PEP EXCLUSIVE. Baron Geisler on issues and controversies about him: "Para siyang ilusyon lang para sa akin—that’s not the real me talaga."

Baron Geisler on being "misunderstood" by the public: “I don’t know nga rin, e, siguro it’s my fault din, it’s my drinking lang. Misunderstood kasi may mga nagagawa ako minsan na, yun nga, sinasabi nila nawawala sa sarili. Siguro yun lang yun. But the sober me, they say that I’m very lovable naman. You know what, I don’t make any promises, e. Siguro sa sarili, kasi dapat maging determinado ako para maging stable na


Matapos ang halos isa’t kalahating buwang hindi masyadong nagsasalita tungkol sa mga huling intrigang kinasangkutan niya, nagpaunlak ng isang exclusive interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Baron Geisler.

Naganap ang panayam noong Martes ng hapon, January 29, bago siya sumalang sa isang pictorial.

Kinumusta muna ng PEP si Baron tungkol sa magandang pagtanggap sa kanya ng mga manonood ng TV5 primetime series na Kidlat.

Tugon niya, “I’m so grateful sa TV5 at nasama ako sa malakas na show ngayon, yung Kidlat.

“You know, I salute the writers, the director for doing a great job, and I thank them for giving me a really meaty role.

“I’m so grateful talaga to them dahil sa role ko.”

Ang role ni Baron sa Kidlat ay half-brother ni Derek Ramsay na magiging matindi rin niyang kalaban.

Natutuwa ba siyang kinamumuhian ng mga tao ang kanyang karakter bilang kontrabida?

Sabi niya, “Of course, kasi parang effective.

“Pero ang gusto ko talagang mangyari, ako yung villain na they would love to hate.

“Hindi lang naman yung… yung parang lovable pa rin naman na sana, yun din ang gusto namin ni Direk Mike [Tuviera] ma-achieve.

“Hindi lang naman yung typical na kontrabida na nakakainis lang.”



BARON IN 2013. Nang huling makausap ng PEP si Baron ay nagsabi ito na pagdating ng 2013 ay “bagong Baron” na ang gusto niyang ma-achieve.

Ngayong patapos na ang unang buwan ng bagong taon, ano na kaya ang progress dito?

Aniya, “Well, yeah, I’m still…it’s a work in progress.

“Once a week, I’m seeing my doctor, I’m taking my medications regularly.

“And hopefully, maging tuluy-tuloy na.

“Maayos naman sa trabaho, maayos naman yung trabaho ko and, so far, everything is good and positive.”



BIPOLAR DISORDER. Tinanong na rin namin si Baron tungkol sa pagkakaroon niya ng bipolar disorder.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga ba ang sakit na ito? At ano ba ang maaaring magagwa o ginagawa ng isang taong meron nito?

Kuwento niya, “It’s like a chemical imbalance lang, minsan highs and lows, minsan I’m extremely happy.

“There were times naman na parang… I don’t know, but for some reason, I get sad, or depressed.

“I think too much of the future or I think too much of the past.

“Parang ganun yung nangyayari sa akin, so hindi siya balanced.

“So it gives me, you know, somehow, mood swings.

“Pero hindi naman ako ‘crazy,’ na controllable naman.

“It’s just that, it’s hard to go through this, e.

“People who have it understand me, and the people who don’t, baka maweirduhan sila.

“But so far, yung mga katrabaho ko, full support naman sila sa akin.”

Sa ngayon daw ay natutuwa si Baron sa ipinapakitang suporta ng kanyang mga kasamahan sa Kidlat.

Matatandaang nagsabi si Derek noon na aalalayan niya si Baron na parang kuya nito. At ipinagpapasalamat naman ito ni Baron.

Aniya, “And kay Derek, full support siya, para siyang naging kuya ko.

“And so is Direk Mike, he’s like parang a good friend to me sa set.

“He always commends me na, ‘See, hindi ka nakainum, maganda ang trabaho mo. You look good, excellent.’ Parang ganun.”



TWO INCIDENTS. Matatandaang dalawang kontrobersiya ang kinasangkutan ni Baron noong isang taon.

Una na rito ang gusot sa pagitan nila ng kanyang kapitbahay ng dahil lang sa tinapay, noong November 9, 2012.

Humantong pa ito sa pagkaaresto at pagkakakulong ni Baron ng ilang oras sa Station 5 sa Fairview, Quezon City.

Pero okay na raw sila ni Raymond dela Rosa, ang may-ari ng tindahan na diumano ay nakaalitan ng aktor.

Sabi ni Baron, “Okay na kami, walang problema, swabe. Okay na kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong December 17, 2012, sa ginanap na MVP Ball sa Meralco Multipurpose Building, isang insidente naman ng diumano’y pambabastos ang nangyari sa pagitan ni Baron at ng mga kasamahan niya sa TV5 na sina Divine Lee, IC Mendoza, at Edgar Allan Guzman, at ng isang TV5 reporter.

Kumusta na sila ng mga ito?

Kuwento ni Baron, “Okey na kami ni IC, Edgar, Divine… I called them up, I apologized.

“You know, they’re very supportive naman.

“Naintindihan naman nila ako na, yun nga, minsan talaga, di ko rin maintindihan, e… alam mo yun, naiinis din ako sa sarili ko, e.”

Ayon pa kay Baron, ginawa niya ang paghingi ng paumanhin upang maayos na agad at para na rin sa ikatatahimik ng kanyang kalooban.

Lahad niya, “Of course, naghahanap ako ng mga timing, ganyan.

“Pero, of course, definitely, dahil kailangan yun. I will do that.

“For myself ito, e, and not for them talaga.

“If they accept it, then good, and if they don’t, at least I did it for myself.”



THE JAIL EXPERIENCE. Kahit ilang buwan na ang nakalipas matapos siyang magpalipas ng gabi sa selda noon, hindi pa nagsasalita si Baron tungkol sa kanyang naging karanasan sa loob ng kulungan.

Seryoso niyang sabi, “It’s the lowest point of my life.

“Parang ito… ito yun, e, alam mo yun?

“Nakakatakot, nakakadiri… parang pakiramdam ko, parang animal ako na ikinulong, parang ganun.”

Parang hindi raw niya mapagtanto kung paano ang buhay sa loob ng kulungan.

Dagdag pa niya, “Nakakapanliit siya talaga, actually.

“Sobrang na-disturb ako sa loob, as a human being.

“Talagang may mga nakita akong hindi ko kayang sikmurain doon.

“May isang rapist dun, umiiyak, binubugbog ng mga kapwa nakakulong.

“Nakaka-disturb kasi hindi mo alam, baka anytime, ako naman yung ganunin, di ba?”

Kaya daw pangako niya sa sarili na hinding-hindi na siya gagawa ng mga bagay na hahantong pa sa pagkakakulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong niya, “Hindi na talaga.”



FACE TO FACE WITH VICTOR BASA. Sa isang panayam kay Divine Lee na lumabas dito sa PEP two weeks, sinabi nitong natatakot siya kapag magkasalubong ang kanyang live-in partner na si Victor Basa at si Baron.

Ayon pa kay Divine, “Sana, kapag magkikita sila ay sa magandang oras.

“Alam mo kasi, siyempre, lalaki sa lalaki ‘yan, mahirap talagang sabihin, di ba?

“Alam mo, si Vic naman, napakapasensiyosong tao, but hindi mo masabi.

“Siyempre pag bad mood, di ba, kung magkita sila, kaya di natin ma-predict kung ano’ng mangyari.”

Pero para kay Baron, kapag dumating na ang pagkakataong yun, siya na raw ang kusang magpapakumbaba at hihingi ng tawad.

Pahayag niya, “A, hindi, I know Victor, he’s an educated man as well, maiintindihan niya yun.

“But of course, when I see him, I will, you know, be man enough, humble enough to apologize, and I hope…

“I texted him actually, hindi lang siya sumagot, pero naintindihan ko siya.

“Siyempre kahit sino naman, di ba, maiinis?

“Pero I really didn’t mean to disrespect both of them or their relationship, talagang out of control lang ako noong araw na yun.

“But you know, tapos na yun, moving forward kasi 2013 is looking so awesome.”



BAD PRESS. Sa mga nakukuha niyang bad press, paano ito hina-handle ni Baron?

“E, actually, para siyang ilusyon lang para sa akin—that’s not the real me talaga.

“And I’m lucky that the people who love me really know me very well.

“And I’m blessed rin, sa labas, pag lumalabas ako, parang hindi apektado yung mga tao sa mga naririnig nila…

“Kasi iba yung nakikita nila sa mga naririnig lang nila.

“I think mas important yung nakikita nila kaysa yung naririnig lang nila.

“Kasi marami pa rin ang lumalapit sa akin, and I thank Kidlat for that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And malaki ang naitulong sa akin ng Kidlat and I’m really cherishing it.

“And hopefully, after Kidlat, sunud-sunod na ang trabaho ko sa TV5.”

Bakit sa palagay niya ay madalas siyang nami-misunderstood?

Saad ni Baron, “I don’t know nga rin, e, siguro it’s my fault din, it’s my drinking lang.

“Misunderstood kasi may mga nagagawa ako minsan na, yun nga, sinasabi nila nawawala sa sarili. Siguro yun lang yun.

“But the sober me, they say that I’m very lovable naman.”

Paniguro pa niya ngayong taon, “You know what, I don’t make any promises, e.

"Siguro sa sarili, kasi dapat maging determinado ako para maging stable na ako financially and mentally, di ba, physically…

“Stable sa lahat ng bagay, be mature, and live and manage my life very well—to manage every facet of my life.”

NEW LOVE, NEW INSPIRATION. Sa awards night ng 2013 Metro Manila Film Festival noong December 27, 2012, dumalo si Baron na may kasamang magandang babae. Pero hindi nagbigay ng panayam ang aktor tungkol sa katauhan ng kasama.

Nang nakasalubong siya ng PEP noong Martes, may kasama na naman siyang babae.

Pero nang tinanong namin si Baron kung ito rin ba ang kasama niya last December, napangiti na lang ito na ang ibig sabihin ay iba na ito.

Pagmamalaki naman niya sa bago niyang girlfriend, “Very supportive siya and kinilala niya talaga ako kung sino ako.

“And nakita niya na… kasi she’s very educated, e, so sinusuportahan niya ako to take my meds, seek help.

“Iniiwas niya talaga ako sa bisyo, kasi wala siyang bisyo, e.

“We’re actually like really, really good friends.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN