindi siya kontra sa relasyon ng dalawa.

Aniya, “Actually, naging isyu ‘yan na parang iniikot nila na galit ako kay Pauleen.

“Sabi ko, hindi. Hindi naman ako galit… siguro nandun lang ang konting ilang, di ba?

“Ba’t naman ako magagalit? Wala naman siyang ginawa sa akin, para magalit ako.

“At least, masaya si Daddy, di ba?

“Yun naman ang importante—hindi ko nakikitang malungkot si Daddy.

“Siyempre, gusto ko ring may makakasama siya habang buhay, dahil mga anak niya, may asawa na.

“Sina Vico, si Paulina, ano na rin, e… may sarili na ring buhay. Mag-isa na lang siya sa bahay.”

Si Vico ay anak ni Vic kay Coney Reyes, samantalang si Paulina ay anak ng komedyante sa dating modelong si Angela Luz.

Sina Oyo at Danica Sotto-Pingris ay anak naman ni Bossing Vic sa dati niyang asawa na si Dina Bonnevie.

Dagdag pa ni Oyo, “Yun na lang ang prayer ko—na makahanap si Daddy ng makakasama niya habang buhay, yung lifetime partner.

“Yung mga ganung bagay naman, pagdating sa mga relasyon, hindi naman namin puwedeng pakialaman si Daddy dahil siyempre, as his son, and tatay ko siya, nandun ang respeto ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi mawawala yun.

“Kahit ano’ng gawin niya, nandito lang kami para maging ano niya…

“Kumbaga, kung may problema siya, puwede niya kaming lapitan.

“Pero still, nangingibabaw ang respeto.

“Kahit ano pang maging desisyon niya sa buhay, nandun lang kami.”

Natutuwa nga raw sila sa kanilang ama dahil nakikita raw nilang parang lalo pa itong bumabata.

“Lalong bumabata nga si Daddy, parang ka-age ko lang,” napapangiting sabi ng 29-year-old actor.

Hindi man diretsahang sinagot ni Oyo kung boto siya kay Pauleen, paulit-ulit niyang sinasabing suportado nila ang kanilang ama—kung kanino man ito ma-in love.

“Ako, okay lang kahit kanino man siya ma-in love… yun lang.

“Basta sa amin naman ni Ate [Danica], basta maalagaan siya, at yung relasyon nila… kumbaga magmahalan lang sila.”

Hindi pa raw sila nagkita ni Pauleen, pero okay naman daw kung sakaling magkita sila at babatiin naman daw niya ito.

“Kung makita ko naman siya, siyempre alangan namang ganunin ko siya… siyempre magha-hi naman ako,” sabi niya.



VIC & PAULEEN. Tipid naman ang sagot ni Vic pagdating sa isyung ito.

Sabi nito sa PEP, “Wala naman talagang problema, e. Basta relax lang kami, pa-chill-chill lang.”

Sinubukan din ng PEP na hingan ng reaksiyon si Pauleen, pero tumanggi ito.

Mabuting tahimik na lang daw dahil mga anak na raw ito ni Vic.

Kung ano man daw ang nararamdaman nina Oyo, nirerespeto ito ng 24-year-old actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN